Mensahe ni Rachel Alejandro sa mga nagdadalawang-isip magpa-COVID-19 vaccine: “‘Wag ka magpa-vaccine, fine. [Pero] ‘wag kang lumabas.”

PHOTOS: @racheljalejandro on Instagram

PHOTOS: @racheljalejandro on Instagram

Nagbahagi ng kanyang opinyon ang singer-actress na si Rachel Alejandro tungkol sa COVID-19 vaccine lalo na doon sa mga nagdadalawang-isip magpaturok nito.

Last March 12, during the virtual media launch of her newest single “Takipsilim” ay natanong ang 47-year-old singer actress tungkol sa vaccine na naging staple topic na sa mga discourse at debate online. 

Naik’wento kasi ni Rachel na dumanas s’ya ng depression nang magka-lockdown sa New York, USA kung saan sila naka-base ng mister n’yang si Carlos Santamaria. 

“Honestly, I didn’t see myself leaving the house. I was very, very depressed,” pagtatapat ni Rachel sa press. “Every day, parang sino-soak ko ng luha ko ‘yong T-shirt ng asawa ko sa kakaiyak ko. Because I couldn’t see a way out. I couldn’t see where this was going, as a performer, obviously. It’s tough for me.”

Mabilis kasi ang pagtaas ng bilang ng infected sa New York na pumalo na sa magigit 30 thousand bago matapos ang March 2020.

Ang New York kasi ang, I guess, pinakamahaba talaga ang naging period ng lockdown, as they say,” lahad pa ni Rachel. “Although, iba-iba, e. It’s not exactly the same as in the Philippines, of course. 

Hindi naman pinagbawalan lumabas ang mga seniors or kids dito kasi, as you know, a lot of New Yorkers live alone. There’s really no way for them to na sabihin mo ang senior hindi muna p’wedeng lumabas, e pa’no na s’ya, ‘di ba?

Iba ‘yong rules dito, and at the same time, it was really, really nakakatakot in the beginning. It was really scary because, you didn’t know how…”

Natakot din daw ang aktres para sa kalusugan ng kanyang asawa. 

Ako kasi, malakas ako. I’m very healthy. I’m kind of a person na hindi ako nilalagnat, hindi ako nagkakasakit,” sey pa n’ya. “Pero s’yempre, ‘yong asawa ko he’s a normal human being. Ang fear ko talaga nu’n, ‘Anong gagawin ko kung magkasakit s’ya. Will I call an ambulance? Paano s’ya makakarating sa ospital? ‘Yong mga ganu’ng issue.”

Kahit natatakot ay pinilit din daw n’yang makauwi sa Pilipinas bago matapos ang 2020 para makita ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang lola. 

Nu’ng una natakot akong bumalik sa Pilipinas kasi, ‘Oh my gosh! What would being on a plane be like?’ Pero after that, after a while, medyo lumalakas na ‘yong loob natin. And ako talaga, tinapangan ko na lang because nga my lola,” k’wento n’ya.

Masaya naman daw ang naging Christmas vacation n’ya dito sa Pilipinas kung saan nakapag-record nga s’ya ng bago n’yang single na nakuha nila sa song writing contest na binuo ng pinsang n’yang si Nino Alejandro. 

Natanong din si Rachel sa kanyang thoughts regarding vaccines na laging laman ng online debate dito sa Pilipinas. 

“For me, the model on this would be Israel,” pahayag ng OPM artist. “I think, because very patriotic ang mga tao [doon]. And because, I’m not entirely sure kung binigyan sila ng choice, e. I think, it’s more na parang, ‘Hoy! Sama-sama tayo dito. We have to end this together. Walang mga aarte-arte d’yan.’ ‘Yong ganu’n.

Sa dami daw ng mga namatay, bumagsak na mga negosyo at mga nawalan ng kabuhayan, dapat daw ay magtulong-tulong na ang lahat para wakasan ang pandemya. 

 “So I think, it is our duty to do whatever we can to ask the human race to end the pandemic,” pagpapatuloy n’ya. 

“And this is what the scientists have told us. Kumbaga, medyo trustworthy naman ‘yong mga experts na ‘to na sinasabi naman nila na although it seems like parang minadali pero sabi nila they did not cut any corners when it comes to developing these vaccines.”

May mensahe din s’ya sa nga nagdadalawang-isip pa rin sa ngayon kung magpapabakuna ba o hindi. 

“And so, ang feeling ko, for someone who says na parang, ‘Ay, magwi-wait na lang ako. Tingnan ko na lang muna kung ano.” While you are perfectly in your rights to do it, ang ano ko lang is kung ayaw mo pagpabakuna [pero] may opportunity ka nang magpabakuna, ‘wag ka na lang lumabas ng bahay,” pakiusap ni Rachel. 

Hindi naman daw n’ya isinasantabi ang karapatan ng mga tao na magdesisyon para sa kanilang sarili pero sana daw ay isipin din ng mga ito ang kapakanan ng iba. 

Kasi ang sa akin, ang individual rights ng tao, should be your individual right pero as long as hindi ka nakakaapekto o nakakasama sa iba,” paliwanang n’ya. 

Kasi may rights ka pero kailangan ‘wag kang mag-harm ng ibang tao,” dagdag n’ya. “So ‘yon lang ‘yong ano… I know that [statement] may be controversial because people will say, ‘Hoy! Katawan ko ‘to. Dapat ako lang ang may ano…’ Fine! Wala namang problema, e. ‘Wag ka magpa-vaccine, fine. [Pero] ‘wag kang lumabas.

Panawagan pa n’ya sa publiko, “Sa akin kasi, go and get the vaccine when you can, as long as you can, when it becomes available to you. 

“Here in the US medyo slow-going pa rin pero kahit papano medyo bumibilis na. The new administration naman is doing, I think, fairly decent job. Sabi nila promise daw, lahat daw ng adults will have access to the vaccine by May, by the end of May. 

“So [we’re] keeping our fingers crossed. I know sa Philippines, dumating na rin ‘yong ilang vaccines. So ang sa akin lang, go, go, go, guys!” pagtatapos ni Rachel. 

Anyway, Rachel’s newest single “Takipsilim” under Rebel Records Philippines is now available in Spotify and Apple Music.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Denise Laurel calls on the public to stay at home as COVID-19 cases rise

Bianca Lapus, humihingi ng dasal para malagpasan ang Covid-19 at pneumonia

Jao Mapa, isinalba daw ng mga paintings niya ang kanyang pamilya noong nagka-COVID-19 lockdown

Pasig City Mayor Vico Sotto is in quarantine after driver passes away due to COVID-19

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaVibe

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.