Marjorie Barretto, ibinahagi ang pinagdadaanan ng tatlong anak sa kani-kanilang online studies

PHOTOS: @marjbarretto on Instagram

PHOTOS: @marjbarretto on Instagram

Ikinuwento ni Marjorie Barretto ang mga pinagdadaanan at adjustments ng tatlo n’yang anak na pawang mga nag-o-online schooling ngayon dahil sa ongoing pandemic. 

Ibinahagi ito ng aktres sa online show na “Wow Moms” hosted by Candy Pangilinan na in-upload sa Viva Artists Agency Facebook page last May 29.

Tatlo kasi sa limang anak ni Marjorie ay mga nag-aaral pa. At dahil nasa magkaka-ibang level daw ang mga ito ay iba-iba rin ang naging adjustments nila. 

“Actually, I have three online students,” panimula n’ya sa show. “Si Claudia who is in third-year college. Imagine, ibang-iba ‘yon pagka college student ang nag-o-online. And then I have my son [Leon] who is graduating high school also, online rin ‘yon. Iba rin ‘yong grade schooler [Erich], ‘di ba? ‘Yong lower school. 

“So, makikita mo na iba-iba ‘yong adjustments nila about online school," pagpapatuloy n'ya. “Hindi ibig sabihin nu’n pag ‘yong nine-year-old mo ‘yong naka-online parang naaawa rin tayo how they adjust to that, right?”

Aniya, marami daw nami-miss sa typical college life ang anak n’yang si Claudia na ayon sa mga naunang report ay kumukuha ngayon ng Business Management sa Ateneo de Manila University.
  
“Pero iba din ‘yong pinagdadaanan ng college student natin, ‘di ba? Kasi they’re missing the last two years of college, their college life, ‘di ba? That’s missing a lot, ‘yong campus life,” lahad ng celebrity mom. 

For her unico hijo naman na si Leon, hindi daw ito naka-experience na um-attend sa JS Prom dahil nga kanselado lahat ng gatherings due to COVID-19 pandemic. 

Hindi rin daw nito makaka-experience na masabitan ng medalya sa graduation rites dahil maging 'yon ay cancelled din. 

“And then my son, who missed dalawang proms. Hindi na nakapag-prom,” share pa ni Marjorie. “May isusuot na dapat s’ya. Naka-cancel the day before ‘yong prom last year and ngayon [taon ay na-cancel] ulit.” 

Dagdag pa n’ya, “Hindi na n’ya na-experience pati mag-graduate. Dapat nga may honors pa s’ya [pero] ‘di na s’ya makapag-graduate.

“And iba na ngayon. They did their college applications na hindi na nag-test. Ibang-iba ngayon sa nakasanayan natin.

Sa bunso namang si Erich, pati umano siya ay natsa-challenge dahil pati ang mga recreational activities nito ay nalilimitahan na ng kung ano meron sa online.

Ang nagiging kalaban natin ngayon is ‘yong online gaming rin nila,” kwento ni Marjorie. “May mga ganu’n na ngayon na nakakahiligan ni Erich.”

“So after online school, ang nagiging problema natin, since nasanay na s’ya sa online, let’s say 8 AM ‘til 2:40 [PM], pahinga lang nang konti, and then their idea of playing now is online again.”

Unfortunately ay limited naman daw kasi ang choice n’ya para sa kanyang bunso sa ngayon. 

“So pag pinigilan mo naman… Kunwari sabihin natin, ‘You can’t be on the screen…’ Hindi rin naman sila allowed na maglaro sa labas o hindi rin sila allowed lumabas. So there’s really not so much for us to offer,” paliwanag n’ya.

Ngayon matatapos na ang school n’ya first week of June, nagsa-scout na ako nang p’wede n’yang gawing lessons online. Pero online pa rin. Online piano, online singing… Ang gusto ko sana is makapag-activity na s’ya outside talaga. ‘Yon ang pinag-aaralan ko ngayon talaga.

Balak din daw n’ya humingi ng tips sa mga nanay na may kapareho n’yang sitwasyon kung paano ba mababawasan ang online activities ng mga bata. 

“And I have to talk to other moms [with children] of the same age na, ‘Papano kaya natin matutulungan ang mga anak natin na not everything is online?’” pagtatapos ni Marjorie.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

LOOK: Barretto sisters Dani, Julia, and Claudia pay birthday tribute to their mom, Marjorie!

Marjorie Barretto remains thankful despite cancellation of Italian birthday trip, which is a gift from daughter Julia

Donny Pangilinan, mas gusto pa rin ang traditional way ng panliligaw; Belle Mariano, ayaw ding paligaw the modern way

Rabiya Mateo matapos ang Miss Universe competition: “It was such a beautiful moment to represent you, Philippines.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.