Marlo Mortel, proud na proud sa pagkakapanalo ex-girlfriend-turned-good friend na si Hannah Arnold sa Bb. Pilipinas

Ngayon palang ay pinangungunahan na ni Marlo  ang p’wedeng isipin ng publiko: “Ayokong isipin nila na dahil naging [Bb. Pilipinas] Miss International, ngayon ako nagpapa-interview. No naman, kasi nga, na-open na namin before sa KUMU. And I want her to shine rin naman and ako rin, ayokong dumikit.”

Photos: @marlomortelmusic | @arnoldhan_

Ngayon palang ay pinangungunahan na ni Marlo ang p’wedeng isipin ng publiko: “Ayokong isipin nila na dahil naging [Bb. Pilipinas] Miss International, ngayon ako nagpapa-interview. No naman, kasi nga, na-open na namin before sa KUMU. And I want her to shine rin naman and ako rin, ayokong dumikit.”

Biglang lumabas ngayon na ang nanalong Binibining Pilipinas-Miss International na si Hannah Arnold ay naging ex-girlfriend pala ng singer/composer/actor na si Marlo Mortel.

Ang dami kasing nagko-comment sa naging throwback Instagram post ni Marlo ng series of together photos nila ng beauty queen.

Kalakip ng post ni Marlo ang warm na pagbati niya sa tagumpay ng dalaga.

“So proud of this one!,” say ni Marlo sa IG. “Hard work, dedication and a compassionate heart truly pays off. From this pic last 2015, I’ve seen how you’ve grown to become the Queen that you were destined to be. You are beautiful in and out and I can’t wait to see you shine and inspire us even more. The world is ready for you, our #MissInternational

Nag-reply naman agad si Hannah ng: “Omg throwback pics hHahahahah! Thank you Marlowe ❤️❤️❤️❤️ so grateful for your support since 2014!!!!”

 

Dahil sa post na ito ni Marlo, ang daming nag-comment ng mga kagaya ng:

“Bagay kayo.”  

“Sana kayo na lang.”  

“Kayo ba?” 

“Girlfriend mo?”

Dahil dito, nag-private message [PM] kami kay Marlo at binirong may nagpapatanong kung sila ba ni Miss International.

Ilang minuto ang nakalipas ay sumagot naman ito ng: “She’s my ex. We both openly talk about it na in Kumu prior to her win. During Marnella days nu’ng kami.”

Ang tinutukoy ni Marlo na MarNella ay ang uniname na tawag sa loveteam nila ni Janella Salvador.

Aniya sa chat exchange namin, dalawang taon din daw ang naging relasyon nila ni Hannah at magkaibigan naman daw silang dalawa.

Nalaman lang din daw ng public na naging sila dahil no’ng minsang nag-KUMU Live siya ay biglang pumasok si Hannah at ang isa pang beauty queen na si MJ Lastimosa. Privy daw si MJ sa relasyon nila kaya ito ang nagbuko sa KUMU live tungkol dito by asking Marlo and Hannah ng mga direktang tanong.

“Actually, we don’t talk about it before,” paliwanag sa amin ni Marlo. “We have our careers din and with respect din sa isa’t-isa and especially Marnella days [noon].

“We’re really good friends and we talk regularly. And ’yun nga, may time rin na pumasok siya sa KUMU ko. Kaya rin nalaman ng mga tao kasi we talked about it. Na-hotseat kami ni MJ kasi apparently, she knew na naging kami.”

Obviously ay walang bitterness sa kanilang breakup kaya’t nanatili sila ng magka-ibigan. And as a friend, proud daw talaga si Marlo sa ex-girlfriend na pinanganak at lumaki sa Canberra, Australia at naging representative ng Masbate sa nakaraang Binibining Pilipinas.

“I’m happy that she finally won because she’s really destined to be Ms. International.”

Kuwento pa ni Marlo, patuloy daw ang kanilang ugnayan dahil magkapareho sila ng advocacy sa buhay at nagkakatulungan pa rin sa bagay na ’yon.

“And I don’t know if you remember na may napanalunan akong campaign and I was able to donate enough money para makapagpatayo ng dalawang reading hubs sa Masbate,” dagdag info pa ni Marlo.

“’Yun ang organisasyon ni Hannah and dinedicate ko ang isang campaign sa KUMU. ’Yung napanalunan na prize, including ’yong mga books para magkaroon ng access ang mga bata sa Masbate sa education. ’Yun ang kanyang advocacy and katulad ko rin, it’s something that is important to me, education.”

(In fact, sa parte nga ni Marlo, tuloy-tuloy pa rin daw ang mga online certificate course na kinukuha niya sa Harvard University at nasa second part na siya ngayon.)

Tutal ay nabuksan na ang topic kay Hannah, nalaman naming ilang kanta rin pala ang naisulat at nai-release ng singer-songwriter para sa ex-girlfriend.

“’Yung kanta kong ‘Blue’ na ni-release ko noong December 2020, kanta ko ’yun for her. I wrote it for her noong 2016, ngayon ko lang ni-release.

“Siya pa nga ang gumawa ng artcard ko sa Blue noon. It was about our long-distance relationship. And then, ’yung collaboration ko with American Idol’s  Evelyn Cormier, ’yung ‘Bones,’ para sa kanya rin ’yung song na ’yun, actually. Siya rin ang pumili ng title at siya rin ang gumawa ng art card for that.”

Kung matatandaan din, si Hannah rin daw ang rason kung bakit nagpunta siya ng Australia noong 2016.

“Hiwalay na kami no’n, parang naging family vacation trip siya. ’Yun na rin ‘yung last trip na kasama namin si Mommy. 

“Nakaganda rin na nagpunta kami do’n. Well, sobrang okay kami. Alam din ni Janella about us, even loveteam kami [that time].”

Samantala, pinapangunahan na ni Marlo ang iispin ng publiko. Baka raw kasi may mga magsabing komo naging Bb. Pilipinas-Miss International ang ex-girlfriend ay saka siya ngayon nagsasalita sa naging relasyon nila.

“Ayokong isipin nila na dahil naging [Bb. Pilipinas] Miss International, ngayon ako nagpapa-interview,” salag niya.No naman, kasi nga, na-open na namin before sa KUMU.  And I want her to shine rin naman and ako rin, ayokong dumikit.

“Lahat naman ng kinuwento ko [sa’yo], sa KUMU rin nanggaling, nang pumasok siya nang mag-stream ako.”

Ang focus daw ni Marlo ngayon pag dating sa kanyang career ay ang music niya.

“Music talaga,” saad niya. “I’m releasing a song, ‘Bituin.’ It’s a song that I wrote for my best friend. Siya ‘yung namili ng title. It’s about finding your inner light and happiness which is very important. 

“And I believe that this song could also be a source of enlightenment sa mga makakarinig nito.”

Sa July 16 ng 12 midnight daw niya iri-release ang kanta. Pero mauuna lang ng dalawang oras sa araw din na ’yun ang release naman ng kanyang music video.

Dugtong pa ni Marlo: “It’s under PolyEast Records and what’s so special about this song, ako rin ang nag-co-produce, nagsulat, tinutukan ko talaga pati arrangement. This song will also show who I am as an artist that I can’t fully show before.

“This is something very precious to me, it’s like my baby. Makikita talaga ng mga tao kung sino ako as an artist and as a musician. I guess, they do not know na I’m a singer/songwriter at ako ang nagsulat ng mga kanta ko dati.

“I’m just happy with PolyEast Records. They gave me freedom to work with my music. At sana po, abangan ng lahat ‘yun.”

Kilalang Kapamilya si Marlo, pero ngayon, parang wala pa siyang regular show.

Sabi naman niya, “With regards to [TV] station, hindi ko pa ma-disclose but I’m trying to make moves with my career.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil sa pinagdaanang anxiety, Marlo Mortel, kumuha ng Fundamentals of Neuroscience certificate online course sa HarvardX

Singer-actor Marlo Mortel, hindi pa daw nakaka-experience ng kissing scene

Masbate’s bet Hannah Arnold bags Binibining Pilipinas’ top crown

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.