Mark Herras, napaiyak nang malamang lalaki ang magiging baby nila ni Nicole Donesa

SCREENSHOT: MARKNICO HERRAS on YouTube

SCREENSHOT: MARKNICO HERRAS on YouTube

Hindi napigilang mapaiyak ni Kapuso actor-dancer Mark Herras nang malaman n'ya ang kasarian ng magiging baby nila ng fiancee na si Nicole Donesa.

Sa latest vlog entry ng celebrity couple na in-upload kahapon, September 18, sa kanilang joint YouTube channel, ipinakita nina Mark at Nicole sa kanilang fans ang mga naganap sa gender reveal party para sa baby nila. 

Tanging immediate family members lang dumalo sa munting gender-reveal party na in-organize ng mommy ni Nicole na s'yang nakakaalam kung ano ang kasarian ng baby. Clueless dito ang soon-to-be daddy na si Mark maging ang nobyang si Nicole sa kung ano ang gender nang ipinagbubuntis n'ya. 

Matatandaan na nagkaroon ng munting pagtatalo ang Kapuso lovebirds sa kung ano ang gender ng baby nila sa nauna nilang YouTube video na in-upload last September 14. Hula kasi ni Nicole ay girl daw ito habang ipinagpipilitan ni Mark na lalaki ang magiging anak nila. 

Gayunpaman, nagkasundo naman sila na pangalanan itong Corky regardless kung babae man s'ya o lalaki.

At sa naganap na close-gender party, bawat family members ay kumuha nang tig-iisang colored egg dahil sa loob daw noon ang clue. 

However, lahat ng nakuha nila ay puro "paasa" lang at wala ni isa mang clue. 

Hanggang si Mark na ang nakakuha ng blank egg. Dahil doon, sa kanya ini-abot ng mommy ni Nicole ang isa paper bag na naglalaman nang mas malaking egg. 

Excited itong binuksan ni Mark, tiningnan at binasa ang laman, at napasigaw sa kanyang nalaman. Napayakap din s'ya sa kanyang girlfriend.

Maliban kasi sa ultrasound print out, tumambad din sa kanila ang isang pares ng blue na sapatos, isang onesie na kulay blue, at isang blue bonnet.

Hanggang sa hindi na nga napigilan ng aktor ang mapaiyak sa tuwa. 

"I won," sey pa n'ya sa video dahil tama ang naging hula n'ya.

Pahabol na joke naman ni Nicole, baka nagkamali lang daw ang kanilang doktor dahil wish n'ya na sana ay girl ang maging baby nila.

It took some time naman bago natigil sa pag-iyak si Mark. Nang makabawi ng composure ay  nakuha naman n'yang muling mabiro. 

"Tama ako, guys, 'di ba? Alam na. Ipapasa ko ang agimat," may pagkapilyong pahayag ng tinaguriang "Bad Boy ng Dance Floor."

August last year nang umaming magkasintahan sina Mark at Nicole matapos silang magkasama sa Kapuso afternoon drama na Bihag. 

Hunyo ng taong kasalukuyan naman nang ma-engage ang dalawa.

PANOORIN ang kabuuan ng gender reveal party nina Mark Herras at Nicole Donesa dito: 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.