Matapos umaming nasa dating stage, Diego Loyzaga at Franki Russell, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Wala pang kasunod na pahayag sina Diego Loyzaga at Franki Russell ukol sa kanilang pag-a-unfollow sa isa’t isa sa social media. Although, sa recent Instagram Story naman ni Diego ay ipinost n’ya ang photo nila ng friend n’yang si Marcus Patterson – na napapabalitang hiwalay na rin sa girlfriend n’yang si Janella Salvador – at nilapatan n’ya iyon ng kantang “Single Again” ng American rapper na si Big Sean.

PHOTOS: @diegoloyzaga & @missfranki on Instagram

Wala pang kasunod na pahayag sina Diego Loyzaga at Franki Russell ukol sa kanilang pag-a-unfollow sa isa’t isa sa social media. Although, sa recent Instagram Story naman ni Diego ay ipinost n’ya ang photo nila ng friend n’yang si Marcus Patterson – na napapabalitang hiwalay na rin sa girlfriend n’yang si Janella Salvador – at nilapatan n’ya iyon ng kantang “Single Again” ng American rapper na si Big Sean.

Mukhang maagang naputol at tila hindi na matutuloy pa into the next level ang “dating” stage nina Diego Loyzaga at Franki Russell ngayong in-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.

Matatandaan na na-link at naging laman ng mga balita ang aktor at ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate matapos batiin ni Franki si Diego sa kanyang 27th birthday last May 21.

Nag-post kasi ang aspiring actress ng series of photos and video nila together sa Instagram kung saan makikitang sweet at cozy sila sa isa’t isa. Kabilang pa dito ang isang larawan na kinunan habang nagpapa-tattoo si Franki at nasa tabi n’ya si Diego. 

Kaagad n'ya itong binura pero huli na dahil nai-repost na ang mga iyon ng netizens at pinagpiyestahan nila online. 

Sa isang interview ng aktor, itinanggi n’ya na si Franki na ang ipinalit n’ya sa dati n’yang nobya na si Barbie Imperial. Magkaibigan lang daw sila. 

Pero nito lang June 6, sa virtual interview n’ya with Rico Robles ng Monster Radio RX93, sinabi ni Diego na wala pa silang espeyal na ugnayan ni Frankie noong time na ipinost nito at mag-viral online ang mga photos nila sa Instagram.

“We have known each other [at the time] for ten days, we are not a thing. Who am I to say that — I can’t give a label that we are something,” paliwanag ng binata sa radio and online show.

Ang kapal naman ng mukha ko na sabihin na, ‘Kami na.’ I mean, I haven’t asked her. We’ve just been seeing each other,” saad pa n’ya.

Pero kumambyo din ang binatang anak ni Cesar Montano at inamin na nagkaroon ng progress ang kanilang connection ni Franki few days later. At the time of the interview ay nasa dating stage na raw sila.

“Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things you don’t expect it, e. It just really comes along,” lahad n’ya sa interview.

“Ever since meeting up with her and hanging out with her…it hasn’t stopped. We really did click. So, I would definitely say that right now we’re dating,” pag-amin n’ya.

However, heto nga at napansin ng netizens na in-unfollow na ng dalawa ang isa’t isa sa Instagram.

SCREENSHOT: @diegoloyzaga on Instagram
SCREENSHOT: @missfranki on Instagram

 

As of this writing ay wala pang inilalabas na pahayag ang magkabilang kampo hinggil sa balitang ito. 

Although, sa recent Instagram Story naman ni Diego ay ipinost n’ya ang photo nila ng friend n’yang si Markus Patterson – na napapabalitang hiwalay na rin sa girlfriend n’yang si Janella Salvador – at nilapatan n’ya iyon ng kantang “Single Again” ng American rapper na si Big Sean.

SCREENSHOT: @diegoloyzaga on Instagram

Ang pag-a-unfollow sa social media ay ang modern gesture para ipaalam sa publiko na natapos na ang isang relasyon o pagkakaibigan. Iyan kaya ang nais ipakahulugan ng pag-a-unfollow nina Diego at Frankie sa isa’t isa?

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Diego Loyzaga, nakapag-reassess ng buhay sa Amerika; “It feels like I’m a new me. My mind is in the right place, my heart’s in a right place and I’m a very happy guy. Everything is great.”

Mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, nagkapatawaran na: “After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.”

As per Diego Loyzaga, hindi raw sila nagkabalikan ni Barbie Imperial; “We’re friends. We spent a very long time together. Imposibleng hindi kami maging magkaibigan.”

Diego Loyzaga ngayong gaganap siya bilang young Bongbong Marcos sa pelikula: “Tawagin n’yo rin po akong loyalist.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.