Matteo Guidicelli at Kim Molina, mga favorites nga ba ng Viva?

PHOTO: Viva

PHOTO: Viva

Binigyang-linaw ng singer-actors na sina Matteo Guidicelli at Kim Molina ang notion ng ilan na tila favorite umano sila ng Viva management. 

Natanong kasi ang dalawa sa virtual media conference kahapon, January 12, para sa upcoming singing competition na Born To Be A Star kung saan sila ang magiging magkatuwang na hosts.

Pareho kasing naging judge detective sina Matteo at Kim sa Masked Singer Pilipinas na nagtapos lang last December. Pero heto nga at may kasunod agad silang project, ang Born To Be A Star, na co-production of Viva’s SariSari Channel at Cignal ng TV5.

Kaya naman hindi rin maiaalis sa isip ng fans at netizens, and even ng entertainment press, na baka paborito sila ng management kaya sunod-sunod ang kanilang projects. 

Paliwanag ni Matteo, grateful daw s’ya sa ibinibigay sa kanyang proyekto ng Viva. Pero maliban daw sa offer na projects sa kanila ay kasabay din daw nilang nagkakaroon ng trabaho and opportunities ang iba pang workers behind the cameras. 

Maraming salamat sa Viva for the opportunities, no?” pahayag ng Filipino-Italian actor. “This is a Viva project. This is Viva family here. And we’re very, very thankful not just for this position but to see writers, producers, everybody, cameraman na magkasama-sama tayong lahat dito. 

“Viva has brought this together and made this possible so maraming salamat sa Viva family.”

Sey naman ni Kim, hindi lang sila ni Matteo kundi lahat naman daw ng Viva artists ay nabibigyan ng trabaho sa iba’t ibang platforms. 

Lahat naman po kami may mga projects,” aniya. “Ako, I’m just grateful with my Viva family. Lahat po kami actually in Viva, kasi sobrang laking tulong po ang binibigay nila sa amin. 

“From last year, sa pandemic, as in, sinisiguro po ng Viva na meron kaming work kasi ‘yon naman po talaga ang kailangan ng lahat. So I don’t think naman po na may favoritism. Everyone has work, digitally, movies, sa iba’t ibang platforms.”

Samantala, kabilang din sa upcoming TV singing competition show ang iconic rapper-songwriter na si Andrew E, Teacher Georcelle Dapat-Sy ng G-Force, Asia’s Vocal Supreme Katrina Velarde, at singers na sina Sam Concepcion at Janine Tenoso bilang mga judges o star agents.

Papalit sa slot ng Masked Singer Pilipinas ang Born To Be A Star na mapapanood simula January 30 sa TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Daryl Ong, game at excited maging judge detective sakaling magka-Season 2 ang Masked Singer Pilipinas

10 times Cristine Reyes slayed with her stunning outfits in Masked Singer Pilipinas

Aga Muhlach, mag-a-apply na contestant sa Masked Singer Pilipinas kung hindi siya judge

Mga nakakatawang kunot-noo at laglag-panga looks ng mga judges ng Masked Singer Pilipinas

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.