Sinagot ng singer-actor na si Matteo Guidicelli ang tanong kung naniniwala ba s’yang born to be a star ang magiging anak nila ng asawa n’yang si Sarah Geronimo.
Natanong kasi ang Viva artist—na nagbabalik ngayon sa isang singing competition hindi bilang judge kundi bilang isang host sa Born To Be a Star—tungkol dito during the virtual press conference ng show kaninang tanghali, January 12.
At ngayong araw, January 12, sa virtual media conference para sa upcoming TV show, natanong ng press ang 30-year-old actor kung naniniwala ba s’ya na ang future baby nila ng misis n’yang si Sarah Geronimo ay “born to be a star” din.
“Sana. Tingnan natin,” natatawang tugon ni Matteo na tila hindi inasahan na matanong tungkol doon. “Masyadong advanced ang tanong. Hahaha!
“Si Teacher Georcelle [Dapat-sy of G-Force] ang bahala d’yan mag-groom, kumbaga,” dagdag niya.
(Isa si Teacher Georcelle sa mga judges o star agents ng nasabing talent search program.)
“Tapos pasalihin din natin sa show na ‘to,” sakay na pagbibiro pa ni Matteo.
Pahabol na tanong pa sa kanya kung papayagan din ba n’ya ang future baby nila na pasukin ang showbiz.
“S’yempre,” sagot ng actor-TV host. “Kung anuman ang gustong gawin ng baby namin in the future, e di suportahan natin, ‘di ba?”
Samantala, maliban kay Teacher Georcelle, kabilang din sa mga judges/star agents sina Janine Tenoso na produkto din ng Born To Be a Star noong 2016, Asia’s Vocal Supreme Katrina Velarde, singer-actor-dancer Sam Concepcion, at ang iconic rapper-songwriter and comedian na si Andrew E.
Makakatuwang naman ni Matteo bilang host ang singer-actress na si Kim Molina, na naging co-judge detective n’ya din sa katatapos lang na Masked Singer Pilipinas.
Mapapanood ang Born To Be a Star, a co-production of Viva’s SariSari Channel and Cignal, simula January 30 sa TV5.
YOU MAY ALSO LIKE: