Good news para sa mga McLisse fans and supporters dahil nagkaayos na ang iniidolo nilang celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.
Kinumpira mismo ’yan ng aktor sa panayam n’ya with TV5 reporter MJ Marfori kahapon, February 5, matapos ang naging guesting n’ya sa ASAP Natin ’To.
Maikli pero makabuluhang “Yes, yes,” kasi ang naisagot n’ya sa Kapatid entertainment reporter nang sabihin nito sa kanya na “At least, naayos n’yo na si Elisse [ang hindi pagkakaunawaan].”
At bilang isang ama, natanong pa s’ya kung gaano ba s’ya ka-proud na na-save n’ya ang pagsasama nila ni Elisse para sa anak nilang si Baby Felize.
“Siguro naman, sa pagiging tatay, parang ’yon naman ang laging hinahangad para mapasaya ’yong pamilya,” aniya.
Happy rin daw s’ya sa bagong panimula nilang ito ni Elisse sa kanilang relasyon.
“Siguro hindi ko ma-specific na… Basta ’yon ang maibibigay ko. Kumbaga, masaya kami kung ano ’yong estado ko sa buhay,” saad pa n’ya.
Matatandaan kasing ang former Pinoy Big Brother (BPP) housemate mismo ang nagkumpirmang hiwalay na sila ni Elisse nito lamang January.
Nag-sorry pa nga s’ya sa mga na-disappoint sa kanya through his Instagram Story. Kasunod din nito ay sinabi n’yang hindi totoo ang tsismis na nali-link s’ya sa isang babae.
Wala daw third party na involved kundi sumuko na daw s’ya dahil sa bigat ng problema.
However, tila hindi naman niya pinatagal ang problema at tila sinuyo ang kanyang mag-ina kaya that same month ay napagkita rin silang magkasama at namamasyal.
Samantala, masaya rin ang aktor na kabilang s’ya sa upcoming Kapamilya action series na Batang Quiapo kung saan gaganap s’ya bilang kapatid ng bidang si Coco Martin.
Ipinagpapasalamat daw n’yang makatrabaho ang mga naglalaking stars ng entertainment industry.
“Thankful ako bago ako pumasok sa frame ng camera. Grabe, kumbaga, nakasama ko sila, kaeksena ko sila,” he said.
Malapit din daw ang proyektong ito sa puso n’ya bilang batang-Maynila siya at deboto rin ng Poong Nazareno.
“Kaya thankful din ako kay Kuya Coco kasi deboto rin ako ng Nazareno, e. Nu’ng nakaraan medyo…kasi nga pandemic. Na-miss ko ang pagsampa sa Nazareno,” pagbabahagi pa ni McCoy.
“Kaya ’yong paggawa ng project na ’to, kumabaga, nasa faith ko din. Damay sa faith…kumbaga konektado sa faith ko kung anuman ’yong ginagawa ko,” pagtatapos n’ya.
YOU MAY ALSO LIKE:
McCoy de Leon, kinumpirma na ang haka-hakang hiwalay na sila ni Elisse Joson
Fans nina McCoy de Leon at Elisse Joson, nangangambang may tampuhan ang dalawa
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber