Michael V sa hamong i-impersonate ang dating ka-Bubble Gang na si Ogie Alcasid: “Try ko.”

Gustuhin man daw nilang mag-celebrate ng kanilang silver anniversary ng big time, nalimitahan daw ng current situation ang kanilang mga plano. Ito ay ayon sa program manager ng Bubble Gang na si Cecille de Guzman. “Mas simple ito sa scope at konsepto… Marami kaming plinano. We’ve been planning for our 25th anniversary since 2019 tapos naiba nang naiba as we adjust to our situation now.”

PHOTOS: @BitoyStory & @OgieAlcasidOfficial on Facebook

Gustuhin man daw nilang mag-celebrate ng kanilang silver anniversary ng big time, nalimitahan daw ng current situation ang kanilang mga plano. Ito ay ayon sa program manager ng Bubble Gang na si Cecille de Guzman. “Mas simple ito sa scope at konsepto… Marami kaming plinano. We’ve been planning for our 25th anniversary since 2019 tapos naiba nang naiba as we adjust to our situation now.”

Sinubukan daw ng mga bumubuo ng gag show na Bubble Gang na pagsama-samahin ang mga dati at current cast ng programa para sa kanilang 25th year anniversary gaya ng ginagawa nila before pero nahirapan daw sila this time dahil nga sa pandemic.

Ito ang inamin ni Michael V na isa sa mga pioneers ng show during the virtual media conference ng programa kamakailan. 

Nagtanong kasi ang press kung may ganito ba silang paandar dahil silver anniversary ang sini-celebrate ng multi-awarded Kapuso program. Kung meron man, paano ang naging proseso lalo pa’t ang iba sa mga dating cast ay nasa ibang TV station na. 

“There was an attempt, ano? Talagang hindi mo maisasantabi na… Sinubukan naman namin. We did our best,” sagot ni Bitoy.

“Pero along the way, ito nagkaroon na naman ng bagong [COVID] variant, nagkaroon na naman ng dahilan para hindi magawa ’yong mga nai-envision namin.

Paliwanag pa n’ya, “So, at this point we just had to do what we have right now. We had to make the most out of the situation. This is the best that we can come up with, celebrating not just the anniversary but the people who, along the way, brought us here.”

At dahil ayaw magbigay ng pangalan kung sino-sino ba ang former cast na makiki-celebrate sa kanila, nahamon tuloy si Bitoy na i-impersonate na lang ang dati n’yang ka-tandem sa show na si Ogie Alcasid who is now a Kapamilya star. 

Agad namang kumasa ang Kapuso comedy genius at ginaya ang facial expression ng kanyang kumpareng si Ogie, sabay sabing, “Ah… Try ko, ’no?

Natawa tuloy ang mga attendees ng virtual media conference dahil sa ginawa n’ya. 

Pero nang maging serysoso na, sinabi n’yang na-challenge ang team nila kung paano ipagdiriwang ang milestone ng show. 

“Definitely, ang challenge nasa creative [team], e. Kasi how would you celebrate something this big na hindi kayo parang totoong nagse-celebrate? Kasi ang celebration for me is a gathering talaga, e, of the people you love and people who love what you do,” pahayag n’ya. 

Babawi naman daw sila nang bonggang-bongga kapag naging maayos na ang sitwasyon. 

“And as much as gusto naming ganu’n sana ang mangyari, at this point wala talagang magagawa. So, ito lang ’yong best na nagawa namin pero I’m pretty sure babawi pa kami. Pag nakahanap kami ng paraan that would be real celebration talaga,” pagtatapos ni Michael V.

Dagdag naman ng program manager na si Cecille de Guzman na present din sa digital mediacon: “Mas simple ito sa scope at konsepto… Marami kaming plinano. We’ve been planning for our 25th anniversary since 2019 tapos naiba nang naiba as we adjust to our situation now.”

Still, tuloy daw ang pagpapatawa nila sa show na naka-sentro daw sa mga naging bahagi at sa mga sumuporta sa Bubble Gang through the years. 

“It’s all about being together. ’Yong mga sumuporta sa programa for the past 25 years, we want to celebrate, to give back to them. We want to say, ‘Importante kayo at inspirasyon kayo sa programa.’ Kaya ang title ng anniversary, Ka-BUBBLE noon ’GANG ngayon,” she concluded.

Mapapanood na ngayong gabi, November 26, ang anniversary special ng Bubble Gang sa GMA Network.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.