Mariel Padilla, pinagmalaki ang lisensyadong gun collection; says they’re just for movie props, collection, and protection: “never for violence.”

Bilang gun owner and collector, importante daw, according kay Mariel Padilla na maging very responsible. “All of these are kept in a vault. Very secured vault—double locked. And this is definitely out of reach ng mga bata. Hindi ka lang dapat basta-basta maging gun owner, you have to be a responsible gun-owner. This is all for collections and not use for violence ever.”

Photos: @marieltpadilla / screengrab Mariel Padilla YouTube

Bilang gun owner and collector, importante daw, according kay Mariel Padilla na maging very responsible. “All of these are kept in a vault. Very secured vault—double locked. And this is definitely out of reach ng mga bata. Hindi ka lang dapat basta-basta maging gun owner, you have to be a responsible gun-owner. This is all for collections and not use for violence ever.”

Nang ilantad ni Mariel Rodriguez sa kanyang YouTube channel ang mga koleksyon niya ng iba’t ibang uri at kalibre ng baril ay hindi na kami nagulat dahil asawa siya ni Robin Padilla.

Kilala si Binoe na nagmamay-ari din ng iba’t ibang klase ng hand guns, armalite, shotguns at iba pa.  Ang iba dito ay nagamit niyang props sa mga action movies niya noong kapanahunan niya hanggang sa naging koleksyon na nga rin niya ang mga ito.

Sa pagkakatanda namin lahat ng naging leading ladies ni Robin ay nireregaluhan niya ng baril bilang proteksyon sa sarili. At kasabay na rin noon ang pagtuturo niya sa mga ito kung paano gumamit ng bumaril.

Kaya si Mariel pa ba na asawa ni Robin ang hindi niya tuturuang pumutok at bigyan ng baril bilang proteksyon din sa saril?  Lalo na noong wala pang COVID-19 pandemic ay laging wala ang aktor sa tabi ng asawa’t mga anak dahil sa trabaho.

Sa kanyang YT channel ay isa-isa ngang ipinakita ni Mariel ang mga pag-aari niyang baril na lahat ay may lisensya. Siya rin mismo ay may licence-to-carry IDs at ipinakita niya rin ang mga ’yon.

Bungad-paliwanag ng wifey ni Binoe, habang may hawak na isang pirasong baril: “Relaks, bago kayo mag-comment ng kung anu-ano diyan, this is an airsoft gun huwag kayong masyadong mag-panic, hindi ‘yan ang nakakatakot...mas marami pa. Hahaha!”

Sa kanyang pagpapatuloy, sinabi niyang ang pagiging gun aficionado raw ang kanyang “other side.”

“Never in your wildest dreams did you ever imagined that I have this collection...nakita n’yo naman ang mga koleksyons ko headbands, bags, plato.  Pero meron din tayong other side.

“It all started nu’ng 2011, if I’m not mistaken. [Year] 2011 or 2012, niregaluhan ako ni Robin ng isang hand gun—it’s a Glock 9!”

“Ay Gloc 9 singer pala ’yun,” patawang kambiyo niya. “Glock 17. Si Gloc 9 siya pala ’yung rapper, ha. Hahaha!”

“Nagulat ako,” patuloy niya sa k’wento ng pagre-regalo ng asawa. “Because hindi naman ako talaga shooter.  Though ’yung lolo ko mahilig din sa baril. So, growing up hindi foreign sa akin.

“I remember— I’ll never forget it—one of the first few times that I met my mother-in-law, she said, ‘Robin ’yung shotgun ko parang kailangan ng lagyan ng langis.’

“I was shocked! Imagine mo a 70-year old lady sinabi niya na may shotgun siya. I was shocked to the core!  Bago palang ako noon sa pamilya nila at heto na tayo ngayon, may collection na rin ako, ’yan ang ise-share ko sa inyo.”

At una nga niyang ipinakita ang kanyang Gloc 17.

“Nu’ng time na lumabas ’to di ba kung mayroon tayong ‘It bags’ ito ’yung ‘It gun!’

“One of the most memorable time was when I was able to actually fire the gun and not in a firing range. 

“Was I ever fired a real gun? Before when I did a drama series in Singapore. I believe I fired a gun sa MTV Rouge pero hindi siya totoo, ’yun ’yung gun na pam-pelikula. 

“First time kong maka-shoot ng actual gun, tinuruan ako ni Robin.  I was there with his son and other daughter.  Nasa Tanay, Rizal yata kami nito, sa bundok kung saan wala kaming tatamaan, it’s a safe place na pang-shooting.”

Inamin ni Mariel na takot na takot siya noong una siyang makahawak ng baril at kahit na sampung taon na ang lumipas ay natatakot pa rin umano siya.

Bukod sa Glock 17 ay may Glock 19 din siya to commemorate their wedding date (August 19, 2010). Binilhan pa umano ito ni Robin ng 30-shooter extended magazine, thus, adding 30 rounds to its original 15-round capacity.

Iminuwestra rin ni Mariel kung paano magkasa ng baril ayon sa turo ng asawa. Naikuwento rin niya na kapag nanonood siya ng foreign action movies at nakakita siya ng kapareho ng baril n’ya kinikilig daw siya gaya nang mapanood niya ang The Gunmen, kung saan pareho sila ng baril ng bidang si Sean Penn.

“Feeling ko ang cool-cool ko kasi cool ’yung baril ko.”

May ipinakita pang mini Glock si Mariel na Glock 43 daw.

“Super cute,” kaswal na bitaw niya. “Parang it’s a perfect hand-bag gun. Sobrang tigas ay kasi hindi pa napuputok. Sobrang bago pa. Mint condition.”

May pag-aari rin siyang Classic 1911 A1 Caliber 45 na ginamit daw niya sa 1996 movie nilang Ama, Ina, Anak, kung saan kasama niya ang buong Padilla brothers, mga pinsan, at ang pamangkin ni Robin na si Daniel Padilla.

“This is a World War 2 gun,” pagbibida ni Mariel about her Classic 1911 A1 Caliber 45. “Kaya when we shot that [movie], e, period ’yung film namin, ’yun ‘yung naalala ko. Iba ito at sobrang bigat.

“’Yung Glock ko, 9 millimeters ’yun,” patuloy niya.  “Alam ko mas powerful pa ito [Cal. 45]. Vintage. You know how much I love vintage!

“Di ba sa mga bags natin, sa mga plates natin iba ang vintage.  Why has vintage special?  Because you cannot buy it anymore. They do not make it anymore because it is vintage!” paliwanag ni Mariel.

Apat na klaseng baril na ang ipinakita ni Mariel, pero hindi pa pala tapos dahil may mga kapatid pa pala ang mga ito.

“Kung akala ninyo [tapos na]...di ba ako mahilig ako sa mga gamit na kailangan may kambal? Hindi p’wedeng siya lang mag-isa. Kailangan pair-pair din. Kahit sa baril kailangan pair-pair din.  

“‘Yung Glock ko dalawa—meron tayong Glock 19, merong Glock 43. Ganu’n din ang ating classic, this is Para-Ordnance 45. Same shape. Pag ’yung mga boys sinasabi kung gaano ka-powerful, ako naman sinasabi ko ’yung shape niya, color silver...kumbaga sa bag, silver hardware. Hahaha!”

Habang hawak ni Mariel ay ipinagmamalaking “limited edition din” na baril, sinabi niyang: “Di ba favorite natin lagi limited edition? This is the first gun I saw Robin with. Panahon pa ng mga Wowowee tapos ihahatid niya ako. Ito ’yung sinusuksok niya sa ilalim ng upuan niya na noong una ay na-shock-shock pa ako.

“Sabi ko, ‘My gosh, ihahatid lang ako sa work bakit tayo may gun?’ O, di ba?  Hindi pa ako masyadong sanay. Bago palang ako sa Padilla [clan]. Hindi pa ako goons. Ngayon goons na ’to, okey?”

Ang isinunod ni Mariel ay ang Classic 38 revolver.

“Ito ’yung gamit ng mga pulis noong araw, noong hindi pa sila nag-ga-Glock,” pa-trivia ni Mariel. “Ito ’yung naka-strap sa kanila. It’s really a collector’s piece.

“For example, if you’re a Louis Vuitton collector, you have at least one Speedy. If gun collector ka, you should have at least one revolver. This is a 6-shooter.  At gusto ko may kapatid kaya eto merong 38 revolver mini.  

“The reason why this is special because this is a detective one,” tuloy-tuloy na pagbibida ni Mariel.  “Ito ’yung mga baril na inilalagay sa paa, iniipit sa medyas.”

Walther P22 ang isinunod ni Mariel.

“Ito walang kapatid kaya malungkot,” saad ni Mariel. “This is super cute at pambabae talaga. Magaan at maliit at puwedeng ilagay sa handbag. At ’yung bala parang suppository. Ganu’n lang kaliit at ka-cute.”

In all, walong iba’t ibang klase ng baril ang pag-aari ni Mariel at ang huli niyang ipinakita ay pag-aari ni Robin.

“Hindi ako magpe-pretend, hindi akin ito kay Robin ito,” aniya about the next collection.

“Since nandito na rin tayo and Robin is a gun collector...This one is a G36 Submachine. Sobrang bigat and definitely not a girl gun. And this is a 5.56 caliber, automatic submachine gun...9 inches lang ’yung barrel.”

At bago magtapos ay muling ipinaalala ni Mariel na nakatago ang mga baril niya sa vault.

“All of these are kept in a vault,” paniniguro niya.  “Very secured vault—double locked. And this is definitely out of reach ng mga bata. Hindi ka lang dapat basta-basta maging gun owner, you have to be a responsible gun-owner. This is all for collections and not use for violence ever. But most of the time, for movies, okay? Of course, nandiyan din ’yung for security, for protection pero never for violence,” paliwanag mabuti ni Mariel.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.