Meryll Soriano, payag nang mag-artista ang gwapong anak na si Eli

Photos: Instagram

Photos: Instagram

Kahit nali-link si Meryll Soriano sa newly-singly Culion co-star niyang si Joem Bascon, iginigiit nitong single siya ngayon at masaya sa kanyang anak, pamilya, at career.

And speaking of anak, magte-trese anyos na ang poging binatilyo ni Meryll na si Elija or Eli, anak niya sa ex-partner na si Bernard Palanca.

Kahit pinayagan niya noon na mag-commecial ang bagets ay never pang nakapag-try sa mainstream showbiz ang kanyang unico hijo.

But this time around, tila mas open na si Meryll na mag-artista ang anak. In fact, kung ang ibang celebrity parents ay “after college” ang kundisyon, mas lenient pa pala si Meryll dahil “after high school” lang ang tinitakda niyang ultimatum.

“Oo, papayagan ko naman,” nakangiting say ng flattered na nanay. “Basta ang akin lang, nag-usap na kami ng anak ko, after high school...para kahit anong manggyari, he can go to college anytime na wala siyang ininitinding kailangan niyang mag-Tesda-Tesda...at least manlang tapusin n’ya ’yon dahil luckily, para meron naman siyang slot sa industriyang ito because, diba, sa family namin we’re very lucky.”

Ang tinutukoy ni Meryll ay ang artistic lineage ng pamilya niya na, of course, ay namana ni Eli. Lola ni Eli si Bec-bec Soriano na kapatid ni Diamond Star Maricel Soriano, habang lolo naman niya ang successful TV host-comic na si Willie Revillame. Even sa side ng tatay ni Eli na si Bernard Palanca ay purong celebrity blood ang nananalaytay dahil bale grandprents niya ang pamosong Revilla clan, whose members include Tina, Maritess, Johnny Revilla.

Samantala, kahit full swing ang pag-aarrista ni Meryll ay hindi pa rin pala niya tinatalikuran ang isa sa first love niya, ang product design. Matatandaang nag-aral siya ng tatlong taon sa London ng design course pero hindi niya ito natapos. However, meron daw siyang ngayong isang design firm, called Do Good Studio, kung saan naging kliyente na niya si Quezon City mayor Joy Belmonte na tila nagpa-design ng QC guide book.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.