Mark Anthony Fernandez, nagpaparamdam ba kay Claudine Barretto when he said this: “Para sa akin, hindi pa huli ang lahat. Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi?”

First time ulit nagkatrabaho nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa Deception kaya natanong si Claudine kung may napansin ba siyang remarkable changes kay Mark na huli niyang nakatrabaho 26 years ago pa sa Mangarap Ka (1995). “Si Mark the same pa rin, very protective,” nakangiting paglalarawan nagbaballik-pelikulang aktres sa dating kasintahan. “Very loving, very sweet. Parang wala naman nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon. Saka very professional si Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama. Parang sobrang professional niya, sobrang lalim niya.”

Photos: Vivamax

First time ulit nagkatrabaho nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa Deception kaya natanong si Claudine kung may napansin ba siyang remarkable changes kay Mark na huli niyang nakatrabaho 26 years ago pa sa Mangarap Ka (1995). “Si Mark the same pa rin, very protective,” nakangiting paglalarawan nagbaballik-pelikulang aktres sa dating kasintahan. “Very loving, very sweet. Parang wala naman nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon. Saka very professional si Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama. Parang sobrang professional niya, sobrang lalim niya.”

Inamin ni Claudine Barretto na manghihinayang siya kung hindi niya tinanggap ang pelikulang Deception kasama ang ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez.

Una, matagal na raw niyang pangarap na mai-direk ni Direk Joel Lamangan. Pangalawa, chance na nga raw niyang maka-reunion si Mark onscreen. At pangatlo, napaka-challenging daw ng material na brainchild ng writer-director na si Easy Ferrer.

Kaya hindi na raw pinakawalan ni Claudine ang project nang i-alok ito sa kanyang ng kaibigan at first-time film producer na si Atty. Ferdinand Topacio

And according kay Atty. Topacio, hindi rin naman daw niya ibibigay sa iba dahil wala siyang ibang maisip na aktres na gaganap kay Rose bilang wrongfully accused—and sentenced—murderer ng sariling asawa (played by Mark Anthony Fernandez).

“Kilala ko na siya since 2012 kaya nga ipinaglaban ko siya noon because I believe in her,” esplika ni Atty. Topacio duirng the film’s virtual media conference kamakailan. 

“This is a project that is very close to my heart. So, nu’ng bumagsak ’yong script from Easy Ferrer sabi ko, ‘Ang ganda nito.’” 

At dahil si Claudine ang bidang aktres kaya naisip nitong si Mark ang bagay na leading man lalo’t may pinagsamahan sila at kailangan ng malalimang arte, bagay na sinang-ayunan ni Direk Joel.

“Mark and Claudine beyond the rom-com genre, ’yun naman ang lalim ng kanilang experiences. ’Yong romcoms, anyone can do it, e. kahit mga baguhang love team kayang gawin. But this is something special at walang ibang makakagawa nito kundi sila lang,” dagdag pa ng may-ari ng Borracho Films na co-producer ng pelikula. 

As for Claudine, wala nga raw pagda-dalawang isip on her end na tanggapin ang Deception. 

“No second thoughts. Tinanggap ko talaga agad,” diin ni Claudine. “Matagal ko na kasing gustong makatrabaho si Mark at alam naman niya ’yon kaya nang dumating ’yong offer, nag-go agad ako. 

“Walang ilangan. Nag-uusap kami kung anong gusto naming gawin sa scene and happy ako. Kasi, ano pa bang p’wedeng hingin? Si Direk Joel [Lamangan] na ’yong direktor, tapos si Mark pa [ang kasama], so, ang laki-laking pasasalamat ko sa Borracho Films at sa Viva.

Dagdag pa ni Claudine, hindi raw mahirap maka-relate sa character niyang na-deceive dahil sa mga pinag-daanan niya sa personal niyang buhay. 

Saka ’tong pelikulang ito is very close to my heart dahil sa mga nangyari sa amin ng ex-husband ko,” deretsahang saad ni Claudine na ang tinutukoy ay ang naging failed marriage nila ni Raymart Santiago. 

“It hits close to home sa akin kasi...hindi lang naman sa ex-husband ko kundi sa mga taong pinagkatiwalaan ko. Sa mga taong akala ko kaibigan ko, ’yon pala hindi. Tinulungan mo na, ikaw pa ’yong masama. I’ve had so much betrayal and deception in my life. Ang dami talaga. 

“There’s so many relationships I’ve had, whether friendship or at work or sa family or sa ex-husband... lahat ’yon napagdaanan ko.”

Napabigay tuloy ng advise ang aktres.

Aniya: “Kaya dapat mas extra careful ka. Saka ’yong sinasabi nila na love yourself, totoo ’yon. Huwag lang bigay nang bigay.” 

At dahil first time nga ulit nilang nagkatrabaho ni Mark, who also happens to be her ex-boyfriend, natanong si Claudine kung may napansin ba siyang remarkable changes kay Mark na huli niyang nakatrabaho 26 years ago pa sa Mangarap Ka (1995),

“Si Mark the same pa rin, very protective,” nakangiting paglalarawan nagbaballik-pelikulang aktres sa dating kasintahan. “Very loving, very sweet. Parang wala naman nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon. Saka very professional si Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama. Parang sobrang professional niya, sobrang lalim niya.” 

Inamin din ng aktres na during their free time ay napapa-reminisce din naman sila sa kanilang nakaraan. At nagkaroon din daw sila ng mga “what if” thoughts.

“Napag-usapan namin ’yan, actually,” natatawang pagtatapat ng aktres. “Paano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ’yung anak natin? Kino-compute pa namin. Haha!” 

Sa puntong ito ay nag-butt in na si Mark, na nasa kabilang Zoom. At lumabas na mas ma-detalye pa ito  Mark kaysa kay Claudine. 

“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers...bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako natutuwa pa rin akong nakakausap siya, ganu’n din siya sa akin,” lahad ng aktor sa estado ng relasyon nila after their teen-age romance.

“Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo ’yon?”

 Na-carried away yata si Mark dahil ang kasunod na hirit niya ay:

“Pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ’yon? Kung anuman ’yun. Kasi bata pa naman si Boss Clau, e. Alam mo ’yun? Depende sa sitwasyon, alam mo ’yon? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi?” 

Napaisip tuloy kami kung single ngayon si Mark Anthony. At napansin din naming nagulat si Claudine sa sinabi ng aktor. 

At may makulit pang dagdag-hirit ang aktor.

“Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend,” pahabol niya. Crush-wise, hindi mawawala ’yong pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush.”  

Ang Deception ay isang drama-mystery film na kuwento ni Rose (Claudine), isang sikat na aktres ni Jericho (Mark Anthony), ay isang stunt double, na nahulog sa isa’t isa at nagpakasal. Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas. 

Kung titignan ay maayos ang kanilang pamilya na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira dahil aaakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng sampung taon. 

Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan at mamumulat sa mundo nang walang magulang. Kaya sa paglaya ni Rose ay susubukan niyang magsimula ulit at hanapin ang mga bagay na nawala sa kanya at isa na rito ang paghahanap sa kanyang anak na ngayon ay isa ng binatilyo. 

Pero sa pagbabagong hangad ni Rose ay babalik ang sakit ng nakaraan at malalantad ang mga kasinungalinang nangyari noon. 

Mapapanood na ang Deception sa January 28 sa Vivamax.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.