Maricel rates Arjo's acting as perfect 10

PHOTOS: Anna Pingol & SCREENGRAB FROM ABS-CBN

PHOTOS: Anna Pingol & SCREENGRAB FROM ABS-CBN

Nag-premiere na last January 21 ang comeback teleserye ni Angel Locsin na The General’s Daughter (TGD), kung saan nagkaroon na ng idea ang mga manonood sa kung ano ang tatakbuhin ng istorya nito. Bukod sa mga eksena ni Angel Locsin, na matagal napahinga sa paglabas sa TV, ay inaabangan din ang mga eksena ni Diamond Star Maricel Soriano at ni Arjo Atayde na gumanap bilang mag-ina.

 

Marami kasi ang naiintriga kung paano aatakihin ni Arjo, na mas kilala sa mga kontrabida roles, ang role bilang isang special child; ganu’n na rin kung paano dadalhin ni Maricel ang mga batuhan nila ng dialogues.

 

Pero bago pa man nag-TV premiere ang TGD, ay marami nang napagsabihan sa Maricel among her showbiz colleagues kung paano siya napahanga ni Arjo. Kaya naman noong media conference ng TGD kamakailan, kung saan pina-rate kay Maricel ang acting ni Arjo, ay walang kagatol-gatol din niyang sinabi na: “From one to ten? Ten!”

 

“Bihira ako na makatrabaho nang napakahusay…’yong talagang saludo ako…ako sasaludo? Bakit ako ba ’yong general? Hindi naman ako ’di ba?” biro pa ni Maricel habang nag-e-elaborate.

 

“Ang point ko lang, mahusay siya na sobra akong tinatablan pag umaarte…kasi siya’y anak ko na every time na makita kong umiiak ang anak ko, it breaks my heart…kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na ’yong paghanga ko sa kanya, nabe-verbalize ko talaga.”

 

Agad namang nagpasalamat si Arjo nang agad siyang hingan ng reaction tungkol sa mga sinabi ng Diamond Star.

 

“Thank you, ’Nay,” say ni Arjo, addressing Maricel herself.

 

Pero bukod raw kay Maricel ay honored din daw siyang maka-trabaho ang karamihan sa mga beteranong cast na tinawag niyang mga “powerful” actors.

 

“It’s an honor to be working with each and everyone here….it’s ovelwhelming…I’m actually confident that I have this team with me. They’re so powerful in each and every character they portray.”

 

Here’s the snippet of that part of the TGD media con:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.