Mark Herras, dinagsa ng mga DMs (direct messaging) from bekis matapos kumalat ang pangungutang umano ng P30K

Sa larong “Sagot o Lagot” challenge nila ng kaibigang si Eric Fructuoso, natanong ang dalawa kung magkano ang laman ng kani-kanilang bank accounts. “Mga 30K siguro,” pabirong bitaw ni Mark na tila sundot sa naging issue nila ng dating manager niyang Manay Lolit Solis kamakailan.  P30K kasi ang eksaktong amount na nabanggit publicly ni Lolit na umano’y inuutang sa kanya ni Mark Pero bawi niya: “Ako, this is private thing pero alam ko ’yong anak ko may pera sa banko.”

PHOTOS: @herrasmarkangeloofficial on Instagram

Sa larong “Sagot o Lagot” challenge nila ng kaibigang si Eric Fructuoso, natanong ang dalawa kung magkano ang laman ng kani-kanilang bank accounts. “Mga 30K siguro,” pabirong bitaw ni Mark na tila sundot sa naging issue nila ng dating manager niyang Manay Lolit Solis kamakailan.  P30K kasi ang eksaktong amount na nabanggit publicly ni Lolit na umano’y inuutang sa kanya ni Mark Pero bawi niya: “Ako, this is private thing pero alam ko ’yong anak ko may pera sa banko.”

Natatawang inamin ni Kapuso actor Mark Herras na dinagsa s’ya ng DMs o private messages online nang kumalat ang balitang nangutang diumano s’ya ng pera sa dating talent manager niyang si Lolit Solis.

Inilahad ito ng aktor sa latest vlog entry n’ya last September 12 kung saan kasama n’ya ang kaibigang si Eric Fructuoso na sumalang sa “Sagot o Lagot Challenge.” 

Ang siste, kailangan nilang sagutin ang mga tanong mula sa fiancée ni Mark na si Nicole Donesa na nakapuwesto behind the camera. Otherwise, they need to drink "sukaong" or sukang may bagoong. 

Isa sa mga naitanong sa dalawa ay kung magkano ba ang laman ng kani-kanilang bank accounts. 

Mga 30K siguro,” pabirong bitaw ni Mark na tila sundot sa naging issue nila ng dating manager niyang Manay Lolit Solis kamakailan. 

P30K kasi ang eksaktong amount na nabanggit publicly ni Lolit na umano’y inuutang sa kanya ni Mark

Inom na naman ako? Inom na lang ako para walang issue.”

Dagdag pa n’ya: “Ako, this is a private thing pero alam ko ’yong anak ko may pera sa banko.

Sunod namang itinanong kina Mark at Eric ay kung nakatanggap na ba sila ng mga indecent proposals.

Sagot ng StarStruck Season 1 grand survivor, “Hindi naman to the point na indecent ha. Medyo disente pa naman but I think it’s going there. 

"Before may nag-i-invite ng date pero [they’re from] LGBT [community]. Mga ganu’n.

Natatawang dagdag niya: “Tapos nu’ng nangyari ’yong recently’ng issue ang daming nag-DM sa akin na mga LGBT.”

May mga nagmagandang-loob daw na beki at nagpahayag na gusto s’yang tulungan financially. 

Pa-sample pa n’ya sa mga natanggap na message: “‘Hi, Mark! Hi, I can help.’" 

Paglilinaw naman ng aktor, “I’m not judging them. Maganda naman ’yong thought. 

Medyo in-assume ko lang na papunta doon. Pero so far wala pa naman ’yong rekta. Wala pa naman ako natanggap na rekta na talagang ‘Mark, bigyan kita ng pera.’ ’Yon. Wala, wala pa naman.

Matatandaan na kumalat sa social media ang video clip mula sa August 3 episode ng online show na Take It Per Minute, Me Ganun! kung saan kausap ni Manay Lolit ang co-hosts n’yang sina Mr. Fu and Cristy Fermin.

Doon ay binisto ni Manay Lolit na napagalitan n’ya ang dati n’yang alaga na si Mark sa panghihiram diumano nito ng P30K para may maipangbili ng gatas ng anak nila ni Nicole na si Baby Corky.

Nakatikim daw ng sermon ang aktor mula kay Lolit dahil dito.

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang mga inilahad ni Lolit sa show at dinepensahan nila si Mark sa tila pamamahiya dito ng sarili nitong manager. 

Inamin naman ni Manay Lolit na naipahiya nga n’ya si Mark sa kanilang online show pero para naman daw ’yon sa kapakanan ng aktor na seryosohin na ang kanyang trabaho bilang artista.

Bwelta pa ng veteran showbiz news writer, kung tutulong daw sila kay Mark dapat ay gumamit sila ng utak at puso.

That time ay nag-decide din si Manay Lolit putulin na ang working relationship nila ng Kapuso actor pero wala daw s’yang hurt feelings para dito.

Sa ngayon ay kaka-renew lang ni Mark ng contract with GMA Artist Center at nagpe-prepare na para sa lock-in taping ng kanyang upcoming teleserye.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Is Mark Herras dropping hints of an upcoming wedding with girlfriend Nicole Donesa?

Kapuso lovebirds Mark Herras and Nicole Donesa are now engaged!

Pika's Pick: Mark Herras and girlfriend Nicole Donesa get new ear piercings

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.