Mark Herras, inamin nang GF si Nicole Donesa

Marami ang nagulat sa i-pinost na photo ni Mark sa kanyang Instagram account, kung saan sa wedding scene nina Jason Abalos at Max Collins sa Bihag, sila ang nag-lips to lips imbes na sina Max at Jason. Hindi magkapareha sina Mark at Nicole sa soap, kaya wala talagang rason para sila’y maghalikan. Kaya tila hindi talaga yon parte ng eksena, kundi totohanan.

PHOTOS: @herrasmarkangeloofficial

Marami ang nagulat sa i-pinost na photo ni Mark sa kanyang Instagram account, kung saan sa wedding scene nina Jason Abalos at Max Collins sa Bihag, sila ang nag-lips to lips imbes na sina Max at Jason. Hindi magkapareha sina Mark at Nicole sa soap, kaya wala talagang rason para sila’y maghalikan. Kaya tila hindi talaga yon parte ng eksena, kundi totohanan.

Wala pang inaamin sina Mark Herras at Nicole Donesa sa kanilang relasyon at puro balita at sightings lang sa kanilang dalawa ang nababasa. May mga ayaw pa ngang maniwala at inisip na promo sa magtatapos this Friday na Afternoon Prime ng GMA-7 na Bihag  ang pagli-link sa dalawa.

Kaya marami ang nagulat nang sa pinost na photo ni Mark sa kanyang Instagram (IG) account na wedding scene nina Jason Abalos at Max Collins sa Bihag, sila ang nag-lips to lips imbes na sina Max at Jason. 

Hindi magkapareha sina Mark at Nicole sa soap, kaya wala talagang rason para sila’y maghalikan. Kaya tila hindi talaga yon parte ng eksena, kundi totohanan.

Natukso si Mark ng mga kasamahan dahil sa litratong ‘yon. At base sa mga sagot niya sa mga nangulit at nanukso sa kanya sa comment section, parang inamin na rin ni Mark ang relasyon nila ni Nicole. 

Nagtanong si Redgyn Alba kay Mark kung dream sequence ang wedding scene na kinunan at sinagot siya ni Mark ng “Hahahahah hindi pooo.”

Sa follow-up comment ni Redgyn na “Yung eksenang ito pwede dream sequence pero yun kayo ni Nicole pang totoong buhay!!!” 

Sumagot si Mark ng “Hahahaha yes pooo.” 

(Si Redgyn Alba ang senior program unit manager ng GMA-7 na may may hawak ng Bihag.)
 

Kaya confirmed, sina Mark at Nicole na nga!

 May nagbiro pa kay Mark na iba siya at biniro rin si Nicole na nabihag nito ang puso ni Mark. “Hahaha” lang ang sagot ni Nicole.

Sa pag-i-stalk namin sa IG ni Mark, nadiskubre naming hindi ang wedding photo nina Jason at Max ang first picture nila na magkasama na pinost ni Mark sa IG.  

Noong July 28, sa death anniversary ng isa sa relatives ni Mark, isinama niya si Nicole nang dumalaw siya sa memorial park kasama ang ibang kapamilya. 

“PAMILYA” ang caption ni Mark sa litrato at ibig sabihin, belong na sa pamilya nila si Nicole.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AngeloSantos (@herrasmarkangeloofficial) on

 

May pinost pa si Mark na nagsayaw siya sa isa niyang TV guesting, nag-comment si Nicole ng “Mine” na sinagot ni Mark ng emoji ng padlock at chain. 

Matanong nga si Mark ‘pag nakita namin kung ano ang ibig sabihin nang pinost na emojis.

Last Thursday, parehong pinost nina Mark at Nicole sa kani-kanyang IG ang photos noong magpabago ng hair style si Mark sa Salon de Manila . Hindi kami sigurado kung nagpagupit siya, basta malayo na ang hitsura niya sa role ng isang pulis na ginampanan sa Bihag.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AngeloSantos (@herrasmarkangeloofficial) on

Parang hindi nagpagupit si Nicole dahil mahaba pa rin ang hair. Tila sinamahan lang siguro ang boyfriend sa salon para maayos ang buhok at hindi na nga magmukhang pulis.

Marami ang pabor sa Mark-Nicole relationship at natutuwa at masaya ang mga kaibigan at fans ni Mark para sa kanya. 

After ng break-up nila ni Winwyn Marquez, deserve raw ni Mark na sumaya at maging inspired. Ang wish ng fans, sila na ang magkatuluyan at magkaroon ng forever.
 
Sa Bihag  nagkakilala, nagkaligawan at naging magsyota sina Mark at Nicole as Larry Pineda and Martha Dampit respectively. Hindi sila loveteam partners dito at madalas  sa mga eksenang magkasama sila, laging nag-aaway, nagbabangayan at galit sa isa’t isa; na kabaligtaran pala sa nangyayari off camera. 

Nagkaka-inlaban na pala sina Mark at Nicole and in fact, couple na sila ngayon.

Masaya na sina Mark at Nicole. Sana naman hindi na i-bash ng kanilang fans si Winwyn Marquez, ang ex-GF ni Mark. May nabasa kaming inaway si Winwyn at pinagbibintangan pang kaya nagpapaganda at blooming ngayon nagpapapansin siya kay Mark at sinabihan pang baka ahasin niya si Mark kay Nicole.

Pero hindi naman ito pinalampas ni Winwyn

 “Push pa natin if blooming haha and ahasin? Ano yun? If @herrasmarkangeloogfficial and  @nicole_donesa are happy then let them be. And if wala ka magawa stop commenting on my feed,” sagot ni Winwyn sa basher.

Tama nga naman, mag-move on na ang mga bashers. Sina Mark at Winwyn nga nag-move on na at may bago na ngang GF si Mark, bakit ang fans ayaw pang mag-move on?

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Winwyn, umaasang ang kasunod ni Mark ay ang “the one” na

Mark Herras on breakup with Winwyn Marquez: “Walang third party”

WATCH: Kung paano ma-windang si Winwyn Marquez sa sunod-sunod na tanong tungkol kay Alden

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.