McCoy de Leon tells daughter Felize: “Masayang-masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.”

McCoy del Leon tells Elisse Joson via Facebook: “Maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinanggap ang bawat isa lalo na ako...kaya salamat Elisse ko.”

PHOTOS: @mccoydeleon / Elisse Joson YouTube Channel

McCoy del Leon tells Elisse Joson via Facebook: “Maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinanggap ang bawat isa lalo na ako...kaya salamat Elisse ko.”

Trending ang celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Ginulat nga ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemates-turned love team partner-turned couple ang publiko sa pagbabalik nila sa Bahay ni Kuya last October 31 na may baong malaking rebelasyon at ’yon ay ang pagkakaroon nila ng anak. 

Nangyari ang big reveal nang tanungin ni McCoy si Big Brother kung p’wede ba s’yang kuhaning ninong sa binyag ng baby girl nila ni Elisse na pinangalanan nilang Felize Mckenzie o Baby Felize.

Kuya, kami po ni McCoy meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,” lahad ni Elisse sa Kapamilya reality TV show. 

Minabuti raw nilang ibahagi sa programa ang bagong kaganapan sa buhay nila dahil doon nagsimula ang kanilang love story. Kapwa housemates kasi sila during the Pinoy Big Brother: Lucky 7 season na umere noong 2016 to 2017.

Nagpapasalamat po kami na makabalik ulit dito at i-share po sa inyo ang magandang balita po namin. And naisip po namin na dito kami nagsimula sa bahay po ninyo and malaki po ang utang na loob namin,” patuloy na pahayag pa ng aktres. 

Tinanggap naman ni Big Brother ang kanilang hiling.

Gusto ko malaman ninyo na lubos kong tinatanggap ito,” ani Big Brother na first time magiging Ninong ng isang housemates-turned-couple pair. “Isang karangalan ang maging ninong sa anak ninyo.

Nakatanggap din sila ng regalo mula kay Kuya ang new family—tatlong T-shirts na may naka-imprentang “Pinoy Big Daughter” para kay Baby Felize, “Pinoy Big Mother” para kay Elisse, at “Pinoy Big Father” naman para kay McCoy. 

Samantala, sa vlog naman ng aktres na may titulong “A Day In My Life” na in-upload sa kanyang YouTube Channel kahapon, November 1, ipinasilip ni Elize ang kanyang pregnancy journey. 

Ginawa itong isang short film na si McCoy mismo ang nag-put together. Dito, ipinakita ang bagong gising and unfiltered look ni Elisse habang kunwa ay nagre-reminisce. Doon na pumasok ang pagpapakita ng mga snippets ng kanyang pregnancy journey na sinundan ng pagpapakita ng close up ng napakaganda nilang anak na si Felize. 

Sa isang bahagi ng short film, ipinakita ang emosyonal na pagba-vlog niya taken during the early stage of her pregnancy. Ito ’yong naiyak siya
matapos ipakita ang ultrasoud photo ng kanyang baby. In that portion, inamin niyang natatakot s’ya dahil hindi n’ya pa alam kung paano ang maging isang ina. 

Hindi pa rin ako makapaniwala ’cause ’yong tummy ko parang busog, parang bloated. Pero meron na palang baby inside,” ani Elisse. 

“But s’yempre, hindi ko din mapakita ’yong excitement ko masyado because I am also scared,” naiiyak na pagpapatuloy n’ya. “I don’t know how to be a mom. I bet it’s hard.”

Positibo naman si Elisse na mapagtatagumpayan nila ang bahaging ito ng kanilang buhay as a couple.

“But kaya ’to. We will get through it,” sabi pa n’ya.

Pagkatapos noon ay ipinakitang kinakarga niya ang bata at ibinaba sa first floor ng bahay, where they met up by Daddy McCoy na siyang nag-prepare ng breakfast milk ni Baby Felize.

Doon nagtapos ang video sa pagpapakitang isa na silang masayang family of three.

At press time, ay meron ng mahigit 1.3 million views ang vlog ni Elisse na ito ni. Umani rin ’yon ng positive comments mula sa kanilang mga tagasuporta. 

Samantala, halos kasabay ng pag-upload ng vlog na ito ni Elisse ay nag-post naman ng emosyonal na mensahe sa Facebook si Daddy McCoy para sa kanyang first born. 

Kalakip ang larawan nilang pamilya, “kinausap” ni McCoy ang anak sa pamamagitan ng kanyang post.

“Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag asa ng nanay mo,” panimula niya. “Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sayo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. 

“Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nung nakita namin hanggang ngayon. Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. 

“Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.”

May mensahe rin siya para kay Elisse. 

“Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako...kaya salamat Elisse ko.” 

“At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize,” pagtatapos niya.

 

Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag asa ng nanay mo. Nagtuloy...

Posted by Marc Carlos De Leon on Monday, November 1, 2021

Congratulations, McCoy and Elisse!

Samantala, tumutok lang dito sa pikapika.ph para sa exclusive interview namin kay McCoy, kung saan ibinahagi niya hindi lang ang kanilang parenthood journey kundi maging ang back story ng part 2 ng kanilang love story.

Bukas na yan, November 3.

[UPDATE] WATCH PART 2 here:

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.