Michael V. sa mga hindi pa maka-move on sa halalan: “‘Quiet’ na lang muna kesa ‘Sugod!’ o ‘Maghiganti! Sa susunod na eleksyon, do’n na lang tayo bumawi.”

Ngayong araw, May 26, patulang nanawagan ang Kapuso comedian sa social media na huminahon na ang mga hindi pa rin nakaka-move on sa kinahinatnan ng katatapos lang na halalan.  Kasunod ito sa pormal na proklamasyon ng kongreso kahapon, May 25, kina Bongbong Marcos at Sara Duterte bilang duly elected president at duly elected vice president ng bansa.  Sa kanyang tula, na tinawag niyang “SAMA ALL,” tila nakikiusap si Bitoy sa mga hindi pa rin maka-get over sa eleksyon noong May 9 na intindihin ang kanyang mga sinasabi at kumalma na. P’wede naman daw kasing bumawi sa mga susunod pang eleksyon.

PHOTOS: GMA Network & @BitoyStory on Facebook

Ngayong araw, May 26, patulang nanawagan ang Kapuso comedian sa social media na huminahon na ang mga hindi pa rin nakaka-move on sa kinahinatnan ng katatapos lang na halalan. Kasunod ito sa pormal na proklamasyon ng kongreso kahapon, May 25, kina Bongbong Marcos at Sara Duterte bilang duly elected president at duly elected vice president ng bansa. Sa kanyang tula, na tinawag niyang “SAMA ALL,” tila nakikiusap si Bitoy sa mga hindi pa rin maka-get over sa eleksyon noong May 9 na intindihin ang kanyang mga sinasabi at kumalma na. P’wede naman daw kasing bumawi sa mga susunod pang eleksyon.

Muling ipinakita ni multi-hyphenate Michael V. ang creativity n’ya sa pagko-compose ng tula na may kinalaman sa pulitika.

Matatandaan na noong May 13 ay idinaan n’ya sa tula ang pagtanggap n’ya sa resulta ng eleksyon at pagkatalo ng sinusuportahan n’yang kandidato sa pagkapangulo.

Ngayong araw, May 26, patulang nanawagan ang Kapuso comedian sa social media na huminahon na ang mga hindi pa rin nakaka-move on sa kinahinatnan ng katatapos lang na halalan. 

Kasunod ito sa pormal na proklamasyon ng kongreso kahapon, May 25, kina Bongbong Marcos at Sara Duterte bilang duly elected president at duly elected vice president ng bansa. 

Sa kanyang tula, na tinawag niyang “SAMA ALL,” tila nakikiusap si Bitoy sa mga hindi pa rin maka-get over sa eleksyon noong May 9 na intindihin ang kanyang mga sinasabi at kumalma na. P’wede naman daw kasing bumawi sa mga susunod pang eleksyon.

May panawagan din s’ya na tigilan na ang pag-aakusa kung sino ba ang nandaya o dinaya sa halalan dahil baka mauwi lang daw ito sa sakitan, or worst, death. 

Hindi rin n’ya pinalagpas na magbigay mensahe sa mga uupong lider ng bansa na maging mahusay sa kanilang mga magiging desisyon dahil buhay ng mga Pilipino ang nakasalalay doon. 

Sa mga natalong politiko, dapat daw matuto sa mga naging karanasan nila sa eleksyon at maging handa kung gusto nilang sumabak pang muli sa pulitika. 

Hiling din n’ya na sana ay huwag ng lagyan ng kulay ng pulitika ang kanyang isinulat dahil naipahayag na n’ya sa nagawa n’yang tula few days ago na buong loob n’yang tinanggap ang resulta ng eleksyon.

Narito ang kabuuan ng politics-related poem na isinulat ni Bitoy:

“Nag-iiba ang salita ‘pag ‘sinahog na sa tula.
Mas lumalalim pa kapag isinadula.
Naka-‘facepalm’ ’yung isa, ‘yung isa nakanganga.
Hindi magkaka-intindihan ang makata at ang tanga.

“Sa mga nagbabasa, basahin ninyo ng maigi;
Sa mga kakampi ko makinig kayong mabuti;
‘Quiet’ na lang muna kesa ‘Sugod!’ o ‘Maghiganti!’
Sa susunod na eleksyon, do’n na lang tayo bumawi.

“‘United we stand, divided we fall.’
Lahat ng talong kandidato, napapa-‘sana all’.
Kung daya man o peke, o may mahiwagang troll
Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?

“Busina rin paminsan-minsan at mag-menor sa salita.
Baka trak na ang kasalubong, mahirap na ‘pag nabangga.
Minsan trak, minsan kamao, minsan talim, minsan tingga…
Kung hindi ka si Wonder Woman, hindi mo ‘yan masasangga!

“Mamâ o aleng jeepney driver, baka p’wedeng hinay-hinay.
‘Pag matindi ang banggaan pati pasahero damay.
Mas gugustuhin kong lahat tayo e buhay.
‘Pag ang driver e mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay.

“Kung tatakbo uli, dapat matuto tayo dito. 
Hindi sapat ang puso; lamang pa rin ang matalino.
Hindi rin uubra ‘yung basta ‘kahit na lang sino’!
Dapat ‘yung may ‘blue check’ at verified ang manok mo.

“Ibang-iba na nga ‘yung noon at ang ngayon.
Hindi sapat ang tapang.
‘Wag basta-basta maghamon.
Hindi talaga kaya sa maikling panahon.
Kung paghahandaan natin, at least, anim na taon.

“Kung pakiramdam mo e ‘IKAW NA’ talaga
Maging kampante ka at ‘wag ka nang mag-alala.
Ganyan naman ang bida sa mga pelikula
Sa simula ng istorya, nagpapatalo muna.

“Maging alisto at matalino. Magmasid bago mag-plano.
Dapat e may hangganan; radikal man ang puso mo.
Kung ayaw mong ma-subâ e ‘di ‘wag kang mag-abono!
‘Wag ka nang magpa-apekto. Hindi wakas ang pagkatalo.

“Simple lang ang sinasabi ko, ‘wag nang lagyan ng kulay;
Ito nama’y ‘kuwan’ lang… hindi naman ako nang-aaway.
‘Wag basta-basta patol, ‘wag nang sayangin ang ‘yong laway.
‘Weather-weather’ lang ‘yan! Ganyan talaga ang buhay.”

 

“SAMA ALL” Nag-iiba ang salita ‘pag ‘sinahog na sa tula. Mas lumalalim pa kapag isinadula. Naka-“facepalm” ‘yung isa,...

Posted by Michael V. on Wednesday, May 25, 2022


Kalakip ng post na ito ni Bitoy ang photo ng kanyang abstract painting, na tila continuation o finished version ng almost blank canvas na nauna niyang ipinost kalakip ang nauna niyang tula. It turned out na painting rendition pala niya ito ng bandila ng Pilipinas. 

 

“MINDSET” Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito. Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO. Lahat kayo na...

Posted by Michael V. on Thursday, May 12, 2022

Dinagsa naman ng papuri mula sa kanyang fans ang tinaguriang Comedy Genius sa muling pagbabahagi n’ya ng kanyang obra maestra sa publiko.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bitoy’s daughter can be the next "hugot" songs princess

Michael V sa hamong i-impersonate ang dating ka-Bubble Gang na si Ogie Alcasid: “Try ko.”

Chariz Solomon sa pagpasok ni Tuesday Vargas sa Bubble Gang: “It’s nice to have an ate again.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.