Miel Pangilinan, nag-out as queer ngayong Pride Month

All-out ang suporta ni Frankie Pangilinan sa pag-a-out ng kapatid na si Miel Pangilinan. Comment nito sa post ng kapatid: “Das my baby.” Na masaya namang nireplayan ni Miel na: “ur baby is gay.”

Photos: @mielpangilinan

All-out ang suporta ni Frankie Pangilinan sa pag-a-out ng kapatid na si Miel Pangilinan. Comment nito sa post ng kapatid: “Das my baby.” Na masaya namang nireplayan ni Miel na: “ur baby is gay.”

Ngayong buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang “Pride Month” o ang buwan para sa mga members ng LGBTQIA+ community.  

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinahayag ng 17-year-old daughter nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan na siya ay isang “queer.”

Ginawa ito ni Miel sa pagpo-post sa kanyang Instagram ng series of photos niya na hawak ang malaking rainbow flag na sumisimbolo sa LGBTQIA+ social movement.

Sinundan niya ito ng mahabang salaysay.

“This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer,” panimula niya.

“I really can’t figure out the words to say right now. It’s a really emotional and freeing time right now, and I’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as I’ve grown and explored my own gender and sexual identity.”

Aniya, tunay na mapagpalaya nga raw pala ang makabuo ng post na gaya ng sinulat niya.

“I know it sounds silly, but posting this truly feels cathartic. I’ve spent so many sleepless nights over the span of much of my childhood and teenage life worrying and wondering about a plethora of things surrounding my identity, and it only feels right that I post this at the point I’m in now where I’m comfortable enough in who I am and who I love and how I choose to present.  It’s kind of full circle moment for me, in a way.”

Nagpapasalamat daw siya sa magaang chance na maibahagi ang kanyang identity dahil alam daw niyang hindi lahat ng gaya niya ay may kaparehong pribilehiyo.

“I’m also incredibly thankful that I am able to safely celebrate my identity this year, as I know there are many people in this country that don’t have the same privilege. We’ve got a long way to go in terms of our fight for equality, but that is not to discredit the work and sacrifices made by queer Filipinos throughout history and in the present day, who have done so much to make our voices heard and have helped us go farther than where we were before.”

As a newly-out member umano ng LGBT community, aware daw siyang marami pa siyang dapat unawain at willing daw siyang paglaanan ng oras ang pagpapalawak ng kanyang understanding.

“I’ve also got to learn and understand as a newer member of the Filipino queer community, and I’m trying my best to educate myself on current situations and present issues relating to gender equality and LGBTQ+ rights in our country, and I am always open to learn as much as I can especially from other figures in our community.”

Bilang pang-huli, binati niya ang mga kagaya niya ng “Happy pride month,”

“Happiest and safest of pride months, allies and members of the queer community alike.”

At saka niya ito sinundan ng mga hashtags na “pride month,” “pride,” sapphic” at “queer.”

As a post script, sinabi niyang: “and yes I am the gay cousin.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by miel (@mielpangilinan)

Sa pag-a-out na ito ni Miel, nakakuha siya ng mga positibong comments at words of support mula sa kanyang mga followers, kaibigan, at kamag-anak.

Isa na rito ang pinsang si Kiana Valenciano na nag-comment agad na: “Love you babyyyyy.”

Gayundin si Sam Cruz Montano, anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. At isa pa niyang pinsan, ang theater actress na si Gab Pangilinan, na nag-comment din ng: “I love you yellie!!”

 

Pero ang talagang all-out ang suporta kay Miel ay ang kanyang ate na si Frankie Pangilinan. Makikita rin si Frankie sa isa sa series of photos na pinost ni Miel. 

Nag-comment din ito na: “Das my baby.”  

Nag-reply si Miel sa ate niya na, “ur baby is gay.”  Na sinagot pa rin ni Frankie na, “My baby is bash.”

 

Sunod-sunod pa ang mga comments ni Frankie sa post ng pag-come-out ng kapatid. Ilan pa sa mga comments niya: “Beee who you aaarre for your PriRrrrIIIIDE”.

“Girlfriend boyfriend nonbinary friend idc. They will all be getting a good and tough roundhouse kick from me.”

Dahil na rin sa mga sunod-sunod na comment ng kapatid, si Miel na ang nagbirong nag-reply dito na, “Stop commenting RN.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.