Mark Herras, magiging tatay na rin; gf na si Nicole Donesa, si Mark mismo ang napaglihihan

PHOTOS: @nicole_donesa on Instagram

PHOTOS: @nicole_donesa on Instagram

Magkaka-baby na ang Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa!

Ibinalita mismo ng dalawa ang good news sa kanilang latest vlog entry na in-upload today, September 14 sa joint YouTube channel nila.

Sa title pa lang ng video na "Yes, we are," inamin na nina Mark at Ico [nickname ni Nicole] na they have a baby in the offing.

"We're happy, we're proud and then were excited to tell you guys [that] Ico's pregnant," panimulang pahayag ni Mark sa video habang katabi ang fiancée. "Five months pregnant now. At hindi 'yun 'yong reason kung bakit kami magpapakasal. Nililinaw ko lang sa mga mamba-bash d'yan."

Matatandaang na-engage sina Mark at Nicole nito lang June na in-announce nila sa kani-kanilang Instagram accounts.  

"Kaya namin dinelay [ang pag-amin] kasi parang ayaw namin... Alam mo 'yon, ang dami nang nagyayari sa mundo," dagdag pa ng StarStruck alumnus.  

Maliban pa dito, nahirapan daw si Nicole during the first three months of her pregnancy kaya nagpasya silang huwag munang ipaalam ang kanyang pagbubutis sa kanilang mga fans. 

"S'yempre during this time, it's nice to keep things private muna especially during the sensitive stage sa akin," paliwanag ng 26-year-old beauty queen-turned-actress. "First trimester for me was so hard."

At biglang bumanat si Mark at sinabing, "So hard for me."

Pagpapatuloy naman ni Nicole: "But for both of us actually, it was really hard.

"No. Mas sa akin," muling singit ng Kapuso actor. 

"Mas sa'yo ba? Bakit?" natatawang tanong ng aktres sa kanyang nobyo. "Kasi pinaglihihan ko s'ya."

Kinumpirma naman ito ni Mark.  

"Guys, since day 1 up to now ako po 'yong pinaglilihihan ni Nicole. So 'wag kayong magulat kung lumabas 'yong anak ko, 'yong anak namin na kamukha ko."

At nagkaroon sila ng maikling pagtatalo dahil para kay Nicole ay magiging girl ang baby nila habang boy naman ang hula ni Mark.

However, kahit ano pa daw ang kasarian ng baby nila ay papangalanan nila itong ng Corky.

May banta din ang 33-year-old actor-dancer sa mga nagtatangkang mam-bash sa kanila online.

"I'm warning all the bashers," pahayag ni Mark. "'Wag n'yo kaming gagawan ng issue o 'wag kayong magsasabi ng kahit anong negative about me or Nicole or our baby. Kasi papatulan ko kayo."

Sinegundahan naman ito ng soon-to-be mom na si Nicole with a mild, subtle explanation. 

Sey n'ya: "During this time kasi we're going through a lot. COVID, so many people are dying, a lot of people are getting sick, maraming nangangailangan... 

"And we hope, 'yong balita namin, 'yong ishi-share namin sa inyo ay suportahan n'yo na lang kami.

Dugtong pa ni Mark, alam n'ya na marami naman daw ang susuporta sa kanilang dalawa.

"I'm sure maraming magsu-support sa'tin. Basta sa mga bashers... Beware. Remember, bad boy ako?"

Napayakap naman si Nicole sa nobyo para awatin ito. 

"Good boy na 'yan," aniya. "I'm really proud of this guy. He's been doing everything he can to prepare to be the dad he's gonna be... 

Ipinakita nga nila sa video kung gaano ka-supportive si Mark sa kanyang fiancee mula sa pagsama n'ya sa series of check ups ni Nicole mula pa noong June at maging pagbabasa ng bedtime stories sa kanilang baby. 

Thankful din daw si Nicole sa kanyang parents na supportive sa relasyon nila ni Mark lalo na ngayon na magkaka-baby na sila.

NARITO ang kabuuan ng YouTube vlog nina Mark at Nicole kung saan ianunsyo sila ang tungkol bagong blessing sa kanilang buhay:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Descendants of the Sun PH actress Nicole Donesa celebrates her 26th birthday by preparing breakfast for the COVID-19 frontliners

Mark Herras retrieves hacked Instagram account; still trying to recover his Facebook page

Pika's Pick: Mark Herras dyes his hair green!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.