Michael V, idinaan sa tula ang pagtanggap sa resulta ng halalan kahit umano “pink ang dugo” niya

Sa laki ng lamang ni Bongbong Marcos, tila tinanggap na ni Michael V. na ito ang susunod na pangulo ng bansa na s’yang naging laman ng ginawa n’yang tula.  Ang tula, na iponost niya sa kanyang social media ay may kalakip na larawan ng tila isang abstract painting na predominantly red ang kulay na may hint at streaks of pink sa bandang ibaba. Like any abstract art, it’s subject to interpretation. At tanging si Bitoy lang ang may alam ng tunay na kahulugan nito. “But as for the poem itself, naglalaman ito ng pagtanggap niya sa naging resulta ng eleksyon, kahit hindi man ito ang naging pasya niya bilang indibidwal.”

PHOTO: @michaelbitoy on Instagram

Sa laki ng lamang ni Bongbong Marcos, tila tinanggap na ni Michael V. na ito ang susunod na pangulo ng bansa na s’yang naging laman ng ginawa n’yang tula. Ang tula, na iponost niya sa kanyang social media ay may kalakip na larawan ng tila isang abstract painting na predominantly red ang kulay na may hint at streaks of pink sa bandang ibaba. Like any abstract art, it’s subject to interpretation. At tanging si Bitoy lang ang may alam ng tunay na kahulugan nito. “But as for the poem itself, naglalaman ito ng pagtanggap niya sa naging resulta ng eleksyon, kahit hindi man ito ang naging pasya niya bilang indibidwal.”

Umiral ang pagiging creative ng Comedy Genius na si Michael V dahil sa malikhaing tula n’ya idinaan  ang pagtanggap n’ya sa resulta ng katatapos na eleksyon.

Bagama’t hindi pa tapos ang bilangan, lumalabas sa partial and unofficial result na inibas ng COMELEC na nangunguna ang presidential candidate na si Bongbong Marcos na may 31.1 million votes.

Sinusundan ito ng sinuportahan n’yang kandidato na si Vice President Leni Robredo na sa ngayon ay nakapagtala ng 14.8 million votes.

Sa laki ng lamang ni Marcos, tila tinanggap na ni Bitoy na ito ang susunod na pangulo ng bansa na s’yang naging laman ng ginawa n’yang tula. 

Ang tula, na iponost niya sa kanyang social media ay may kalakip na larawan ng tila isang abstract painting na predominantly red ang kulay na may hint at streaks of pink sa bandang ibaba. Like any abstract art, it’s subject to interpretation. At tanging si Bitoy lang ang may alam ng tunay na kahulugan nito.

But as for the poem itself, naglalaman ito ng pagtanggap niya sa naging resulta ng eleksyon, kahit hindi man ito ang naging pasya niya bilang indibidwal.

Narito ang kabuuan ng post-election related poem na isinulat n’ya:

“Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.
Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.
Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono
Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na ‘ko.

“Hindi politiko kundi hamak na artista.
Larawan at tula; ‘yan lang ang hawak kong sandata.
Wala akong ambisyon na mamulitika.
Baka manalo lang ako, hala, naloko na!

“‘Comedy at entertainment’ hanggang do’n lang ang ambisyon.
Hindi ‘puwesto sa gobyerno’ kundi ‘time slot sa telebisyon.’
Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon
At wala ’kong dahilan na baguhin ’yon ngayon.

“Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo.
Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:
Isang mata sa bayan at isang mata sa‘yo.
Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ’binoto.

“Sige na, move on na. ‘Wag nang maghanap ng butas. 
Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin ’yan bukas.
Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas,
Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas.”

 

Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito. Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO. Lahat kayo na bumoto at...

Posted by Michael V. on Thursday, May 12, 2022

Umani naman ng papuri at respeto ang Kapuso comedian mula sa mga fans n'ya, BBM supporters at mga Kakampink sa pagpapakita n'ya ng humility at pagiging sport. 

Hindi naging vocal sa sinusuportahan n’yang kandidato si Bitoy during the campaign period pero nagbigay s’ya ng clue sa social media noong araw ng eleksyon mismo, May 9.

“Wag kalimutang bumoto at irespeto ang desisyon ng kapwa Pilipino. Best of luck to our next president… whoever she may be,” saad n’ya sa kanyang post kalakip ang photo n’ya kung saan ipinapakita n’ya ang daliri n’yang may indelible ink, indikasyon na s’ya ay nakaboto na. 

 

 

 

YOU M AY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Michael V laments the passing of his family’s parakeet, Pepper, whom he says gave them so much joy during the pandemic

Payo ni Michael V. sa showbiz newbie’ng anak na si Brianna: “Be prepared with a lot of criticisms.”

Why Michael V. rarely does parodies today

Michael V. defends live-action remake of Voltes V: Legacy from bashers

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.