Mike Enriquez, nakatakdang sumailalim sa heart bypass surgery

Photos from gmanetwork.com / Screenshot from @gmanews Twitter

Photos from gmanetwork.com / Screenshot from @gmanews Twitter

Naglabas ng statement kahapon, August 22, ang veteran news anchor na si Mike Enriquez ukol sa kanyang prolonged absence sa 24 Oras at Super Radyo dzBB. 

Ayon sa anchor, siya ay kasalukuyang naka-medical leave sa dahilang ginagamot ang kanyang kidney. Siya din ay nakatakdang sumailalim ng heart bypass surgery sa susunod na buwan. 

Dagdag ni Mike: "Ayon sa aking mga doktor, makababalik ako sa normal na trabaho mga dalawang hanggang apat na linggo matapos ang operasyon." 

Hindi ito nangangahulugan na tuluyan nang tumigil sa pagtatrabaho ang news anchor. 

Sa ulat ni Ivan Mayrina, kung saan binasa ni Mike ang statement, makikitang pumapasok pa rin sya sa opisina at nagsisilbi bilang consultant sa mga radio shows ng GMA. 

Sa dulo ng ulat, pinangako ni Mike sa publiko na babalik siya sa telebisyon at radyo. "Salamat po sa mga nagparating ng kanilang pagbati, nagtatanong kung ano ang kalagayan ko... buo po ang aking sampalataya sa Panginoon at pangangalaga ng aking mga doktor, at sa dasal ng maraming-maraming mga tao." 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.