Maymay Entrata, pang First Love ang mensahe kay Edward Barber

PHOTOS: @maymay on Instagram and Melo Balingit

PHOTOS: @maymay on Instagram and Melo Balingit

First Love, directed by Paul Soriano starring Aga Muhlach and Bea Alonzo, ang unang pelikulang ginawa ni Edward Barber na hindi kasama ang ka-loveteam niyang si Maymay Entrata. Ngunit kahit ganoon, nagpunta pa rin si Maymay bilang suporta sa premiere night kahapon (August 16) sa Megamall. Saksi ang pikapika sa kilig ng mga MayWard fans na naroon.

Pagkatapos ng event, nag-post si Maymay sa kanyang Instagram account ng isang nakakakilig at nakaka-touch na mensahe para sa kanyang Dong.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

 

“Unang pag lapag mo pa lang sa Canada bukang bibig mo ay "Uwi nako, I'm nervous".” Ang pangbungad ng dalaga sa kanyang post.

Isang buong buwan din kasing nag-shoot ang First Love ang buong film. Matagal-tagal ding hindi nagkasama ang dalawa.

“Sa premiere night pagkatapos ng movie wala akong ibang narining sa sarili ko kundi "Proud na proud ako sayo" kasi sa panahong susuko ka, lumaban ka, sa panahong mag isa kang kinakabahan, mas pinili mong maging positibo at sa panahong akala mo imposible ang lahat mas pinili mong maniwala na posibleng mangyari ang minimithi mo.”

Simula nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya noong 2016, lagi na talaga silang magkasama. Halos araw-araw.

“Masaya ako na kahit di man ako naging parte ay sabay parin tayong lumalaban sa Journey nating dalawa. Kaming lahat dong, PROUD na PROUD sayo. 🌟

Ito ang unang big project na hindi magkasama ang MayWard love team ngunit support pa rin sila sa isa’t isa na para bang iisang proyekto lang ang tinatahak nila. Journey to forever ba?

PROUD na PROUD din kami sa inyo, Dai at Dong!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Edward thinks Maymay has director's eye

“Alam naman ni Dodong ‘yong mga priority ko ngayon” - Maymay on fans waiting for her to confirm relationship with Edward Barber

Edward Barber has no worries over Maymay Entrata and Donny Pangilinan’s close relationship

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.