Mga cryptic posts ni Kylie Padilla, patama ba sa asawang si Aljur Abrenica?

PHOTOS: @ajabrenica & @kylienicolepadilla on Instagram

PHOTOS: @ajabrenica & @kylienicolepadilla on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang hinalang hiwalay na ang celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Nagsimula ang hinala ng mga fans sa sunod-sunod na cryptic messages sa Instagram Stories ni Kylie. 

Tila may pinatatamaan kasi s’ya sa mga IG story posts kahapon, February 22, gaya ng inilagay n’yang text na “I'm submissive, not stupid.” 

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram 

Isa pa sa ipinost n’ya sa kanyang IG story ang mga katagang “More self-love, babygirl.” na tila para naman sa kanyang sarili. 

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram 

Nag-post din ang aktres ng photo sa kanyang IG feed ng kanyang kaliwang kamay kung saan kapansin-pansing hindi n’ya suot ang kanyang wedding ring. 

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram 

Sa isa naman n’yang photo post ay makikitang nakasuot s’ya ng red dress at naglagay s’ya ng caption na “Free.” 

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram 

Kapwa burado na ang mga posts na ito sa IG account ng Kapuso actress.

Ngayong araw naman, February 23, ay muling nag-post ng cryptic message sa kanyang IG Story si Kylie kung saan ini-repost n’ya ang isang photo na may text na: “Yeah sex is nice but when you haven't been held in months, sex isn't what you miss the most."

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram 

Ito naman ang laman ng isa pa n’yang IG Story post: “The capacity to be alone is the capacity to love. It may look paradoxical to you, but it's not. It is an existential truth: only those people who are capable of being alone are capable of love, of sharing, of going into the deepest core of another person, without possessing the other, without becoming dependent on the other, without reducing the other to a thing, and without becoming addicted to the other. They allow the other absolute freedom, because they know that if the other leaves, they will be as happy as they are now. Their happiness can't be taken by the other, because it is not given by the other.—Osho." 

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram 

Isa pa rin sa nagpapatibay sa hinala ng Netizens na hiwalay na ang dalawa ay ang mga laman mismo ng IG account ni Kylie. Kapansin-pansin kasi na burado na ang mga larawan ng aktor doon.

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram 

Meanwhile, sa account ng aktor na si Aljur ay wala namang kakaiba maliban sa photo ng rosary na ipinost n’ya noong February 17. 

“Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you, @vinabrenica, for lending and guiding me,” sey ng aktor sa kanyang inilagay na caption. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Sa ngayon, wala pang pahayag ang sinuman sa kanila kung may katotohanan ba o wala ang balitang nag-hiwaay na sila. 

Matatandaan na na-engage sina Aljur at Kylie noong 2017 at nagpakasal naman noong December 11, 2018. Biniyayaan din sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin and Axl Romeo.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Kylie Padilla teases husband Aljur Abrenica about taking a pause in second wedding anniversary post

Pika's Pick: Aljur Abrenica and Kylie Padilla’s Baby Alas turns 3!

LOOK: Kylie Padilla enchants in her second maternity shoot!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.