Mark Anthony Fernandez, biopic ni former Senator Gringo Honasan ang dream project para kanila ng anak niyang si Grae Fernandez

Photos: Mark Anthony Fernandez Facebook & @graefernandez

Photos: Mark Anthony Fernandez Facebook & @graefernandez

Sa virtual press conference kamakailan ng Biyernes Santo, ang horror movie ng Viva Films kung saan gumanap na anghel si Mark Anthony Fernandez—(hindi lang ni-reveal kung good or fallen angel)— hindi naiwasang matanong ang aktor tungkol sa equally guwapo niyang anak na si Grae Fernandez na maganda ang takbo ng career ngayon sa ABS-CBN.

Ani Mark, masayang-masaya siya para sa anak nila ng kanyang estranged wife na si Melissa Garcia.

“Proud ako dahil may magandang nangyari sa kanya,” panimula ni Mark. “At s’yempre nagbibinata siya, nagiging independiente siya. So, masaya ako. Proud ako bilang tatay s’yempre.”

Aniya, pangarap niya sa anak na makahanap ito ng project o role na magiging markado raw talaga.

“Ang gusto ko, wag siyang mawalan ng patience. Talagang trabaho nang trabaho. Hanap lang nang hanap ng proyekto hanggang sa talagang maka-jackpot. Kumbaga ’yong markadong-markado, ’yong papanalo n’ya ’yong role. Parang ganu’n or magustuhan ng tao.”

Hindi raw si Grae ang klase na humihingi ng advise. Sariling sikap kumbaga. Hindi rin daw sila magkasama sa bahay kaya’t madalang silang magka-usap. Ganun pa man, binibigyan pa rin daw niya ito ng pointers any time he gets. 

“Hindi pa namin napag-usapan ’yong part na ’yon pero ako nagkusang-loob na ako na few times,” k’wento ni Mark sa press. “Kasi naghiwalay na kami nu’ng mama niya. Nu’ng may pagkakataon akong makapag-payo, nagkusang-loob na akong magpayo.

“Pinayuhan ko siya ng ganito-ganu’n...Pero sa naalala ko na humihingi siya ng abiso sa akin, parang wala akong maalala. So, ako na ’yong nagkusang-loob na magbigay ng payo.”

So far ay hindi pa sila nagkakasama ni Grae sa anumang project magmula nang subukin ni Grae ang showbiz. Pero kung mabibigyan daw ng chance at choice makapamili ng p’wede nilang pagbidahang mag-ama, sana daw ay ang life story ni former senator Gringo Honasan ang maibigay sa kanila.

“Ako, sa tinagal-tagal ko sa showbiz, kahit papa’no wala pa pong nakakabili na Gringo na story, alam mo ’yon?” tanong ni Mark “I mean can anybody na mako-convince si Senador Gringo Honasan? If we do that plus Grae and me... me, mag-guest si Grae... something like that or vice versa. That would be big, diba? For more insight [about his life].”

Wish palang naman ito. Ang reality at present ay streaming na on Vivamax ang Biyernes Santo, kung saan may misteryosong role si Mark at makakatunggali niya sina Ella Cruz at Gardo Versoza

Vivamax is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store at Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mark Anthony Fernandez, muntik daw magdemanda noon dahil sa binawalang mag-workout sa kulungan

Grae Fernandez, susundan ang yapak ng lolo Daboy

Darryl Yap, pinadalhan ni Sharon Cuneta ng LV bag worth $5,000!

First ever kiss nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, taranta ang naging dahilan

Rosanna Roces, gusto pang magka-baby pero hindi raw magpapa-donate ng semilya kay Gardo Versoza: “Ayoko nga! Baka pag labas naka-high heels.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.