Matagal naghintay ang mga AshMatt [Sarah-Matteo] fans na direktang kantahan ni Matteo Guidicelli ang girlfriend na si Sarah Geronimo during his concert—MatteoXCarlo—na ginanap sa Music Museum last Saturday.
Kalagitnaan na ito ng concert nangyari at hindi pa man din direkta. Instead, kinuwento ni Matteo sa audience na naging inspirasyon niya ang dalaga, hindi lang sa concert na ito kundi “always” sa buhay niya.
Hindi rin direktang minention ni Matteo ang name ni Sarah, na noon ay nasa audience bilang supporta sa kanya, pero sapat na ang katagang “her” para magtilian ang mga fans.
Matapos noon ay dinedikeyt niya ang kantang “You are the Reason” ni Calum Scott kay Sarah.
Part of the “kilig” lyrics goes:
“ I’d climb every mountain
And swin every ocean
Just to be with you
And fix what I’ve broken
Oh, ‘cause I need you to see
That you are the reason”
That night, sinimplehan din ni Matteo ang pagtawag kay Sarah ng “my love” at ito ay noong iniisa-isa na niyang pasalamatan ang mga nag-abalang manood. Sa cover number niya sa “Harana” ng Eraserheads ay tumuro din siya sa bandang kinauupuan ni Sarah. Both gestures elicited screams mula sa mga kinikilig nilang tagahanga.
Here’s a video excerpt ng solo song number ni Matteo na dedicated niya kay “my love” Sarah niya.