Mikael, sa Iceland magpo-propose kay Megan?

PHOTOS: @mikaeldaez & inspiredbyiceland.com

PHOTOS: @mikaeldaez & inspiredbyiceland.com

Iceland-bound ang Kapuso sweethearts na sina Megan Young at Mikael Daez ngayong Holy Week.

Nag-South Korea muna ang magkasintahan for the Avengers: Endgame press junket, pero three days lang sila roon at segue na sila ng Belgium.

Nakatira sa Belgium ang sister ni Mikael, so everytime they go to Europe ay nagsa-sidetrip sila roon. Bale dito rin nila iiwan ang ibang gamit nila before flying to Iceland.

Three days lang din sila ni Megan sa Belgium, then bakasyon grande na sila sa Iceland na sikat na puntahan ngayon ng maraming turista. 

Ayon kay Mikael nang matsika namin ito sa isang bagong resto near GMA, adventure trip ang biyahe nilang ‘yon ni Megan at hindi relax-relax lang.

Meron silang 2 nights na camping sa may volcanic area. Malamang pumunta rin sila sa Blue Lagoon at iba pang popular sites doon.

Aminado si Mikael na mahal ang trip to Iceland, pero prepared daw sila ni Megan. Last year pa ay nag-ipon na sila nu’ng pareho silang may The Stepdaughters na afternoon soap sa Kapuso network. 

Eleven days sila roon, so bale ito na raw ang pinakamahabang vacation nila ever, sabi sa amin ni Mikael.

They will be joined in Iceland ng isang photography workshop group na nakasama ni Mikael when he travelled to Alaska last year. 

Excited siyang mag-vlog lalo pa’t first time nila pareho ni Megan sa malamig na lugar na ’yon. Looking forward din silang mag-food trip. 

Kagagaling lang nilang dalawa sa Osaka, Japan. May post doon si Mikael na nakakatawa ’yong itsura ni Megan habang nasa may taas sila ng Umeda Sky Building. May fear of heights pala kasi ang dalaga, so nalula ito at biglang natakot pagtingin nito sa ibaba.   

Happy ang 31-anyos na Kapuso hunk na ang dami nilang biyahe together. Bale siya ang may vlog sa YouTube, habang si Megan naman ay may gaming livestream sa Facebook.

Gaya ni Mikael ay gamer din ang 29-anyos na actress-beauty queen and they found out na puwedeng kumita by streaming games on FB. 

They also have a podcast together entitled Behind Relationship Goals na once every two weeks at nakaka-9 episodes na raw sila sa Spotify and iTunes, at may YouTube din. 

In fairness ay may digital career pala ang mag-sweetheart.

Siguradong mag-e-expect ang fans na pagpunta nila ng Iceland ay magpo-propose na si Mikael kay Megan.

Natatawang reaksyon ng morenong binata, dati ay pinaamin sila na magdyowa na sila. Pagkatapos ay kasal naman ang sunod na hinihintay, tapos ay baby na.

“E, paano kung tapos na ang wedding?” tila nangti-tease na hirit sa amin ni Mikael.

Well, duda kami kung may secret wedding nang naganap, ‘no!

“We’ll see, we’ll see. Alam n’yo naman ako, very go with the flow. So, mararamdaman ko lang ’yon.” 

Nape-pressure ba siya?

“Not at all. Kasi, sabi ko naman kay Megan, pinag-uusapan naman namin na, ‘You know what? If we get married today, tomorrow walang magbabago sa atin.’ Ganu’n pa rin kami, same relationship.

“So, I told her, when we both really, really feel it, we’ll talk about it and then yan na. S’yempre, magpo-propose pa rin ako, kasama pa rin ’yon. Alam mo naman ako, magkakaroon yan ng surprise,” nakangiting bulalas ng Kapuso hunk.

Dahil ang dami na nilang napuntahang iba’t ibang lugar sa buong mundo, kailangan ba na sa isang engrandeng lugar maganap ang kanyang proposal?

Pakli ni Mikael, “Okey sige, the venue could be grand pero ’yong actual act will be very simple and traditional. Walang eroplano na may streamer [sa ere na may nakasulat na ‘Will you marry me?’], wala tayong gano’n.

“It will be a very simple, down on one knee, say the words. ’Yon na ’yon. 

“So, excited din naman ako. I’m waiting also for the time. It’s close, it’s getting closer and closer, so it will come!”

Going on nine years na ang relasyong Megan-Mikael. Sila na, pero hindi pa nila inaamin nang manalong Miss World si Megan nu’ng 2013.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

LOOK: Mikael Daez and Megan Young go hiking in Iceland

Jose Manalo’s son Benj Manalo finally proposed to long-time partner, Lovely Abella

Polo Ravales gets engaged on Christmas Day

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.