Melai Cantiveros at ang k’wento ng napirata nilang bangka sa GenSan

PHOTOS:  Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube & @mrandmrsfrancisco on Instagram

PHOTOS: Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube & @mrandmrsfrancisco on Instagram

Napa-throwback si comedienne-TV host Melai Cantiveros sa struggles na pinagdaan ng kanyang pamilya sa General Santos City (GenSan), South Cotabato bago siya naging artista.

Natanong kasi ang Magandang Buhay co-host tungkol sa naging buhay n’ya noon nang mag-guest s’ya sa vlog ni Toni Gonzaga na in-upload kahapon, March 7, sa YouTube.

Sa video ay naikuwento ni Melai na talagang may kaya ang kanyang pamilya sa lugar nila noon. 

May pagkamayaman talaga kami, Ate Tons,” panimula ng Kapamilya star. “Kasi talagang mayaman ka sa GenSan kapag may bangka ka. Hindi ‘yong bangka na maliit ha. ‘Yong bangka na malaki. 

‘Yon talaga ang pinapadala sa laot. Three months ‘yon nandoon para kukuha ng tuna, ‘yong tuna na pinapadala sa Japan [at iba pang mga bansa].”

(Sagana kasi sa tuna ang dagat sa hometown n’ya kaya nga tinagurian ang GenSan bilang “Tuna Capital of the Philippines.”)

“So, may pagka-mayaman kami,” natatawang salaysay pa ni Melai. “Sosyal pa ako dati. Pero baby pa ako nu’n. Mayaman talaga kami. Every week kaming nasa mall. Sosyal na sosyal. Hahaha! At may sasakyan kami dati.

However, nagsimula daw magbago ang lahat nang mapadpad sa Indonesia ang kanilang bangka. 

Kasi nga, ito ngang bangka namin… Makaka-relate ang mga taga-GenSan at lahat ng mga nangingisda. Dapat may boundary lang ‘yong pangisdaan doon sa GenSan. [Ang nangyari] lumagpas [ang bangka namin] sa boundary ng Indonesia. Totoo ‘yon,” lahad n’ya. 

Pag lagpas… Konting boundary lang kasi doon pumunta ang tuna… Pinirata agad ng mga taga-Indonesia [ang bangka namin],” pagpapatuloy n’ya. “Hinuli agad sila [ang mga tauhan ng tatay n‘ya] at dinala agad sa Indonesia.”

Na-stress daw nang husto ang tatay n’ya sa nangyari. 

Ang tatay ko ang head. Nandito s’ya GenSan noon. Hinuli ang mga tauhan n ‘ya, mga sampu ‘yon. Pagdating doon sinira ang bangka namin,” kwento pa ni Melai. 

‘Di ba, nakakatawa pero ang papa ko na-stress nu’ng time na ‘yon. Sinira ‘yong bangkang pinaghirapan n’ya. Half million ang binayad n’ya du’n, e, in-invest n’ya.

Ikinulong din daw sa Indonesia ang mga tauhan ng tatay at sila ang naging takbuhan ng mga pamilya ng mga ‘yon. 

Pagkasira sa bangka, ang mga tauhan [ay] kinulong. Sa ngayon ang nangyari dito, ang pamilya [nu’ng mga tauhan] pumunta lahat sa bahay namin,” pagre-recall pa n’ya. 

Hinaing daw sa kanila ng mga pamilya noon, “‘Maawa kayo sa amin. Wala kaming bigas. Ang asawa namin [nakulong]. Nawalan kayo ng bangka pero kami nawalan ng mahal sa buhay.’

Mga two years pa bago nakauwi [sa kani-kanilang pamilya] ang mga tauhan. Sa two years [na ‘yon], si mama at si papa ang nagpakain doon sa mga pamilya. 

’Yon talaga ang pinaka bagsak sa amin. After nu’n, from hotdog naging daing na lang [ang ulam namin],” natatawang k’wento pa ni Melai. 

Dahil sa nangyari, natutuhan daw ni Melai na maghugas ng plato. Natuto din daw silang makikain sa mga handaan para makatipid sa gastusin.  

‘Yong buhay namin sobrang challenging, Ate Tons,” pag-amin pa ng 32-year-old celebrity mom. “Doon na kami natuto maghugas ng plato… Tapos [pupunta kami sa mga birthday party] para makalibre kami ng dinner. Tapos sa birthday, kami din ang pinapahugas ng plato. Sa bahay ako ang tagahugas. Sa birthday [party] ako din ang tagahugas.

“‘Yong time na ‘yon kung kasagsagan na kasikatan ng noodles na talagang babasahin mo pa ‘yong [cooking instruction] sa likod. ‘Pa’no ito lulutin? A, three minutes papakuluan.’ ‘Di ba, ganu’n? Ngayon parang wala na lang ‘yong noodles sa atin, e… 

Pag makabili ka ng noodles [noon] mayaman ka na. Ang hirap naming makabili ng noodles noon.

Hirap din daw sila noon na makabili ng bigas na pansaing.  

Tsaka ‘yong bigas namin isang kilo lang [ang binibili],” pagbabalik-tanaw pa ni Melai. “Kunwari, lunch, [uutusan kami na], ‘O, bumili ka ng isang kilo doon sa tindahan.’ Walang grocery-grocery. ‘[Bili ka ng] piso na mantika.’ Ganu’n lang.

Nawalan na din daw kasi ng gana ang tatay n’ya na maghanap-buhay dahil sa nangyari sa bangka nito. 

Talagang nag-struggle nga kasi si papa,” aniya. “Talagang nagmukmok na s’ya. Nagmukmok na si papa. Parang na-stress na s’ya. Ayaw na n’yang mag-work.

Inakala pa daw nila na magpakamatay ang kanilang ama that time because of depression. 

Na-stress na s’ya. Nu’ng time na ‘yon akala namin gusto na n’ya [magpakamatay]. Pero hindi n’ya nagawa,” sey ni Melai. 

Malaki din kasi talaga ang in-invest ng tatay n’ya para magkaroon ng sariling bangka noong binata pa ito. 

Kasi nine years silang magdyowa ni mama… Hindi talaga n’ya pinakasalan [si mama] sa nine years nilang magdyowa para lang ipunin [ang kinikita] para sa bangka. Para bago n’ya pakasalan si mama may bangka na s’yang ipakita sa parents,” lahad ni Momshie Melai. 

Pag pakita [ng bangka sa parents], ilang years [lang] nakuha naman sa Indonesia. Wala ng [pangkabuhayan],” dagdag pa n’ya. 

Si mama naman kailangan n’yang habulin ang mga [p’wedeng pagkakitaan] kasi kailangan naming mag-school. Talagang si mama na ang breadwinner nu’n.

Dahil nga sa hirap ng buhay, naging mahigpit daw ang parents ni Melai sa naging pagpapalaki ng mga ito sa kanilang magkakapatid. 

Sa nangyaring ‘yon, lumalaki daw silang simple, hindi materialistic at hindi naiinggit sa iba. Thankful din daw s’ya na simpleng tao lang din ang kanyang napangasawa na si Jason Francisco.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Melai Cantiveros posts the funniest wedding anniversary message for husband Jason Francisco

Melai Cantiveros defends PBB housemate’s mother after receiving online backlash

Melai Cantiveros defends PBB housemate’s mother after receiving online backlash

Pika's Pick: Momshies Karla Estrada and Jolina Magdangal tribute their “happy pill” Melai Cantiveros on her birthday; both thank her for her “genuine friendship.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.