Matteo urges Pinoys to be more appreciative of soldiers

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

Kulang sa tulog at sa paligo and description ni 2nd Lieutenant Matteo Guidicelli sa sarili nang saglit na nakapanayam ng mga media men after ng closing ceremonies ng kanyang one-month orientation program sa pagka-scout ranger. Naganap ang panayam sa covered court ng sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan last June 27.

“Eto ’yong routine namin ’no?,” nakangiting k’wento niya. “Natutulog kami ng 12 midnight to 1am. Nagigising kami ng alas-tres. In formation na kami ng 3:30. Exercise kami hanggang alas-singko bago kami mag-breakfast. Pagkatapos ng breakfast, may klase tayo. Bago mag-lunch, mag-exercise kami. Ta’s mag-lunch, ta’s klase ulit. Tapos exercise ulit. Pagka dinner, bago matulog, exercise ulit. Tapos tulog.”

Pero lahat daw pala, base sa natutuhan niya sa camp, ay kayang mairaos basta’t tama ang mindset ng isang tao.

“Sabi ko nga ’yong chicken pox dito [sa loob, kumpara] sa civilian world ilang buwan, ilang weeks yan, three weeks? Dito, three days. May classmate ako nag-chicken pox, after three days okey na. May classmate ako nasiraan ng tuhod, nasiraan ng balikat, two days okay na. Sali ulit. So, kumbaga mindset ito lahat. You have power in the mind and everything is possible.”

Pero aminado si Matteo na sa simula ay kinuwestiyon din niya ang sarili kung kakayanin ba niya ang scout ranger training na sinasabing isa sa pinaka-mahirap na training na dinadaan ng isang militar.

“Sa physical aspect kumbaga, given naman mahirap,” patuloy ni Matteo. “What got me talaga is—especially the first four days—’yong psychological na effects sa akin.

“Dahil galing ako sa civilian na buhay, isang araw lang ’yong transition ko. Pumasok ako sa military, akala ko maging… akala ko kaya ko ba. In the first four days kumbaga may… talagang… sa totoo lang araw-araw naiiyak ako, gusto ko na umuwi.”

“There’s two points that I questioned myself and self-pity came about,” pag-amin ni Matti (tawag ng mga fans niya sa kanya). “The first four days…’yong transition period ko na sobrang hirap…sobrang self pity and that’s when I thought about, ‘bakit hindi ko kaya?’ 

But the objective always came back to my mind. 

“The second time was in one of our activities. It’s called escape innovation. What happens when you get tortured by, or captured by an enemy. That was one of the second time na ang sabi ko baka hindi ko na kaya. But then it’s all mindset. And kaya naman nandito tayo.”

At hindi lang niya basta kinaya, Matteo even scored the highest percentage grade in his class of 97 students—95.2%! 

Overall, para kay Matteo, “it was a valuable experience na nothing can compare and nothing can pay back.”

At kung dati raw ay mataas na ang respeto niya sa mga sundalo, lalo na raw ngayon na nakapag-immersion siya with them. Nagkaroon daw siya na mas malawak na perspective kung ano klaseng hirap ang dinadanas ng mga sundalong Pinoy.

“You know as a civilian before, you know the soldiers, we give them so much respect. But now that I immersed with them and I trained with them, my respect for them has gone up.”

At dahil doon he is now urging civilians na mas maging appreciative pa sa mga sundalo ng bansa. Naikumpara pa nga niya ang magandang treatment sa mga sundalo sa ibang bansa.

“Alam natin sa America meron pang mga VIP lanes sa airport para sa mga sundalo, mga VIP treatments para sa sundalo, dahil mga sundalo natin ang totoong VIP sa mundo talaga. Kumbaga, without them we wouldn’t be here, we wouldn’t be protected…The level of sacrifice a soldier goes through for the family and for the country is… it’s beyond expectations. 

“Hindi natin maintindihan, ngayon hindi n’yo maintindihan. Kasi wala kayo dito e. ’Yong mga sundalo, they are heroes that are kulang sa attention ba?” 

At proud si Matteo na despite nga sa mga kakulangan sa mga pangangailangan ang mga members of our troops, they all still rise up to any occasions daw.

Of course, we’re not a first-world country, we have a lot of equipments that we lack for our soldiers but from what I’ve seen and what I’ve learned, the Philippine soldiers are the best soldiers in the world. Confidently, I would say that. Our troops here can adjust anywhere, can be anywhere, they can survive anywhere. Kahit na kulang ang equipments natin lahat, we are known to be one of the best—if not the best.” 

If not now, when?

Pagmamahal sa bansa ang nagtulak kay Matteo na subukan ang buhay-army. Pero sa dami raw niyang natutunan sa kampo, nanganak na rin daw ang purpose kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

Sa umpisa, sinasabi ko sa lahat, dahil mahal ko bansa ko. ’Yon ’yong primary objective ko. But later on, along the way, sabi ko marami akong natutunan sa sarili ko, sa ibang tao. ’Yong skill set na natutunan ko dito, iba e. Hindi mo matutunan kahit saan

“So ’yong reasons marami na yan—love for country, being Pinoy, self-discipline, being passionate, nationalism, patriotism, marami. Hindi mo ma-explain. Pero kumabaga I do not regret any moment of this experience.”

Matteo says he doesn’t mind being the poster boy of the Philippine Army. In fact, isa si Matteo sa naniniwalang kailangang maibalik ang mandatory ROTC sa mga eskwelahan.

“I guess I’m here to represent the country, ’no? I’m here as a Filipino. Not just me but you guys also, everybody. We really have to unite, be as one. And support the army because the army are our forces, our defence for the country. We have to be as one.

“With the help of social media we can spread the word, ’no? About  the Philippine Army and how much respect the country needs, and especially the ROTC. Alam mo ’yong ROTC issue na yan, timing- timing lahat e, hindi yan planado. Sa akin dito, maraming lumalabas sa social media so blessing talaga. I hope we can do it ’no, one day at a time. ’Yong mga kabataan natin? We need this. 

“We used to be a really, really strong army back in the day. Now we’re not strong, we’re kumbaga, our men are strong but we’re very few. And we need men pa. And we need men. We need volunteers, kumbaga. All the Filipinos have to be together and be strong together. Alam mo ’yon? I mean… why aren’t we successful in our country? Because we fight Pinoys. And Pinoys, we’re fighting together. If we stop that and become united, we become one, we can be a successful country. So, sana one day.”

(Kontrobersal ngayon ang House Bill 8961 (HB 8961) na kapag naipasa ay magkakaroon ng mandatory military training under ROTC [Reserve Officers' Training Corps] ang mga estudyanteng nasasakop ng Grades 11 and 12 in both public and private educational institutions.)

Samantala, ang girlfriend niya marahil na si Sarah Geronimo ang isa sa pinakamasaya sa pagtatapos niya sa ranger training. Lalo pa’t napabalita noon na hindi pabor si Sarah sa desisyon ni Matteo dahil malapit sa panganib ang nasabing training.

“S’yempre bago ako pumasok, they all know how difficult this is,” balik-tanaw ni Matti. “And I’m 29 years old. All my classmates are in their 20s. I’m in the middle of my career, marami akong mga commitments kumbaga. So that’s one of the reasons na sinasabi na, ‘Matteo, don’t do it. You know you’re cutting off your career.’ But I believe I did it because I’m 29. If I don’t do it today, I won’t be able to do it.

“They were all hesitant at the beginning but after a while, nakita nila ’yong passion ko so okey naman sila.”

Ang pagligo raw ng dalawang oras ang unang planong gawin ni Matteo paglabas ng kampo. Pagkatapos ay magpo-pokus na ulit siya sa mga naiwang showbiz commitments. Siya pa rin naman daw ang dating Matteo. Kung may binago man ang ranger training sa kanya, ito ay ang gawin siyang isang better human being.

“I’m still the same Matteo, it’s just that I know a lot about myself, I know a lot about our soldiers… [I’ve] so much respectful for our soldiers. Kaya saludo ako sa inyong lahat mga sundalo natin sa mga pamilya at mga asawa nila…dahil ang mga asawa din ang totoong heroes nila, e. Imagine n’yo ’yong mga sundalo nasa field sila ng mga six months, one year, five years…hindi sila umuuwi…natutulog lang kami sa sahig noong nagbundok kami. Alam mo ’yon mga gano’n. Kami three days lang pero sila taon-taon diba?”

Muli, iginiit ni Matteo ang paggalang at pag-appreciate sa mga sundalo.

“So we have to respect our soldiers and my request to all our Filipino citizens pag may nakita tayong sundalo sa mall man, sa airport man, kahit saan man magpapasalamat tayo sa kanila sasabihin lang natin. ‘Thank you for your service, Sir/Ma’am.’ ’Yon lang. Simpleng bagay. Para high morale din sila.”

At dahil nabanggit ang mga asawa ng sundalo, sa huli ay may nagbiro kay Matteo na tila siya lang ang walang asawa sa mga naging ka-klase niya sa training.

Ang naging sagot ni Matti? “Soon, soon. . . hahaha!”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Matteo Guidicelli to undergo military training this May

Matteo graduates from scout ranger course

Matteo kissing Sarah thank you

WATCH: Matteo kissing Sarah thank you (Part 2)

Full coverage of Matteo’s Scout Ranger training graduation

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.