Matapos mag-best supporting actress sa Cinemalaya, Ella Cruz, game na game na daw sa mga challenging indie roles

Looking back, matagal daw pinag-isipan ni Ella Cruz kung tatanggapin niya ang role na nagpanalo sa kanyang best supporting actress sa Cinemalaya 2019. Babaeng-kalye kasi ang role ni Ella sa pelikulang Edward. Palaban, pala-mura, butangera. Complete opposite daw kumbaga ng sweet image niya. Aminado si Ella na maski siya ay hindi sigurado noon if she can pull it off. Kaya naman kung nandoon siya that night sa Cinemalaya stage, isa sa mga una niyang pasasalamatan ay ang kanyang Viva family na nag-push sa kanya to try something out of the box.

PHOTOS: Anna Pingol

Looking back, matagal daw pinag-isipan ni Ella Cruz kung tatanggapin niya ang role na nagpanalo sa kanyang best supporting actress sa Cinemalaya 2019. Babaeng-kalye kasi ang role ni Ella sa pelikulang Edward. Palaban, pala-mura, butangera. Complete opposite daw kumbaga ng sweet image niya. Aminado si Ella na maski siya ay hindi sigurado noon if she can pull it off. Kaya naman kung nandoon siya that night sa Cinemalaya stage, isa sa mga una niyang pasasalamatan ay ang kanyang Viva family na nag-push sa kanya to try something out of the box.

Hanggang ngayon ay maraming kumu-question sa hindi pagsipot ni Ella Cruz sa awards rite ng Cinemalaya last August 11. Ang ganda naman kasi kung siya mismo ang tumanggap ng kanyang best supporting actress Balanghai trophy.

Pero ayon kay Ella, wala talaga siyang natanggap na imbitasyon  o maging casual mention manlang tungkol sa nasabing event. Mahirap din nga namang mag-feeling gatecrasher siya doon.

Sa Twitter na nga lang daw niya na-monitor ang mga pangyayari. 

“Kasi no’ng time na nabasa ko sa Twitter na best supporting ako, kasama ko si Julian, kasama ko ’yong mga fans ko…naka-tingin lang ako sa screen [ng phone], hindi talaga ako makapaniwala,” k’wento ni Ella sa pikapika.ph. “Kasi may mga verdict na diba? Mga reviews, parang sino’ng mga bet nila manalo…akala ko verdict lang siya ng mga gumagawa ng reviews…nagulat ako. Umiiyak ako, ‘Oy, totoo ba ’to?’ Hanggang ang dami na palang nag-Tweet na …ayon, ’yong award nga. Nakita ko ’yong video nila Direk Thop [Nazareno] na in-accept ’yong award. Tapos tiningnan ko pa ’yong live stream ng Cinemalaya, sabi ko, ‘Oh, my gosh, nanalo ako!’”

At kung maire-rewind lang daw niya ang panahon, s’yempre ay mas gugustuhin naman niyang siya mismo ang tumanggap ng acting recognition na ’yon.

“S’yempre mas masarap sa feeling na nandoon ako [sa award’s night], kasi ako mismo tatanggap no’ng trophy,” may panghihinayang na dagdag ni Ella. “Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ’yong trophy. Sobrang excited akong makita.”

Sa imagination nalang dinadaan ni Ella ngayon kung paano sana niya in-accept ang award that night. 

“Hahagulgol lang siguro ako sa stage and wala akong masasabi kundi thank you,” natatawang dagdag niya. “’Yong mga gusto kong pasalamatan baka mamaya hindi ko mapasalamatan…parang ano siguro, sa bilis ng mga pangyayari, iiyak lang ako…

“Parang ganoon din naman ang nangyari sa akin kahit wala ako doon…umiyak lang ako. Siguro mga ilang oras akong umiiyak…umiiyak ako tapos maya-maya magbabasa ako ng Tweets, pupunta ako kay mama, iiyak ako.

“Siguro buong gabi umiiiyak ako sa sobrang saya ko. Kasi ang dami ding Tweets na nagsasabi na, ‘Deserving si Ella…’ parang alam mo ’yon, ang sarap-sarap sa puso na pakinggan ’yong lahat na ’yon. Parang ’yong role na may doubts ka, na akala mo hindi mo kayang gawin, eto finally nagbunga na. Parang sobrang sulit ’yong pag-accept mo sa role na ayon sobrang parang binless ka, binigyan ka ng napaka-gandang regalo.”

Patuloy ni Ella: “S’yempre pinangarap ko din na nandoon ako, pero maganda rin ’yong naging effect niya sa akin kahit wala ako kasi parang na-surprise talaga ako. Parang nandoon din ako, parang may kumuha lang ng trophy para sa akin pero happy ako na kahit wala ako doon, I won. ’Yon po ang pinakamahalaga sa lahat, nanalo ako and sobrang thankful ko.”

Looking back, matagal daw niyang pinag-isipan kung tatanggapin ang role na nagpanalo sa kanyang best supporting actress. Babaeng-kalye kasi ang role ni Ella sa pelikulang Edward. Palaban, pala-mura, butangera. Mapapalapit siya sa main character na si Edward na nag-aalala ng amang maysakit sa ospital. Complete opposite daw kumbaga ng sweet image ni Ella. Aminado si Ella na maski siya ay hindi sigurado noon if she can pull it off. Kaya naman kung nandoon siya that night sa Cinemalaya stage, isa sa mga una niyang pasasalamatan ay ang kanyang Viva family na nag-push sa kanya to try something out of the box.

“No’ng una may doubts kasi ako sa role, parang hindi pa ako ready…hindi pa ako ready na gano’n ang maging role ko kasi biglang-pihit talaga ’yon e. Kasi dati parang sweet-sweet ganyan, tapos bilang, uy, super rock star gan’on. 

“So, sila Boss Vic [del Rosario], sila Boss Vincent [del Rosario],  sila ’yong tumawag sa akin na, ‘Hindi, kaya mo yan…tutulungan ka namin, aalalayan ka namin.’  Nagtiwala sila na kaya kong gawin ’yong role ni Agnes sa Edward.

“Marami, marami akong gustong pasalamatan,” patuloy ni Ella. “Nakaka-ano nga kasi parang grabe first award ko...hindi ko alam na ’yon ’yong award’s night...s’yempre hindi ako…actually ang dami ngang nagtatanong...hinihingan ako ng ’yon nga, acceptance speech ko, kung tawagin nila. Hindi ko maipasa kasi sabi ko sobrang speechless pa rin ako hanggang ngayon. 

“S’yempre ’yong team ng Edward—from Direk Joyce [Bernal], Direk Thop Nazareno and sa mga bumubuo ng Edward s’yempre dahil sa pagtitiwala na binigay sa akin ’yong role na ’yon, na pinili nila ako to do that role and dahil sa kanila, dahil sa pagpili nila sa akin, I got the award. So, sobrang thankful po sa trust na binigay nila.

“And of couse, ke mama’t ke papa kasi kami rin ’yong medyo matagal ’yong diskusyunan kung tatanggapin ba namin ’yong role na ’to and sabi naman nila…actually lahat naman sila ’yon ang ano, ‘Kaya mo yan.’ So, thank you kina mama, kay papa, sa mga kapatid ko...Sa mga fans ko kasi sila ’yong sumusuporta sa akin kung nasaan ako ngayon, nandoon din sila. And s’yempre kay God...overflowing talaga ’yon blessing. Talagang nao-overwhelm din ako sa binibigay niya. Thankful and grateful ako.”

When asked kung simula na ba ito ng pagtanggap niya ng mga “challenging” roles, sinabi ni Ella na sana nga raw ay magbukas ito ng maraming pinto para sa kanya.

“Sana maging ano siya, start ng ‘yong people will say na, ‘Ah, si Ella hindi lang siya pa-tweetums role, kasi ganito ’yong role niya sa Edward...kaya na niya itong gawin.’ 

Sana maging gano’n siya. Sana mag-open siya ng door sa mas marami pa…and sabi ko nga, e, first Cinemalaya [film] ko ’to and halos first indie film ko siya…siguro ano, parang bukod sa dancing—since doon naman ako mas nakilala ng lahat—sabi ko, this is what I really love, acting. Ito talaga ’yong first love ko…kung papipiliin ako, acting or dancing, acting talaga ’yong pipiliin ko and para mabigyan ako ng recogniton na gano’n, parang ano na ’yon, e, confirmation na ’yon na, ‘Hey, you’re good at this...’ So, parang continue what you’re doing, continue kung saan ka magaling…feeling ko na-validate ’yong pagka-artista ko...and here people recognize you na. So, sana mag-open ng mas maraming doors, like indie films…sobrang game ako to do more indie films, more challenging roles.”

Ayon kay Ella, sobrang nao-overwhelm siya ngayon sa dami ng blessings na dumarating sa buhay niya, particularly this month of August.

“Sobrang thankful ko kasi ngayong August talaga sobrang overflowing ’yong blessings. Actually, no’ng day ng award’s night is the parang ano din, first meet-and-greet [event] namin ni Julian [Trono, her loveteam partner and real-life sweetheart] dito sa Tea Tops, tapos super successful siya.

[Tea Tops is her newly-opened milk-tea store in her hometown in Bustos, Bulacan. It officially opened for business yesterday, August 14.]

“Tapos ’yon din ’yong araw na nag-reach ako ng 4 million followers sa Instagram. Tapos ’yon din ’yong araw na in-announce na best supporting actress ako…Parang sabi ko, ‘Oh my Gosh, overflowing ng blessings sa isang araw!’ Actually hindi lang sa isang araw kundi sa isang buwan, August, sakto magbe-birthday ko. Grabe naman ’yong mga gift na binibigay sa aking blessing ni Lord.

[Ella turns 23 this August 17]

“Parang sa buong buhay ko naging highlight bigla ’yong best supporting actress—first ever award ko ’yon na natanggap after ten years, after best child actress. Sabi ko, ‘Oh my Gosh, ibang level na kasi wala na ’yong word na child. So, sobrang thankful and hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala.

“Parang ngayon, wala akong ibang hinihiling kasi sobra-sobra ’yong nagyari.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ella Cruz bags Best Supporting Actress trophy at Cinemalaya

Xian Lim’s Tabon successfully premieres in Cinemalaya screen, cast describes him as a very open director

Sunshine Cruz at Enzo Pineda, sasabak sa sandamakmak na love scenes

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.