MC Muah, may mabigat na dahilan kung bakit hindi nagse-celebrate ng birthday

For the longest time ay dala-dala daw ng komedyanteng si MC Muah ang feeling of guilt sa pagpanaw ng ama, na nataon pang sa araw mismo ng kanyang kaarawan. “Feeling ko, kasalanan ko. Sabi kasi nila pag nagawa mo lahat sa mundo kukunin ka na ng D’yos. So, feeling ko nu’ng natanggap n’ya ako bilang bakla, feeling ko, natapos ’yong misyon n’ya sa mundo.  “Laging sinasabi sa akin ng mama ko na, ‘Hindi, nagkataon lang lahat. Wala kang kasalanan.’”

For the longest time ay dala-dala daw ng komedyanteng si MC Muah ang feeling of guilt sa pagpanaw ng ama, na nataon pang sa araw mismo ng kanyang kaarawan. “Feeling ko, kasalanan ko. Sabi kasi nila pag nagawa mo lahat sa mundo kukunin ka na ng D’yos. So, feeling ko nu’ng natanggap n’ya ako bilang bakla, feeling ko, natapos ’yong misyon n’ya sa mundo. “Laging sinasabi sa akin ng mama ko na, ‘Hindi, nagkataon lang lahat. Wala kang kasalanan.’”

Sa kabila ng kanyang pagiging masayahin ay may mabigat palang dala-dala sa kanyang puso ang komedyanteng si MC Muah sa tuwing sasapit ang kanyang birthday. 
 
Inilahad n’ya ito sa interview n’ya with comedian-vlogger and talent manager Ogie Diaz na in-upload sa YouTube channel nito kahapon, November 25.
 
Makailang beses daw kasi na sa tuwing naghahanda s’ya to celebrate his birthday noon ay laging may namamatay sa kanilang pamilya. 
 
Ang birthday ko November 3. Dahil nakasanayan na namin sa Pampanga, meron kaming [dinadalaw na] museleo. Tuwing November 1, nandu’n kami hanggang November 2,” panimula ni MC sa kuwento ng kanyang karanasan. 
 
“So, nakalakihan ko na doon ako naghahanda ng birthday sa sementeryo. Sinasalubong ng buong kamag-anak namin sa father’s side ’yong birthday ko. S’yempre hindi ka naman p’wedeng magka-catering doon, ’di ba, dahil nasa sementeryo ka. So, simpleng handaan lang lagi.”
 
Nagsimula daw ang masasakit na karanasan n’ya noong naghanda s’ya for his birthday noong 1994. 
 
Hanggang nu’ng dumating ako ng 15 or 16 years old, birthday ko, sinabi ko sa kanila gusto kong maghanda nang bongga kasi hindi ko nararanasan ’yon,” pagbabalik-tanaw ng Beks Batallion member. 
 
Sabi ko gusto kong maghanda pero hindi mga kamag-anak ang invited [kundi] ’yong mga kaibigan ko na bakla. Kasi, at that time, hindi ako umaamin pero alam nila na bakla ako. 
 
Kinausap ko sila, ’yong mama at papa ko. Sabi ko, ‘Gusto kong makilala n’yo ako kung sino ako.’ Sabi ko iimbitahan ko ’yong mga kaibigan kong bakla.
 
Hindi daw matanggap ng kanyang ama noon ang kanyang gender at nagbanta daw ito na iisnabin ang binabalak n’yang party. 
 
Tapos sabi sa akin ng papa ko—k’wento na lang’ ’to ha—hindi n’ya sinabi sa akin nang direkta. Sabi ni papa, ‘Hindi ako bababa sa birthday n’ya kasi hindi ko kayang makita ’yong mga kaibigan n’yang bakla,’” pagpapatuloy n’ya. 
 
Tapos sabi ng mama ko, ‘Ano ka ba? Anak mo ’yan. Kailangan mong tanggapin kung ano s’ya.’”
 
Hindi daw n’ya inakala na magpapakita sa birthday n’ya ang tatay n’ya na nagpresinta pang magluto dahil Mongolian ang theme ng party niya. 
 
Nagulat ako ’yong papa ko bumaba. Tapos sabi n’ya, ‘Ako magluluto.’ So, lahat ng nasa party nilutuan n’ya,” pagre-recall pa ni MC.
 
Pero ’yon na din daw ang simula ng magkakasunod na unfortunate events sa pamilya nila na natatapat sa kaarawan n’ya. 
 
Pagkatapos namin kumain tinawag n’ya ako. Sabi n’ya, ‘Melvin… i-akyat mo ako sa kwarto. Masakit ang ulo ko.’ Pag-akay ko sa kanya, kumapit s’ya sa akin,” k’wento pa ng comedian-vlogger. 
 
Habang naglalakad, nakita ko kinakaladkad na lang n’ya ’yong isang paa n’ya. Hanggang sa naiakyat ko s’ya sa k’warto tapos tinawag ko ‘yong mama ko. Sabi ko, ‘Ma, si papa parang hindi n’ya nagagalaw ang kalahati ng katawan n’ya.
 
Kaagad daw tumawag ng ambulansya ang nanay n’ya. At ang masaya sanang salu-salo ay nauwi sa tinawag n’yang “retreat.” Nagsipagdasal daw kasi sila ng rosary.
 
Pagpunta ko sa Heart Center, sabi kaagad nu’ng doktor ang papa ko mabubuhay na lang ng dalawang araw. Kasi ’yong nangyari sa kanyang stroke para s’yang binaril ng point blank. Ganu’n ka-massive ’yong pagputok ng ugat sa brain n’ya na kahit operahan mauubos ang brain n’ya dahil sa blood clot na nangyari,” may lungkot na paglalahad n’ya. 
 
“After nu’n parang ang bigat. Naging tuksuhan sa aming magkakapatid na ‘Ano ka ba? Minsan ka lang maghanda, namatay pa si papa.’ Pero pabiro lang nilang sinasabi. Pero sa akin mabigat.
 
At sa puntong ito na s’ya naging emosyonal. 
 
Ngayon ko lang uli [naikuwento sa iba]. Dati kinakahiya ko ’yon, e,” naiiyak na pag-amin n’ya. 
 
“Feeling ko, kasalanan ko. Sabi kasi nila pag nagawa mo lahat sa mundo kukunin ka na ng D’yos. So, feeling ko nu’ng natanggap n’ya ako bilang bakla, feeling ko, natapos ’yong misyon n’ya sa mundo. 
 
Laging sinasabi sa akin ng mama ko na, ‘Hindi, nagkataon lang lahat. Wala kang kasalanan.’
 
Makalipas ang dalawang taon ay naghanda daw s’yang muli to celebrate his birthday. That time, na-stroke naman daw ang lolo n’ya sa nanay. 
 
At hindi pa ’yon natapos doon. Dahil after two years, nang muli n’yang plinano na maghanda ay ang lola naman n’ya sa tatay ang na-ospital. Nag-decide daw s’ya noon na i-postpone na lang ang handaan kapag nakalabas na daw ng ospital ang kanyang lola.
 
Ganu’n na nga ang nangyari. Itinuloy n’ya ang party nang makalabas sa ospital ang lola n’ya. Pero bigla na lang daw itong binawian ng buhay pagkatapos na pagkatapos nila kumain. 
 
From then on ay hindi na daw s’ya naghanda pa for his birthday. 
 
Simula nu’ng 21 ako—43 na ako ngayon—never na akong naghanda… Laging hindi ako nagse-celebrate nang malaki tuwing birthday ko kasi ayokong may mawala na malapit sa puso ko,” aniya.

Kaya naman daw sa tuwing sasapit ang kanyang birthday, talagang good heath n’ya, ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanyang tanging hinihiling na birthday wish.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.