Maricar de Mesa, nag-feeling OFW at nagka-anxiety sa mahabang lock-in taping

“It’s my first lock-in [taping] since pandemic, first experience ko na ganito katagal. To be honest ang hirap lalo na sa katulad ko. I have a toddler. First time ko s’yang iniwanan ng ganito katagal.”

PHOTOS: @msmaricardemesa on Instagram

“It’s my first lock-in [taping] since pandemic, first experience ko na ganito katagal. To be honest ang hirap lalo na sa katulad ko. I have a toddler. First time ko s’yang iniwanan ng ganito katagal.”

Nag-feeling OFW (Overseas Filipino Worker) ang aktres na si Maricar de Mesa nang sumabak s’ya sa lock-in taping para sa upcoming teleserye na Legal Wives.

K’wento n’ya sa entertainment press during the virtual media conference para sa nasabing soap opera kamakailan, nahirapan daw s’ya sa ganitong set up noong umpisa. First-ever lock-in taping experience daw kasi n’ya ’yon at may maliit pa s’yang anak na iniisip. 

“It’s my first lock-in [taping] since pandemic, first experience ko na ganito katagal,” lahad ni Maricar. “To be honest ang hirap lalo na sa katulad ko. I have a toddler. First time ko s’yang iniwanan ng ganito katagal.

Halos araw-araw daw kung tumawag ito sa kanya para pauwiin na s’ya. 

Mabigat sa puso lalo pag pinapauwi na ako, tinatawagan ako like almost every day. Tinatanong n’ya, ‘Mommy, what’s taking you so long?’” pagre-recall n’ya. “Kasi almost one month talaga kami [sa lock-in taping] and nakailang cycle kami. Hindi lang once. 

Tapos nadagdagan pa ng bagong protocol na kailangang mag-quarantine na almost a week. So, nakadagdag pa uli ’yon sa time na mawawala ka sa pamilya mo.

Pag-amin pa ng aktres, nagkaka-anxiety daw s’ya kakaisip sa kanyang anak habang nasa lock-in taping.
 
Tinatamaan ako ng anxiety attack. Well, of course, [dahil] sa daughter ko kasi maliit pa s’ya. Wala, e. Aaliwin mo na lang din talaga ‘yong sarili mo,” sey ni Maricar. 

“Most of the time, kung walang work, walang taping, work out talaga. Alam mo parang pinapagod mo na lang ‘yong sarili mo para sa gabi magbabasa ka na lang ng script tapos matutulog ka na. Ganu’n na lang talaga. And then, work ulit. ’Yong mind mo puro trabaho, puro trabaho na lang talaga.

Dahil sa ganitong set up due to COVID-19 pandemic, pakiramdam daw n’ya ay OFW na rin sila kahit na sa Laguna lang naman talaga ang kanilang location set. Wala nga kasing uwian at bawal din ang sinumang dadalaw.

Oo, parang ganu’n [OFW] talaga,” pagbabahagi pa ni Maricar. “Though, I think naman talaga, ang mga Hollywood [stars] nga minsan months silang nasa ibang bansa. Malayo sila sa mga families nila and all. Pero, [during] pre-pandemic p’wede mo silang dalawin. 

“I mean, p’wede mo kaming dalawin sa set. ’Yong mom mo p’wede kang dalhan ng pagkain. Or ’yong anak ko nadadalaw ako sa taping. Pero ito talaga [at present], wala. Kayo lang talaga ng mga co-workers mo.

However, may mga magagandang karanasan din naman daw ang aktres habang lock-in taping. 

“It’s very difficult but it’s a very good experience. Actually, ang sarap na ganitong klase ang taping. Kasi nandu’n na kayong lahat sa isa isang lugar. Pag kailangan kayo nandu’n na din kayo lahat,” lahad n’ya.

“At the same time, nagiging close, nagkakaroon kayo ng bonding ng mga co-actors mo. Nagkakakilala kayong mabuti hindi lang dahil magkakatrabaho kayo.

Dati daw kasi kapag natatapos ang taping ay kanya-kanyang uwi na ang mga cast members. 

“Before, pag usual taping, you go home. Parang tapos na, walang pakialaman, kebs na sa iba,” ani Maricar. “Pero ito talaga [sa ngayon], nagkakaroon kayo ng bonding. Nakakahanap ka ng family in them kasi nga kayo ‘yong magkakasama for a long time.”

Mas naging matatag din daw si Maricar sa buhay dahil naranasan at natapos n’ya ang mahabang lock-in taping sa gitna ng pandemya. 

“It’s tough but it’s a very good experience. Mas pinatibay ang pakiramdam ko. Mas pinatibay ako bilang isang ina. Pinatibay ako ng ganitong sitwasyon,” pagtatapos ni Maricar.

Sa seryeng Legal Wives ay gaganap s’ya bilang si Zobaida Almahdi, isang babaeng Muslim na ina ng character ni Bianca Umali na si Farrah Valeandong, ang isa sa tatlong babae na magiging asawa ni Ismael Makadatu na gagampanan naman ni Dennis Trillo

Kasama rin nila sa cultural series sina Alice Dixson, Andrea Torres, Al Tantay, Irma Adlawan, Cherie Gil, Juan Rodrigo, at marami pang iba. Mapapanood na ito simula July 26 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cherie Gil, handang harapin ang consequences ng pagba-back out sa isang teleserye

Lalaking mamahalin ni Bianca Umali, kailangan daw approved sa Lola niya

Dahil sa dami ng mga pabaon ng girlfriend na si Jennylyn Mercado para sa lock-in taping niya, Dennis Trillo, nag-reak: "Parang ayaw na nga n'ya akong pauwiin."

Andrea Torres, ready na daw ma-in love muli

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.