Mark Bautista, nagpa-planong gawan ng Part 2 ang kanyang “controversial” book na Beyond the Mark?

PHOTOS: @iammarkbautista on Instagram & @VIVABooksInc on Facebook

PHOTOS: @iammarkbautista on Instagram & @VIVABooksInc on Facebook

Nai-inspire ngayon si Mark Bautista na dugtungan ang isinulat n’yang libro na “Beyond The Mark” na ini-release ng Viva Books in 2018.

Ito ang ibinahagi ng singer and movie-and-stage actor sa naging interview sa kanya ng showbiz news writer and talent manager na si Aster Amyo sa online show nitong TicTALK last April 30.

Napag-usapan nila sa show ang naging kontrobersyal na libro ni Mark na inilabas n’ya three years ago during his 15th anniversary sa showbiz

K’wento n’ya, nasa US daw s’ya noon at nagpe-perform sa isang theater production nang maisipan n’yang gumawa ng libro.  

Nagawa ko ‘to lahat nu’ng nasa States ako,” lahad ni Mark sa interview. “Siguro dahil mag-isa ako doon and ang dami kong mga realizations, ang dami kong na-meet na mga tao and nagsama-sama na lahat

“And that moment, ito [libro] ‘yong gusto kong mangyari. Ito ‘yong gusto kong i-share sa tao. Ito ‘yong gusto kong change that time.”

Natutuwa daw s’ya sa tuwing tinitingnan n’ya ang libro na itinuturing n‘yang malaking achievement. 

Kasi ngayon kapag tinitingnan ko s’ya, ‘Parang…wow! Paano ko ito nagawa?’” saad ng Kapuso singer. 

“Actually, proud ako na nagawa ko,” pagpapatuloy n’ya. “Pero sobrang na-amaze ako na nabuo ko s’ya, na nagawa ko s’ya, na mati-treasure ko s’ya hanggang sa tumanda ako. Babalikan ko ‘yong nangyari sa buhay ko with just one book. And happy ako na nasulat ko s’ya.”

Pag-amin pa ni Mark, medyo natakot din daw s’ya noon na i-share ang kanyang mga k’wento at personal experience through his book pero mas nanaig daw ‘yong kagustuhan n’yang makapag-inspire ng tao. 

“It was very frightening for me, actually,” sabi n’ya. “But at the same time, I think that time, gusto ko i-share dahil gusto kong maraming matuto sa story ko. Maraming mapupulot sa story ko. 

“And I feel like, that moment lang, gusto kong balikan ang pinagdaanan ko sa buhay. And siguro din dahil naisip ko, 15 years na ako [sa industriya], gusto kong balikan [kung] paano ko ba narating to? Paano ba ako nabuo as tao and sa 15 years ko sa industriya or sa buong buhay ko, bakit ito ang naging journey ko sa buhay?

Ito ‘yong binigay ni Lord sa akin na path. Being in the States, doing the international show with international audience, bakit ako ang pinili ni Lord na mapunta dito?… Bakit ako umabot sa world stage? Bakit ako dinala dito? Nag-sum up na ‘yon lahat.

Inspiring kasi ang naging journey ni Mark mula sa Cagayan de Oro na sumusubok lang noon sa mga auditions hanggang sa maging first runner-up ni Sarah Geronimo sa Star For A Night, na s’ya namang nagbukas ng kanyang pinto sa showbiz and international projects. 

“Honestly, may pinagdadaanan din ako that time na confusion and all that,” lahad pa n’ya sa show. “So sabi ko, I think, isusulat ko ito. Kasi marami akong p’wede isulat. Marami akong p’wede i-share na may mapupulot [na aral] ‘yong ibang tao. 

Baka ma-inspire sila sa journey ko from probinsya to West End o National Theater sa London and doing a show in Seattle. And parang feeling ko may reason lahat ng pinagdadanan ko sa buhay. I think may reason si Lord kung bakit ako ang naging instrument sa lahat ng ito.

Dagdag pa n’ya, nakaramdam din daw s’ya ng confusion that time at ito ang nagtulak sa kanya na gawin ang libro 

Kasi feeling ko ang dami kong walls… Ang daming moments na feeling ko hindrance sa dapat mas ginawa ko pa or something na ganu’n,” lahad n’ya sa showbiz news writer and talent manager. 

‘Yon ‘yong confusion sa sarili ko na feeling ko baka [kailangang] i-let go ko na ‘tong lahat para bukas ako sa kung anong mangyari pa na other things sa buhay ko. [‘Yong] wala ka nang iisiping walls, wala ka nang iisiping pagtatago. Free ka lang to think and to move.”

Sey pa n’ya, hindi daw n’ya intensyon na maging kontrobersyal ang inilabas n’yang libro. Maliban kasi sa mga inamin n’ya tungkol sa kanyang karanasan as an artist, ibinahagi rin niya doon ang tungkol sa kanyang sexuality at may mga kwentong hindi sinasadyang naka-pique ng interest ng tao at tuloy ay naging pahulaan.

Pero part and parcel lang naman daw iyon ng libro na kung titingnan sa kabuuan ay ginawa niya para kapulutan ng inspirasyon. 

“It was not my intention, actually. Siguro lang dahil isa s’ya sa mga elemento,” ani Mark. “Maraming elemento ‘yong book. Sana mabasa nila. ‘Yong iba naman jinudge na agad nila ‘yong concept, ‘yong idea.”

Taas-noo rin daw ang All Out Sundays (AOS) regular performer tungkol sa kanyang libro dahil wala naman umano siniraan o inapakang tao doon.

Sobrang confident ako at sobrang at peace ako na ginawa ko s’ya, na natapos ko s’ya. Alam kong wala naman akong sinaktan. Wala naman akong sinagasaan or something,” paliwanag pa ni Mark. “It’s just that people are just judgmental. Sila ‘yong actually judgmental. 

Kasi kung babasahin nila ‘yong libro, it’s not sole doon sa [‘controversy’] umiikot ‘yong istorya. Ang dami kasing stories d’yan, e. ‘Yon lang, nami-miss out na nila ‘yong ibang stories dahil naka-focus sila doon.

K’wento pa n’ya, may mga kaibigan daw na umiwas sa kanya after ma-release nu’ng libro. 

Nu’ng first release n’yan, s’yempre maraming friends na medyo tinaasan ako ng kilay…medyo umiwas,” pagre-recall ni Mark. 

“Feeling nila parang enemy ako sa kanila. Parang something ganu’n. ‘Yon ‘yong napi-feel ko kasi nu’ng unang dating ko dito from the States and nalaman nga na may libro, may mga friends ako na bakit parang hindi ako nilalapitan o iniiwasan ako.

Wala naman daw s’yang pagsisisi na isiniwalat n’ya ang kanyang mga karanasan sa ginawa n’yang libro. Katunayan, napapaisip nga daw s’ya ngayon na dugtugan pa ito. 

Hanggang ngayon proud ako na naisulat ko ‘yong libro. Na-inspire pa nga ako na baka madugtungan ko pa ito or something,” pag-amin pa ni Mark. 

Kasi ako naman, masyado… naa-amaze din ako sa mga nangyayari sa buhay ko and I owe it all to God. Grabe ‘yong ginagawa n’yang events sa buhay ko. And It’s not just me. It’s actually Him,” pagtatapos n’ya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Mark Bautista expresses sadness on the cancellation of musical plays The Band's Visit and Oliver due to COVID-19 outbreak

Pika's Pick: Mark Bautista raises P410K for COVID-19 mass testing cause after selling 10 of his own paintings via auction

Pika's Pick: Mark Bautista sells old paintings and embarks to make new ones; says “A little escape can be healing.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.