Maureen Montagne wins Philippines’ second Miss Globe crown in Albania

Si Maureen ang ikalawang Filipina na nakasungkit ng Miss Globe crown na nauna nang naiuwi sa bansa ni Ann Colis noong 2015.

PHOTOS: @maureenmontagne & @real_missosology on Instagram

Si Maureen ang ikalawang Filipina na nakasungkit ng Miss Globe crown na nauna nang naiuwi sa bansa ni Ann Colis noong 2015.

Nagbubunyi ang Pinoy pageant fans ngayon dahil may bagong korona na naman ang Pilipinas dahil panalo ang pambato ng bansa na si Maureen Montagne sa katatapos lang na Miss Globe 2021 beauty pageant.

Kakapanalo lang kasi ni Cindy Obeñita bilang Miss Intercontinental 2021 sa Egypt last week ay heto’t wagi na naman ang Pilipinas sa patimpalak sa pagandahan sa Europe. 

Tinalo ni Maureen ang mahigit 40 candidates during the Miss Globe grand coronation na ginanap nitong Biyernes ng gabi, November 5 [Sabado ng umaga sa Pilipinas, November 6] sa Tirana, Albania.

Talagang pasabog sa pageant stage ang kandidata ng Pilipinas mula sa kanyang sexy Sampaguita-inspired national costume, pagrampa nang naka-black two-piece bikini during the swimsuit round, hanggang sa kanyang classy performance wearing gold dress sa evening gown competition. 

During the Top 5 question-and-answer portion, Maureen was asked: “Do you think beauty is a merit and how can we enrich it with other values?”

Dito, umariba ang Filipino-American beauty queen sa kanyang pagsagot.

Saad n'ya sa kanyang winning answer: “I think that true beauty comes from within. To be a Miss Globe is to be a beauty that inspires. 

“What makes us beautiful is our smiles, it is what we do for our community, it is how we give back to others, and it is how we carry ourselves through lives,” she added. 

“I believe that everyone has beauty inside of them and I believe it is our duty to share it with the world and to give back and to truly inspire others.”

Aside from Maureen, wagi naman bilang first runner-up ang pambato ng Nigeria, while candidates from Turkey, Venezuela, and Canada settled in second, third and fourth place, respectively. 

Si Maureen ang ikalawang Filipina na nakasungkit ng Miss Globe crown na nauna nang naiuwi sa bansa ni Ann Colis noong 2015.

In 2019, naging kinatawan ng Pilipinas ang TV host-model na si Maureen sa Miss Eco International pageant sa Egypt kung saan itinanghal s’ya bilang first runner-up.

Nang sumunod na taon, 2020, in-offer sa kanya ang Miss Eco International crown and title matapos ma-dethrone si Miss Eco International 2019 Suheyn Cipriani ng Peru due to pregnancy issue.

However, tinanggihan ito ng pageant veteran dahil maliban sa naipasa na n’ya ang Miss Eco Philippines title and responsibilities noon kay Kelley Day, naka-focus na din s’ya that time sa kanyang pagsabak sa Binibining Pilipinas pageant.

In July this year, she won Binibining Pilipinas-Globe 2021 crown and earned the privilege to represent the country in Miss Globe 2021 beauty pageant. 

Congratulations and thank you for making us proud, Maureen!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.