Maymay Entrata, muntik nang mapaiyak ni Robi Domingo

Robi Domingo nag-pretend na mag-aaral ng medicine sa States.

PHOTOS: @maymay (L) on IG & screengrab from Robi Domingo's vlog.

Robi Domingo nag-pretend na mag-aaral ng medicine sa States.

Sa recent vlog ng PBB host na si Robi Domingo sa kanyang YouTube channel, mapapanood ang prank call conversation niya with young star Maymay Entrata about his supposed plans to migrate to the U.S. to study medicine. 

Iba sa mga nakasanayan na kanyang subscribers ang prank call video ni Robi kaya naman maraming natuwa lalo na at si Maymay at Melai Cantiveros ang kanyang mga naging “victims.”

Sa segment ni Robi with Maymay, muntik nang mapaiyak ng TV host si Maymay dahil sa ibinalita nitong hindi na umano sila  makakasama sa trabaho nila sa (name ng show).

Robi said in the video: “Gusto ko lang sabihin sayo...uunahan na kita. Wala pa akong tinatawagan na iba. Tinawagan ako ni Tita Lulu and Ate O...tungkol sa trabaho...

’Ýong magulang ko in-apply pala ako sa States, mag-me-medicine na ako. Mag-aaral na ako doon, simula sa Sunday wala na hindi na…”

“Ha mawawala ka na?” sagot naman ng gullible na si Maymay sa kabilang linya.

Robi explained further: “Oo, so pinapaalam ko muna sa’yo hindi ko pa sinasabi kay Donny [Pangilinan] tsaka kay Edward [Barber]ikaw muna 'yong gusto kong makaalam.”

Both Edward and Donny are their co-stars in the weekly online show, iWant ASAP. 

Teka lang, hindi ako makahinga...prina-prank mo ako ‘no?” tanong ni Maymay. 

“Hindi, aalis na nga ako...wala na ako. Sinabi ko na din kay Direk Lauren [Dyogi], paniniyak ni Robi. 

’Yong dibdib ko...hindi nga, kuya please prank ito no?” Tanong muli ni Maymay, her voice cracking. “Kuya, please wag kang ganyan, maawa ka sa akin…”

In-invite din ni Robi si Maymay sa kanyang supposed farewell party kasama ang kanyang mga close friends, pero hindi pa din convinced si Maymay sa sinasabi ng Kapamilya host. 

Sa latter part ng 14-minute video, maririnig na tumawa nang malakas si Maymay na naging cause ng pag-amin ni Robi na prank lang pala lahat. 

“Hindi ako maniniwala talaga, pisti ka talaga…” sabi ni Maymay habang tumatawa. 

“I love you May...pero pag libre talaga kayo, tara labas tayo, ako na bahala sa inyo… Bye Butiki!” Robi said before ending the call.

YOU MAY ALSO LIKE:

Maymay, ecstatic to be on a notebook cover

Edward Barber has no worries over Maymay Entrata and Donny Pangilinan’s close relationship

“Alam naman ni Dodong ‘yong mga priority ko ngayon” - Maymay on fans waiting for her to confirm relationship with Edward Barber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.