Hindi raw nagpapadala sa pressure ang McLisse couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson pag dating sa usapin ng pagpapakasal.
Inilahad nila ’yan sa virtual media conference ng upcoming Vivamax movie nila na Habangbuhay ngayong araw, April 4.
Natanong kasi ng entertainment press ang real-life couple kung napi-pressure ba sila na selyuhan na talaga ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa gayung, ayon na rin sa kanila ay kinukumbinsi na rin sila ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.
“Actually, hindi,” natatawang sagot ni McCoy sa press.
Aniya, darating naman daw sila sa puntong iyon ng kanilang relasyon ni Elisse na kapwa na sila decided kaya chill lang daw sila sa bagay na iyon for now.
“S’yempre, sa amin, hindi naman pressured pero alam namin sa sarili namin na meron ganu’n, isang time na ganu’n na malalaman na lang namin,” lahad n’ya.
At bilang s’ya ang lalaki, s’ya daw ang mag-a-announce nu’n kung push na push na. At present daw kasi ang nag-e-enjoy sila na mas kilalanin pa nila ni Elisse ang isa’t isa.
“And s’yempre, sa akin mangagaling, ’di ba? Ang masasabi ko lang for now gusto namin explore pa ’yong bawat side namin,” katwiran pa ng Viva actor.
“Kasi kung hindi ninyo pa alam, marami pa kaming ini-explore ngayon, marami pa kaming kakaibang nalalaman sa bawat isa kaya nandoon kami. Tapos ayaw namin biglain, ayaw namin madaliin.”
Sey naman ni Elisse, gusto daw nila ni McCoy na well-prepared this time. Biglaan kasi ang pagdating ng blessing nilang si Baby Felize last year kaya hindi sila nagmamadali sa pagkakataong ito.
“Preparations kasi talaga because…’yon nga, alam naman natin with a baby, [it was] sudden din. So we want to be prepared to move forward din with our future kasi malaking bagay na ’yon dahil nga meron na din kaming anak. So we want to be prepared,” paliwanag ng aktres.
“Ready ka na ba?” hirit na tanong ni McCoy sa kanyang partner na halakhak na lang ang isinagot. “O, ’di ba…”
“Syempre, kasama na du’n ’yong kailangan mag-ipon,” natatawang sagot ni Elisse.
“Nag-iipon pa kami. Gusto namin muna mag-ipon din,” nakangiting salo naman ni McCoy sa sinabi ni Elisse.
Paglilinaw pa ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemates, goal naman nila yon at importanteng makasal sila para may basbas daw ng Diyos ang kanilang pagsasama.
At habang hindi pa nga naisasakatuparan ito, natanong si Elisse kung may fears ba s’ya sa tuwing may napapabalitang break up ang ilang celebrity couple.
“Alam ni McCoy ’yan. Hahaha!” sagot ni Elisse.
Sumbong naman ng aktor, lumalabas daw ang mga doubts ng nobya n’ya kapag may mga balitang naghiwalay na ang mga magkarelasyon na mga artista.
“Kapag may mga issue sa akin napupunta yong duda, e. Sabi ko, ‘Nanay, hindi ko alam ito.’ Ganu’n, ganu’n s’ya,” natatawang pambubuko ng aktor.
Gayun pa man, sinasabi n’ya daw kay Elisse na mas pagtuunan daw niya ng pansin ang pamilya nila.
“Lagi kong sini-secure są kanya na, ‘Wag mong pansinin yong mga yan... [ang isipin natin] Pano tayo mabubuhay lalo…pano natin mapapasaya ’yong anak natin, ang bawat isa sa atin. Alagaan natin ’yong relationship natin,’” paliwanag ni McCoy.
Dagdag naman dito ni Elisse: “Ang kailangan lang naman talaga is you both feel secured with each other. Okey naman ’yon kahit may news pa from other people na hiwalayan. Hindi na ’yan makakaapekto sa inyo.”
Pero aminado s’ya na nagkukuwento s’ya kay McCoy kapag may nababalitaan s’yang mga celebrity couple who decided to part
ways.
“Though, normal naman na sinasabi ko sa kanya, ‘Uy si ano, ganyan… But normal lang. It’s very casual for me. Hindi ko naman s’ya parang ini-stress. I don’t stress about it,” katwiran n’ya.
Kaya naman natatawang panawagan ni McCoy: “Kaya sa mga artista, wag na kayo maghiwalay nadadamay ako. Hahaha!”
At dahil gaganap na couple ang McLisse sa kanilang upcoming movie, natanong pa si McCoy kung pagkatapos ba nito ay okey lang sa kanya na mai-partner si Elisse at magkaroon ng kissing scene sa ibang aktor.
Sagot ni McCoy dito, “Wala naman kaming specific na kailangan ganito, kailangang ganyan. Pero nasa world kami ng industriyang ito… Hindi ko alam, e. Hahaha!”
Ani Elisse, nag-uusap daw sila ng kanyang nobyo tungkol dito at mas tinitingnan daw nila ang ganda ng project bago sila nagse-set ng kanilang limitations.
“Napaguusapan namin ’yon. I think it depends on the story itself,” pahayag ng aktres.
“Meron mga dumating na offers but ’yon nga, ang ginawa namin pinaguusapan namin and tinitingnan namin ’yong istorya talaga bago namin pagusapan kung may kissing scenes ba, may intimate scenes ba.
“Its more on ’yong lalim ng istorya and if gonna be worth it.
Nang maibalik naman sa kanya ang tanong, hindi ba s’ya magseselos sakaling maitambal at magkaroon ng kissing scene si McCoy sa ibang aktres?
“Ay, selosa po ako. Hahaha!” pag-amin ni Elisse. “Pero ’yon nga, depende sa kung ano ’yong material na ibibigay kay McCoy.”
“S’ya [si Elisse] daw mag-a-approve. Hahaha!” pagtatapos ni McCoy.
Mapapanood sina McCoy at Elisse, together with Yayo Aguila, Dexter Doria, Lander Vera-Perez, and more, sa advance streaming ng romantic movie na Habangbuhay on April 20 sa VivamaxPlus. Magiging available naman ito for regular streaming on Vivamax soon.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber