Michael V. sa mga nawalang cast members ng Bubble Gang: “I’m pretty sure they can find their way back.”

Naniniwala ang Comedy Genius na si Michael V. na posible pa rin na makabalik din sila sa Bubble Gang ang mga nawalang cast members in the future.   “Kasi lagi namang bukas ang Bubble Gang for talents na kakailanganin namin. And since naging part na rin sila [ng show], I’m pretty sure they can find their way back,” paliwanag n’ya.

PHOTOS: GMA Network & @BubbleGang on Instagram

Naniniwala ang Comedy Genius na si Michael V. na posible pa rin na makabalik din sila sa Bubble Gang ang mga nawalang cast members in the future. “Kasi lagi namang bukas ang Bubble Gang for talents na kakailanganin namin. And since naging part na rin sila [ng show], I’m pretty sure they can find their way back,” paliwanag n’ya.

Nag-reach out daw ang Comedy Genius na si Michael V. sa mga nawala o napalitang cast members ng longest-running gag show on Philippine Television na Bubble Gang

Sinabi n’ya ito sa virtual media conference kamakailan ngayong na-revamp ang show. 

Sabi ng Kapuso comedian, na bahagi rin ng creative team ng show, kailangan daw ng changes sa kanilang TV program para makasabay ito mabilis na takbo ng panahon.

“’Yong pagpapalit ng cast at saka paglalagay ng mga bagong segments, ito ’yong much talaga na needed improvement du’n sa show, e,” katwiran ni Bitoy.

Hindi kasi p’wedeng maging stagnant ang Bubble Gang. It has to grow, it has to expand, and I think this is the best way para gawin ’yon.

At dahil na-downsize na ang cast members ng Bubble Gang ngayon, matsa-challenge daw ang mga existing cast na lalo pang ipakita ang husay nila sa pag-arte. 

Makaka-focus ’yong mga tao sa cast. And on top of that, ’yong mga cast meron ding… I won’t call it pressure but motivation siguro to improve their craft and ’yong output nila,” aniya. 

“So it’s a good exercise, it’s a good training ground for the cast to improve their craft, hindi lang sa comedy kundi sa acting as well.”

Natanong naman si Bitoy kung naka-usap ba n’ya ang mga dati nilang kasama sa show - sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores, at ang isa sa mga pioneer cast na si Antonio Aquitania - na hindi na kabilang sa cast ng Bubble Gang ngayon. 

Ako, I felt the need to explain to them somehow, give them an insight kung bakit siguro nagkaroon ng mga ganu’ng dahilan para unang-una, hindi talaga sumama ’yong loob nila,” lahad ng komedyante. 

Ginawa n’ya daw ’yon para bigyan pa rin sila ng inspirasyon.

“And at the same time, ma-inspire sila na hindi naman ito ’yong pagtatatapos talaga. This could probably the beginning for some of them na simula uli ’yong journey pabalik sa show,” aniya. 

Posible din naman daw kasi na makabalik din sila sa Bubble Gang in the future.  

Kasi lagi namang bukas ang Bubble Gang for talents na kakailanganin namin. And since naging part na rin sila [ng show], I’m pretty sure they can find their way back,” pagtatapos ni Bitoy.

Marami mang grumadweyt sa Bubble Gang, tatlo naman ang bagong papasok at makikigulo sa show. Sila ay ang Korean dancer na si Dasuri Choi, StarStruck alumnus Kim de Leon, at ang singer-comedienne na si Tuesday Vargas

Mapapanood ang mga bagong cast members ng Bubble Gang, pati na rin ang mga bagong segment na inihanda nila, simula May 27 sa GMA Network.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bitoy’s daughter can be the next "hugot" songs princess

Michael V, idinaan sa tula ang pagtanggap sa resulta ng halalan kahit umano “pink ang dugo” niya

Michael V sa hamong i-impersonate ang dating ka-Bubble Gang na si Ogie Alcasid: “Try ko.”

Chariz Solomon sa pagpasok ni Tuesday Vargas sa Bubble Gang: “It’s nice to have an ate again.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.