Mel Tiangco, clueless sa tunay na lagay ni Mike Enriquez; "Nahihiya akong magtanong..."

Ani Mel Tiangco, lumulukso rin daw ang puso niya kapag may kumakalat na mga malisyosong fake news tungkol sa colleague at kaibigan nyang si Mike Enriquez. “Oo nga, noong isang araw, namatay na raw si Mike,” emphatic na lahad niya. “Aba, s'yempre, nagtatawagan na kami. Tapos sasabihin naman sa newsroom, 'Hindi, Tita, hindi.' S'yempre tatanggapin namin 'yong galing sa newsroom. Pawang walang kasinungalingan.”

Photos: Anna Pingol / Instagram

Ani Mel Tiangco, lumulukso rin daw ang puso niya kapag may kumakalat na mga malisyosong fake news tungkol sa colleague at kaibigan nyang si Mike Enriquez. “Oo nga, noong isang araw, namatay na raw si Mike,” emphatic na lahad niya. “Aba, s'yempre, nagtatawagan na kami. Tapos sasabihin naman sa newsroom, 'Hindi, Tita, hindi.' S'yempre tatanggapin namin 'yong galing sa newsroom. Pawang walang kasinungalingan.”

Ngayong Nobyembre ay ipinagdiriwang ng GMA-7 ang ika-20thanniversary ng Magpakailanman o mas kilala na ngayon bilang #MPK. For 20 years, iisa lang din ang naging mukha nito, ang nag-iisang si Mel Tiangco.

Sa press conference ng Magpakailanman ay napag-usapan ang journey na pinagdaanan ng programa. Kung paano rin ito naka-survive sa gitna ng pandemya at nananatiling isa sa pinaka-matatag na programa, hindi lang ng Kapuso network kundi ng bansa.

Naging biruan din na si Mel lang ang nagtangkang tumapat sa Maaalaala Mo Kaya ni Charo Santos at nagong mainit ang kanilang tapatan since.

“E, kasi talagang kapag natapat ka sa Maalaala Mo Kaya, ay naku, magdasal ka na sa lahat ng santo. Hindi mo maano 'yan, hindi mo matatalo...” pagbabalik-tanaw ng #MPK host.

Ang Magpakailanman lang naman talaga ang nangahas na tumapat, sabi namin.

“E, makapal ang mukha ko,” natawang hirit naman niya.

“But it’s all professional," agad na pagseseryso niya. "Nothing personal. It’s all professional.”

Natanong din ang batikang host at newscaster kung alin raw sa mga nag-gagandahan nilang episodes in recent times ang takagang tumatak sa kanya.

“Alam mo, kailangan kong sagutin ‘yan with an apology. I have gotten 20 years older. So, my memory is not as it was 20 years ago. Pero kung mga recent, i-da-genre ko na lang. 

“Sa dinami-raming genre na tinatampok namin sa Magpakailanman, iba’t-ibang istorya ng buhay talaga na napapanood, pero gusto ko 'yung genre na nakakatulong sa kapwa.

“Gusto ko 'yung hindi ka lang na-entertain, hindi ka lang nasiyahan sa istorya, pero nakapaghandog kami sa'yo ng realization. Maybe a sense of inspiration. May naiwan kami sa puso mo, sa kaisipan mo na once in a while, babalikan mo… 'Ah, napanood ko sa Magpakailanman...'

“Gusto ko 'yung naa-uplift ang tao. 'Yung istorya na may dala-dala sa'yo. Meron silang natutunan, meron silang dadalhin sa sarili nila. 'Yung mismong ako rin, gano’n din ang tama sa akin.”

Speaking of tama, isa rin si Mel sa hindi nakaligtas at tinamaan din ng Covid-19 kamakailan lang.

Kaya kitang-kita rin namin sa kanya ang sobrang pag-iingat na hindi na ito maulit pa.

Madalas daw ang pagpa-RT PCR test niya konting may maramdaman lang siya sa lalamunan o konting sipunin at ubuhin. Bukod pa sa mahigpit din ang GMA-7 sa ganitong protocol.

Sa puntong ito na rin namin nakamusta sa kanya ang kasamahang batikang newscaster na si Mike Enriquez na madalas mabiktima ng fake news na umano'y pumanaw na. May alam kaya si Tita Mel sa lagay ng kalusugan nito?

“I’m sorry, hindi ko rin alam,” ang malungkot niyang pahayag.

“Nahihiya akong tumawag. Kasi, baka sabihin pati ako tsumi-tsismis,” saad niya. “Pero nalulungkot din ako. Malulungkot lang ako, bayaan mo na…”

Pero lumulukso rin daw ang puso niya kapag may kumakalat ngang mga malisyosong fake news tungkol sa colleague at kaibigan.

“Oo nga, noong isang araw, namatay na raw si Mike,” emphatic na lahad niya. “Aba, s'yempre, nagtatawagan na kami. Tapos sasabihin naman sa newsroom, 'Hindi, Tita, hindi.' S'yempre tatanggapin namin 'yong galing sa newsroom. Pawang walang kasinungalingan.”

Ang huling beses na nagkita raw sila ni Mike ay noong bago ito mag-leave sa 24 Oras.

“Nag-leave siya, e.  Sabi niya, kailangan niyang magpa-test. Nakalimutan ko kung ano ang ipapa-test niya. Kailangan daw niyang mag-overnight, e, hindi pa siya bumabalik.”

Isa pa sa nausisa ng entertainment press sa masarap na kausap na si #MPK host ang tungkol sa umano'y long-standng na hidwaan nila ng dating kasamahan niya sa ABS-CBN na si Korina Sanchez.

Natanong muna kasi siya kung papayag ba siya kung sakaling hilingan siya nito ng interview gaya ng ginawa nito kay Karen Davila kamakailan lang.

“You know, ang problema diyan, number one, hindi naman ako p'wedeng lumabas sa ibang network. It’s very strict, it’s in my contract. ‘Yun agad ang sasabihin ko sa kanya. Any platform, hindi pwede, 100% 'yon.”

Pero, okay na nga ba sila?

“You know, there never was anything with me. With me, there was never anything, my dear…I don’t know where that came from.

“Kasi umalis ako do’n [sa ABS-CBN], pero sa akin, wala…Nagkita kami sa Rome, ang layo-layo niya, tumatakbo siya sa akin, ‘Mama Mel, Mama Mel.’ Lumapit pa siya.”

So, wala pala silang alitan all along?

“Kung minsan nga, ‘yan ang sinasabi ko sa inyo, 'yung mga negative. Ako mismo, nagugulat. Katulad no’ng kay Mike, e, saan ba galing ‘yon? Wala naman.”

Samantala, tuwing Sabado ng gabi ay may umaatikabong dramatic episodes na ihahandog ang #MPK to mark their 20th year. In fact, may episodes na nga raw silang naka-line up until March next year.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.