Michael V, idinetalye ang pinagdaraanan bago at matapos s’yang mag-positibo sa COVID-19; at dahil naka-isolate, miss na miss na daw ang pamilya

SCREENSHOT: Michael V. #BitoyStory on YouTube

SCREENSHOT: Michael V. #BitoyStory on YouTube

Ibinahagi ni multi-hyphenate award-winning Kapuso celebrity na si Michael V.—o kilala rin sa nickname n’yang Bitoy—ang kanyang karanasan bago at matapos siyang mag-positibo sa COVID-19 sa kanyang YouTube channel ngayong araw.

Agad na nag-trending earlier today sa Twitter si Bitoy matapos i-anunsyo ng iba’t ibang digital platforms ng GMA-7 ang pagpo-positibo niya sa nasabing sakit.

Sa kanyang latest vlog entry—ang #BitoyStory 29: “POSITIVE”—na ini-upload ngayong araw, July 20, sa kanyang YouTube channel, isinalaysay ni Bitoy ang one-week worth ng karanasan niya sa COVID-19, mula sa pagkakaramdam ng sintomas, hanggang sa pagkaka-diskubre na siya nga ay positibo sa sakit. 

Aniya, nagsimula s’yang makaramdam ng sintomas ng sakit noong July 11 habang nagsu-shoot ng isang vlog content. At ipinakita nga ni Bitoy ang mga outakes ng iba’t ibang araw niya ng pagba-vlog kung saan makikitang inuubo na siya at nangangati ang lalamunan.

Noong huli akong mag-vlog, that was Saturday I guess, or Sunday, napansin n’yo na siguro na nag-iiba ang boses ko,” pahayag ng actor-comedian sa isang part ng vlog that was stamped as recorded on July 14 (Day 4). “I was experiencing flu-like symptoms.”

Dahil sa mga nararamdaman, nag-self quarantine na daw agad si Bitoy at binatayan ang kanyang body temperature. Dito na rin daw niya na-realize na nawalan s’ya ng pang-amoy.

S'yempre nag-isolate na kaagad ako,” patuloy na salaysay ng Kapuso star na obvious na ngang iba ang boses. “Nag-quarantine na kaagad ako. I take medicine. Napa-check up ako sa doctor online. I got better the following day, Monday. Hindi naman tumaas nang husto ang temperature ko. I mean, the highest was 37.1 [degrees celcius] as of [July 14] pero merong flu-like symptoms talaga and few hours ago parang merong weird sensation dito sa may nasal area ko.” 

Pagpapatuloy n’ya: “Isa sa mga symptoms daw ng COVID-19 is ’yong lost of smell and taste. I was afraid that it could be something like that kaya trinay ko. Apparantly, ang weird because wala akong ma-amoy ngayon. Kumuha ako ng strong perfume na normally ginagamit ko, alcohol, eucalyptus, food. Medyo weird [dahil] wala ako masyadong maamoy.

Dahil dito napagpasyahan niyang magpa-test na para makasiguro sa kanyang kalusugan. 

“Tomorrow [July 15], I'll be doing swab test para lang makasiguro,” pagbabahagi pa rin ni Bitoy sa kanyang vlog. “'Yong livestream natin medyo maka-cancel muna. Sayang kasi I was really looking forward to play ‘The Last of Us Part 2’ [online game] with you, guys. Medyo iho-hold muna natin ’yon. 'Yong Mondays na vlog, I'll see what I can do. Hindi ko pa maa-asure na magkakaroon ako ng regular content for the next couple of weeks siguro. I don't know. Titingnan ko.

Sey pa n’ya, ang pagpapa-test daw ang pinaka-mainam gawin para makatiyak sa kanyang kondisyon.  

Parang sobrang hirap din nang sobrang positive sa buhay e, ’no? Baka mamaya...Hahaha,” biro pa niya.

Nakatakda pa diumano s’yang s’yang mag-set up at mag-shoot ng isang commercial para sa isang dish-washing soap brand sa studio n’ya mismo pero ipinagpaliban n’ya ito.

“It was the first time sana na full-blown commercial shoot but I don't think it’s meant to be at the moment,” share pa ng Pepito Manaloto lead actor. 

Humingi rin ng dasal ang Kapuso comedian and creative genius dahil pina-practice naman daw ng kanilang pamilya ang lahat ng precautionary measures para makaiwas sa sakit pero nagkaroon pa rin siya. 

“I'm praying for the best and I hope you all pray for me,” Michael V said. “Sana nga wala. Sana nga ito, e, ‘one of those’ lang.

“I just wanted to add na for the past few months na talagang nagsimula itong pandemic, we’ve been very strict with safety. ’Yong social distancing pina-practice namin ’yan, [we wear] ’yong PPEs every time we go out and interact with other people. Very very minimal ’yong times na lumabas kami...”

At mula sa pagiging mahinahon ay naging emosyonal si Bitoy sa puntong ito ng kanyang vlog.  

“I’m still at a lost for what to expect. Honestly, I am worried not just for myself but pati sa pamilya ko. With your prayers and God’s help, I think we can go through this. Things are gonna be okay,” pagbabahagi ni Bitoy habang naluluha. 

“My wife is coming with me and she’ll have herself tested din,” pahabol ni Bitoy habang nire-regain ang composure. “And most of the time naman naka-isolate din s’ya from my kids. Nakakainis lang isipin na ang lapit-lapit lang nila, nasa kabilang k’warto lang, yet hindi ko sila mayakap. Hindi ko sila mahalikan.

“I feel bad,” sabi n'ya habang muling naiiyak. “But hopefully we'll get through this. Hopefully, everything will be okay. We’ll see, we’ll see. I’ll appreciate your prayers.”

Bago magtungo sa hospital on Day 5 (July 15) para magpa-test ay nabigay muna ng update si Bitoy sa mga BSS niya (ang tawag sa kanyang mga fans at YouTube subscribers).

“Day 5 ngayon. Nag-check ako ng temperature. It's below 37 and andu’n pa rin ’yong flu-like symptoms. May slight body pains pero very very slight, e. Hindi naman talaga nakaka-apekto sa galaw ko at sa pakiramdam ko. Pero ang pinaka-bad trip talaga is ’yong nawala ’yong pang-amoy ko.”

At nakuha pa n’yang magbiro sa kanyang mga tagapanood.
 
“’Tsaka nakaka-praning kasi, feeling ko, dahil nandito s’ya sa nasal area, kung may virus d’yan, parang ang lapit sa utak...So mahirap. Sabi pa naman nu’ng iba masustansya ’yong utak ko at mataba ’yong utak ko. Baka pag-fiesta-han nu’ng mga virus.”

Hinikayat din ng Bubble Gang veteran ang mga manonood na huwag ipagsawalang bahala kung may nararamdaman silang sintomas ng COVID-19. Ni-remind n’ya rin ang pagsusuot ng facemask, pag-o-observe ng social distancing at kung wala namang mahalagang lakad sa labas ay mag-stay na lang sa loob ng bahay. 

Mahigit limang oras din ang itinagal nang buong proceso ng pagpapa-swab test—na ipinakita rin niya ng buo sa kanyang vlog—at gumastos ang Kapuso comedian ng mahigit P12,000.

Sumailalim s'ya sa Nasopharyngeal and Oropharyngeal swab test o ’yong swab test sa ilong at lalamunan.

Kinabukasan, July 16, ibinahagi naman ni Bitoy in the same July 20 vlog entry ang ang kanyang quarantine set-up sa bahay, which he tagged as Day 6.

Dahil may bukod naman akong studio, I make sure na dito na lang ako. Si misis, nadoon sa kabilang unit s’ya. Totally away from me. Totally unclose. Minabuti ko rin, sabi kasi ng doctors, na magbukas ng windows para maka-flow ’yong hangin. Kahit naka aircon ka gawin mo paring ganito, nakabukas para ’yong hangin tuloy-tuloy. Hindi s’ya magiging stale dito sa loob.

Nag-iwan din si Bitoy ng maliit na table malapit sa pinto ng kanyang studio. Doon na daw inilalagay ang lahat ng deliveries para sa kanya at maging ang kanyang pagkain. Speaking of pagkain, sa iisang food container na lang din s’ya kumakain at ito ’yong lagi n’ya umanong ginagamit din noon tuwing magbabaon s’ya ng pagkain sa set ng Bubble Gang o Pepito Manaloto.  

Ginawa daw nila ang ganu’ng set up para mabawasan ang contact. Maging s’ya daw kasi hindi na hinahawakan pa ang doorknob. 

While eating, ’di mapiglan ni Bitoy na mag-komento dahil hindi n’ya raw nalasahan ang pagkain. 

Napansin ko lang talaga na parang nawala na talaga ’yong panlasa ko,” pagbabahagi pa rin ng actor-director. “Hindi ko na malasahan 'tong soup. Mukhang masarap pa naman. Hindi ko na halos malasahan. Parang wala na akong flavor na natitikman

“Feeling ko at this stage, 'yong nawawala 'yong panlasa nu’ng mga mga infected ng virus, feeling ko dito nila nararamdaman 'yong kawalan ng gana kasi kung tutuusin, parang hindi kumpleto ’yong ginagawa mo. 

Alam mong masarap ’yong pagkain—mukhang masarap. Pero hindi mo maamoy at saka hindi mo malasahan. And yet kailangan mong kumain para may maipasok kang sustansya sa katawan mo. Para malabanan mo 'yong virus. Again, sige lang. Kain lang.

Kinagabihan ng Day 6, naging senti na naman ang 50-year-old singer-comedian dahil sa pagkasabik n’ya sa kanyang pamilya. 

Katatapos ko lang kausapin ang panganay ko si Milo,” share ni Bitoy. “S’ya ’yong lagi n’yong nakikita dito sa loob kasama ko nagse-set up dito sa studio. And mahirap pala, ’no? Lumipas na naman ang araw na hindi mo sila nayayakap. Hindi mo sila nahalikan. Hindi mo na sila nakita."

Salamat na nga lang daw dahil sa panahon ngayon p’wede na niyang makausap ang mga mahal sa buhay kahit sa cellphone lang. 

Mabuti na lang may Facetime, ganyan,” malungkot na paliwanag ni Bitoy. “Mabuti na lang may Messenger. Pero ’yong at the end of the day, ma-realize mo na lumipas na naman ang isang araw na mag-isa ka. But then again, you look at it at a different perspective. Alam mong tomorrow is another day. And malay mo bukas tapos na ’to.

Gabi ng July 18 (Day 8) nang matanggap ni Bitoy ang resulta ng kanyang test via email na agad naman n’yang itinawag sa hospital para ma-confirm. 

Nakalagay sa result is SARZ-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA Detected,” pag-uulit ni Bitoy sa sinasabi ng kausap n’ya sa kabilang linya. 

“So it's positive,” paghingi niya ng kumpirmasyon sa kausap.

“Right now fever na lang. ’Yong lost of smell parang nare-regain ko na s’ya.”

Matapos ang tawag ay muling humarap si Bitoy sa kamera. 

“Positive,” pormal na pagre-reveal n’ya. “Just as we suspected early on. Alam kong hindi normal ’yong nawala ’yong pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman talaga ’yon sa COVID. 

“Pero I was also praying na sana wala. Sana allergy lang or something. Turns out...yeah. Itutuloy lang natin ’yong mga sinabi sa atin na mga kailangang gawin. And we'll get through this," may kompyansang pahayag ng Kapuso star.  

“I mean, we’ve been through worse. Sobrang nami-miss ko lang ’yong pamilya ko,” dagdag pa ni Bitoy na talaga namang hands-on family man.

“I love you, BSS. Thank you for your support. I'll see you on the next Bitoy Story,” pagtatapos ni Michael V.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.