Martin Nievera, sinagot ang tanong kung nakikita ba niya ang sariling magpapakasal muli

PHOTO: @martinnievera on Instagram

PHOTO: @martinnievera on Instagram

Nagk'wento ang Kapamilya singer na si Martin Nieverra ng kanyang mga karanasan sa loob ng 38 years of being in show business sa exclusive interview sa kanya nina Butch Francisco at Anna Pingol for pikapika.ph’s online show na This is Showbiz

Nagbabalik-Vicor Music kasi si Martin at gagawa ng bagong album with the record company na unang nagtiwala sa kanya 38 years ago. Bukod pa ito sa planong gawan ng vinyl records ang mga hit songs niya.  

Dahil homecoming ang tema ng usapan kaya napa-throwback kwentuhan tungkol sa pagsisimula niya sa music industry hanggang maging concert king, talk show host, and for a while, a movie star.

Binalikan din ng ASAP Natin 'To veteran performer ang mga unforgettable moments sa kanyang illustrious career, mga intrigang kinasangkutan, at mga nakaalitang artista (nang hindi sinasadya) noong may talk show siya. Good thing at okay naman na daw silang lahat ngayon. 

Maliban pa sa bansag na "Concert King," tinagurian na ding "Pambansang wedding singer" si Martin ng marami dahil madalas siyang maimbita sa mga kasalan, lalo ng mga showbiz couples, para kantahin ng live ang kanyang mga love songs.

"Hindi lang wedding, pati funeral," pagbibiro pa ng OPM hitmaker sa show na kailan lang ay napabalita din dahil nga s'ya ang tumayong tatay ng singer na si KZ Tandingan sa kasal nito.

(August pa naganap ang kasal pero nitong October lang ito kinumpira ni KZ at mister n'yang si TJ Monterde.)

At dahil tila mauusong si Martin ang tagapaghatid ng mga bride sa altar, nagbiro uli s'ya na magtatayo daw s'ya ng bagong company. 

"Martin's Escort Service," aniya. 

"Do you have a daughter who wants to get married? Call me. Call me now!" pagdyo-joke n'ya sa virtual interview. 

Kasunod nito, ipinaliwanag n'ya na kaya s'ya marahil ang napili ni KZ na maghatid dito sa altar— hindi kasi nakabyahe ang family nito due to the pandemic and corresponding travel restrictions—ay ang special bond na meron sila na umabot na sa pagtuturing nilang pamilya ang isa't isa. 

"But the one with KZ, it was so touching," k'wento ng Kapamilya singer referring sa wedding ceremony ng X Factor Philippines season 1 grand winner. 

"Meron talaga kaming relationship. I mean, off camera, off stage, hindi alam ng marami na meron kaming love for each other, and respect. 

"Imagine, she remembers things na... five years ago?" he continued. "'We ate in your house. Remember nu'ng X Factor? Doon kami nakatira sa bahay mo?' 

"She remembers things... Palagi 'yan ang mga kinuk'wento n'ya sa mga talk shows, sa mga Magandang Buhay, and shows like that. Palaging s'ya, kinukwento 'yong nangyari sa amin. 

"Ang point ko, that's how much we love each other. It's real love, so much so na we remember small things. Hindi lang big things."

Dahil napunta na rin lang sa kasal ang usapan, natanong din si Martin kung nakikita ba n'ya in the near future na muli s'yang ikakasal. 

"I don't know," sagot ng multi-awarded singer. "You know, I'm living the life of a married man. 

"I'm happy with my girlfriend [Anj] now," pagtatapat n'ya. "We practically live together. Her kids are my kids. My kids are her kids. The only thing missing is the wedding and maybe, one day, that's got to happen. That's the only thing missing from this relationship. 

"We take care of each other. We respect each other. We take care of each other's family.

"So yeah...maybe. I won't say no. I won't say never. But where I am now it's as if that I've already walked down the aisle. The only missing is the gown, and the tuxedo," Martin concluded.

NARITO ang kabuuan ng exclusive interview ng This is Showbiz kay Martin Nievera:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Pops Fernandez thanks Martin-Pops loyal fans who still celebrate her would-have-been 34th wedding anniversary with Martin Nievera

Pika's Pick: Martin Nievera and Pops Fernandez’s respective moms reunite with them during the last night of the ex-couple’s concert series in Solaire

Pika's Pick: Pops Fernandez and Martin Nievera reunite offcam as Pops attends his birthday asalto hosted by The Alcasid couple Ogie and Regine last night

Martin Nievera at Gf na si Anj, welcome sa bahay ni Pops Fernandez

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.