Trending muli online si Pasig City Mayor Vico Sotto in relation sa pamimigay ng ayuda ng LGU (local government unit) na pinamamahalaan niya.
Sa kanyang Facebook live ngayong araw, May 5, nagbigay ng update si Mayor Vico tungkol sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na laan para sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19 lockdown.
Kasabay nito ay inanunsyo din ni Mayor Vico na simula na rin ng kanilang programa ngayong araw na tinawag namang Pasig Supplemental SAP, kung saan ang beneficiaries naman ay ang mga pamilyang hindi qualified sa SAP ng national government through DSWD.
However, hinihimok ng alkade ang mga may-kayang pamilya sa lungsod na kung maaari huwag nang kunin ang ayudang P8,000 na nakalaan para sa kanila at ibigay na lamang sa mga mas nangangailangan.
Pinakikiusapan din niya ang ilang Pasig residents na huwag sungitan, at lalo nang huwag murahin, ang mga overworked na ngang empleyado ng munisipyo na nagsasagawa ng relief distribution.
Hindi tuloy naiwasan ng batang alkalde na maglabas ng sama ng loob sa isang dating professional basketball player—na dati pa umanong ka-team ng kanyang bayaw na si Marc Pingris—dahil sa masamang naging karanasan ng mga tauhan niya dito.
Samantala, habang nagla-live report sa mga kababayan ay hindi naman naiwasan ng 30-year-old public servant na mabasa ang isang comment mula sa netizen na kanyang ikinayamot.
Ang reaksyon niya ang naging dahilan kaya nag-trending na naman siya online today.
"Oh si Joel Garcia, ang kulit," sabi ni Mayor Vico habang binabasa ang comment ng isang netizen na tila hindi pa nabigyan ng ayuda.
"'E malalagpasan daw po uli...' Hindi nga. Kasama nga [lahat]... Ang gulo kausap," pahayag ng batang mayor na napakamot ng ulo.
Dagdag pa nya: "Kakasabi ko lang lahat nga kasama, e. Hindi ba naman mamuti ang buhok ko dito. Kakasabi lang lahat kasama. Hindi malalagpasan ang condo. Kasama ang condo [dwellers] sa Supplemental SAP.
“[Ku-] comment-comment hindi muna makinig."
Nakyutan ang karamihan ng Netizens sa naturalesang “yamot” mode ng bagets mayor.
Sa kabilang banda, bukod sa FB live report ng mayor, naglabas din ng post ang Pasig City Public Information Office kung saan nilinaw kung sino-sino ang mga tatanggap ng financial assistance mula sa Pasig City government.
Kabilang dito ang traditional o nuclear families, mga lolo o lola na may kasamang apo, solo parents, legal na mag-asawa pero walang anak, at mga couple na member ng LGBTQ+ na may anak at kinikilalang pamilya.
Ito ang Guidelines para sa Pasig City Social Amelioration Program. Makakatanggap ng P8,000 ang bawat Pamilyang...
Posted by Pasig City Public Information Office on Monday, May 4, 2020
Ikinatuwa din Netizens at members ng LGBTQ+ communities ang hindi pagkalimot ng mayor na isama sa kanyang mandato ang often-neglected sector ba ito ng lipunan. Karamihan ay nagsabing the young mayor has once again outdone himself.
PANOORIN ang kabuuan ng Facebook Live ni Pasig City Mayor Vico Sotto dito:
Main Updates May 5, 2020 1. National/DSWD SAP 2. Pasig Supplemental SAP
Posted by Vico Sotto on Monday, May 4, 2020