McCoy de Leon, kinumpirma na ang haka-hakang hiwalay na sila ni Elisse Joson

Photos: @mccoydeleon

Photos: @mccoydeleon

Kinumpirma na ng aktor na si McCoy de Leon ang haka-haka ng mga netizens na hiwalay na sila ni Elisse Joson, ang nanay ng one-and-a-half-year-old daughter niyang si Felize McKenzie.

Sa Instagram stories idinaan ni McCoy ang pagkumpirma ng status ng relasyon nila ni Elisse kagabi, January 4, by posting a short statement na inatado sa apat. Set in black background, pumili ng maliliit na white fonts si McCoy para ilahad ang kanyang nais sabihin.

“Sorry po pasensya na po sa inyong lahat,” panimula niya.

Kasunod noon ay ang pagka-klaro niya ukol sa nag-viral na screenshot ng umano'y text conversation n'ya sa nali-link sa kanya ngayon, ang social media influencer na si Mary Joy Santiago. Sa nasabing conversation screenshot na nag-leak sa Twitter, mababasang allegedly ay nagsabi ng "I love you" kay Joy ang supposedly ay si McCoy.

Kasabay noon ay ang pagkalat din ng alleged text conversations ni Mary Joy with some netizens kung saan iginigiit nitong "break" na sila McCoy at Elisse bago pa man sila nagkakilala at nagka-usap ni McCoy.

Pero ayon kay McCoy sa kanyang IG Story: “Hindi po totoo 'yung mga convo na kumakalat, hindi po ako ‘yun.  Pasensiya napo ulit.”

Ipinagdiinan din ng aktor na walang katotohanan ang isyung may third party sa parte niya kaya sila naghiwalay ni Elisse.

Bago pa kasi ang nag-viral na text convo ay nauna nang kumakalat ang larawan ni McCoy na kasama si Mary Joy na nakuha naman mula sa isang TikTok video. Kaya naman ang banat sa kanya ngayon ng disappointed netizens ay nangaliwa umano siya.

“Wala po [ng] involve na ibang tao, ang pinaka-rason kaya kami naghiwalay.  Sana po maniwala po kayo.”

At dito na inamin ng dating Hashtag member na siya mismo ang sumuko sa relasyon nila ni Elisse.

“Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko.  Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

Bago pa mag-Pasko 2022 ay may haka-haka nang hiwalay na ang McLisse couple pero hindi ito ganap na nabigyang-pansin dahil naging abala ang lahat sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival. Hindi rin mahahalata kay McCoy na may pinagdadaanan ito habang nagpo-promote ng MMFF entry niyang Deleter at masaya naman ang mga kuwento niya kapag natatanong ang kanyang mag-ina.

Pero sa pagta-tagpi-tagpi ng netizens sa mga ganap sa social media ng McLisse, napapansin na ngang tila may trouble in paradise.

Gaya na lamang ng madamdaming open letter ng aktor sa anak na si Felize sa IG noong Disyembre 19.

(At press time ay edited na caption ng post. Ang page-edit ay naganap matapos i-post ni McCoy ang kanyang statement sa IG story. Sa ngayon ay ito na lamang ang laman ng caption ni McCoy sa larawan nilang mag-ama: “Lagi mong tatandaan na mahal kita."

Pero narito ang orihinal:

"Lagi mong tatandaan na mahal kita.

“IKAW lang ang nakaka alam.

“IKAW lang ang makakaintindi sa akin.

“IKAW lang ang maasahan ko.

“IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay.

“IKAW lang ang lahat lahat ko.

“Sana pag tanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sa’yo pagtanda mo.

“Don’t worry masasaya naman ikukwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. ‘Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya.

“Last na…anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra…*hug na mahigpit*")

Kung susuruin ay lumalabas na matagal nang hindi kapiling ni McCoy ang kanyang mag-ina.

Kaduda-duda rin na wala silang post ng family portrait noong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Huling larawang magkakasama sina McCoy, Felize, at Elisse ay noong naka-costume sila ng pang-Halloween, Nobyembre 2, 2022.

Tila may pahiwatig din ang New Year post ni Elisse na halaw sa panulat ni C.S. Lewis na ukol sa mga plano ng Diyos na sa una'y mahirap umanong unawain. Isa itong analogy sa pagre-rebuild ng bahay na kailangan umanong gibain muna ang ilang bahagi to give way to better structure.

Kalakip noon ang hopeful caption niya na: "For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

#HNY"

Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaksyon si Elisse sa pagkukumpirma ni McCoy ng kanilang hiwalayan.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Fans nina McCoy de Leon at Elisse Joson, nangangambang may tampuhan ang dalawa

McCoy de Leon, excited para kay Baby Felize sa first Christmas nito na hindi na bawal lumabas

McCoy de Leon at Elisse Joson, maagang nag-celebrate ng kanilang anniversary

McCoy de Leon and Elisse Joson excitedly celebate their Baby Felize’s first birthday: “Hay ang bilis ng panahon...”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.