Mayor Vico Sotto, namudmod ng kredito sa mga katuwang sa pamumuno ng Pasig City sa kanyang kauna-unahang SoCA (State of the City Address)

SCREENSHOT: @PasigPIO on Facebook

SCREENSHOT: @PasigPIO on Facebook

Iniulat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang naging accomplishments ng kanyang administrasyon para sa lungsod sa pagdiriwang ng ika-447 Founding Day ng Pasig City kaninang hapon, July 2, na nataon ding halos sumakto sa ika-unang taong anibersaryo ng kanyang pamumuno sa lungsod.

Sa kanyang talumpati o State of the City Address, na naka-broadcast live sa Facebook, unang binalikan ng alkalde ang panahon nang manalo sa election noong May last year. 

"Isang taon at dalawang araw na ang nakalipas mula nung magsimula ang bago nating administrasyon dito sa Pasig," panimula ng batang mayor. "Isang taon [at] isa't kalahating buwan, mula nung halalan, nung narinig natin ang tinig ng taumbayan,nung sinsabi ng Pasigueno na 'gusto ko naman ng pagbabago.'"

Pahayag pa n'ya: "Narinig po natin 'yong bulong-bulong na lumaki nang lumaki hanggang narinig natin bilang isang sigaw na naghahanap ang isang Pasigueno ng mga pagbabago. Tumaya ang Pasigueno. Tumaya sa isang alkalde na wala pang trenta ang anyos noong panahon na 'yon."

Ipinunto din ni Mayor Vico na ang kanyang pamamahala ay laban hindi nang magkakaibang partido o grupo kundi para sa good governance, accountability, transparency, at people's participation and empowerment.

"Ang laban po na ito ay naging laban nung kampanya, na naging laban natin hanggang ngayon, hindi po ito laban ng isang Vico lamang," patuloy noya. “Hindi po ito laban ng isang Roman o ng isang tao [o] ng isang grupo lamang. Ito ay laban para itaguyod ang prinsipyo nang mabuting pamamahala, nang mabuting paggo-gobyerno sa'ting lungsod." 

Dagdag pa ng alkalde: "Ito po ay laban para basagin ang mga lumang kalakaran sa ating pamahalaan at sa ating lipunan. Ito po laban para talikuran ang mga nakasanayan natin, ang mga bagay-bagay na nakasanayan pero alam natin na hindi tama."

Ibinida din ni Mayor Vico ang kanyang naging proyekto sa loob ng isang taon ng kanyang panunungkulan gaya ng universal health coverage at pagtatalaga sa mga ospital hindi upang maging income generating bagkus ay service providing.

Hindi man daw n'ya naipangako ang pabahay para sa lahat subalit tinutupad diumano ng kanyang administrasyon ang pagiging makatao sa housing and relocation project ng lungsod.

"Walang relokasyon, walang demolisyon hanggat hindi maayos ang lilipatan," pahayag pa ni Vico.

Lubos din ang supporta ng pamahalaang lungsod sa education sector, dagdag pa n'ya.

"Buong buo ang suporta natin sa mga paaralan  dahil ang kalidad ng edukasyon ay nakatali sa magiging kinabukasan ng ating siyudad," sabi pa ng punong lungsod.

Kasali rin daw sa proyekto ng city government ang pamamahagi ng laptop computers at tablets sa mga mag-aaral at one is to one daw ito kaya lahat ay mabibigyan. 

Kaya naman pinakiusapan ni Vico ang mga magulang na nagdadalawang-isip kung pag-aaralin ba ang kanilang mga anak ngayong may pandemya. 

"Sa mga magulang ng mga mag-aaral na maaring nanonood ngayon, please mag-enroll po kayo," pakiusap ni Mayor Vico. "Walang dahilan para hindi kayo mag-eroll dahil wala rin naman pong gastos

"Para sa inyong mga anak, alam kong magiging mahirap ang susunod na school year pero mag-enroll lang po kayo. At tutulungan namin kayo."

Isinama din ni Vico sa kanyang report ang mga city goverment employees na nakasama sa regularization dahil sa patuloy nilang paglilingkod sa Pasig City nang mahabang panahon. 

And of course, ang naging tugon ng kanilang lungsod sa COVID-19 pandemic at ang city amelioration program para sa mga residente ng Pasig. 

Dito, ibinigay ni Mayor Vico ang credit at papuring natatanggap sa mga empleyadong katuwang n'ya sa pamamalakad.

"Minsan kapag may pagpupuri sa media maaaring ako 'yong napapansin," paliwanag n'ya. "S'yempre bilang alkade ganun talaga. Puna man 'yan o pagpuri syempre mayor yong unang nakikita. 

"Pero minsan ang hindi napapansin ng mga tao kung bakit ko ba nagagawa yong nagagawa ko, [iyon ay] dahil sa tulong ninyo. 

"Hindi ko po maipapatupad ang programa ng lungsod ng Pasig, hindi po natin malalabanan ang virus na COVID 19 kung hindi po dahil kay Vice Mayor Iyo [Bernardo] at sa buong sangguniang panlungsod."

Kabilang din sa mga pinasalamat ni Mayor Vico ang mga katuwang mula sa national government agencies gaya ng Armed Forces of the Philippines [AFP], Bureau of Fire Protection [BFP], at Philippine National Police [PNP], at maging ang mga donors, private individuals at mga volunteers.

Panoorin ang kabuuan ng talumpati ni Mayor Vico Sotto alinsabay sa kanyang 1st year anniversary bilang punong lungsod at pagdiriwang ng ika-447 Araw ng Pasig dito:

 

Now happening: Celebration of the 447th Founding Anniversary of Pasig Mayor Vico Sotto will be addressing the citizens of Pasig to report on the State of the City. He will be joined by Congressman Romulo Roman and Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo who will also be delivering their Legislastive Report before Pasigeños. #ArawNgPasig #ArawNgPagAsa

Posted by Pasig City Public Information Office on Wednesday, July 1, 2020

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.