Mike Tan, nai-stress kapag walang trabaho

“Kasi siyempre, you always need to provide for them. Kailangan mong mag-ipon for your future, for your wife, for your kids. It’s not just about you anymore. Kailangan may ipon ka. Kailangan nai-invest mo ng tama ang pera mo.”

Photos: @imiketan

“Kasi siyempre, you always need to provide for them. Kailangan mong mag-ipon for your future, for your wife, for your kids. It’s not just about you anymore. Kailangan may ipon ka. Kailangan nai-invest mo ng tama ang pera mo.”

Ang dating karakter na ginampanan ni Richard Gomez sa 1988 movie na Nagbabagang Luha ang ginagampanan ngayon ni Mike Tan sa TV adaptation nito sa GMA Afternoon Prime.

“Doon nga ako na-proud, uy, si Kuya Goma pala ipo-portray ko,” nakangiting lahad ni Mike. “Kilala naman natin si Kuya Goma, naka-trabaho ko na rin siya ng ilang beses at isa rin siya sa iniidolo kong actor.”

Kumpara raw sa mga nagampanan na niyang karakter sa mga nakaraang serye, mas madali raw para sa kanya ang role niya ngayon.

“Sa character ni Bien, mahirap kasi ’yung palagi kang nagpipigil ng gusto mong sabihin sa taong mahal mo, kung paano siya poprotektahan. At ang pinaka-mahirap kay Bien, kaibigan niya rin ’yung karibal niya na at the end, magiging magka-away sila. Kasi may nagawang pagkakamali.”

“’Yun ang mga challenges sa akin at s’yempre, may mga nangyari sa istorya na kailangan mong bigyan ng justice na sobrang bigat.

“’Yun lang naman, kasi compared kay Glai [Glaiza de Castro] at kay Rayver, talagang mahirap ang roles nila. Parang every day, nire-require silang umiyak. Everyday nire-require silang magalit sabay biglang sasaya.”

Ang serye nila ay may tema tungkol sa cheating o infidelity. Kung sa kanya raw mangyayari, hindi raw niya masasabi kung kaya niyang matanggap.

“Sa isang pagkakamali lang talaga, mahirap ng mabalik ’yung original na relationship n’yo, e. Palagi nilang sinasabi na forgive and forget, no, that’s not gonna happen,” sey niya.

“Especially kapag nag-cheat ka or may nag-cheat sa’yo. Hindi madaling makalimutan ’yun kasi, tatanim ’yun hindi lang sa utak kung hindi pati sa puso mo.

“Alam mo ’yung pakiramdam no’n, nakita mo o alam mo ’yung nabalitaan mo. It’s gonna be hard to forget.”

At sabi nga ni Mike, nagpapasalamat naman daw siya at hindi pa ito nangyayari sa kanya.

“Well siguro, grateful lang ako na hindi pa nangyayari sa akin at wag naman din sana. May pamilya na ’ko at may mga anak na ako.

“At huwag ko rin naman sanang gawin sa asawa ko, wag naman sana. I’m always praying na walang temptation, walang tuksong dumating sa akin in the future.”

May dalawang anak na si Mike na babae. At ngayong dumating ang pandemya, aminado itong nagbago na ang mga prayoridad niya sa buhay. At nagpapasalamat daw siya na tuloy-tuloy pa rin ang trabaho niya sa GMA-7.

“S’yempre, mas iba na ang plano mo sa buhay. But I’m always thankful that once or twice a year, nagkakaroon ako ng trabaho or drama sa GMA.

“It’s always a chance to provide for my family kapag nabibigyan kasi ako ng trabaho. Of course, malaki ang pagbabago sa mga plano sa buhay with the pandemic.  At the same time, s’yempre, may two kids na ’ko, it’s not just about me anymore. Laging naiisip mo na ’yung mga anak mo, pamilya mo, ’yung household mo.”

Sabi pa niya, “Dati nga, kapag naiisip ko, mag-isa lang ako na binubuhay ko, mga magulang ko lang, kami lang ang magkasama. Pero sabi ko, okay parang ang dami natin sa bahay, parang lahat, kailangan kong gastusan, pakainin, etcetera.

“Before ako lang, ’yung girlfriend ko—’yung wife ko ngayon. Kapag inisip ko nga dati, kapag umalis kami, kumain, siguro ang gastos ko lang a thousand pesos, pero ngayon sabi ko, bakit ako umabot ng P4,000?,” natawang lahad niya.

At sinagot din niya na, “Kasi, ang dami ng ulo na kailangan pakainin. So, ang laking changes.

“S’yempre, mas nalimitahan din ang trabaho dahil sa pandemic. May mga testing, may quarantine na kakain din ng ilang araw bago ka makapasok ng taping. 

“Tapos, s’yempre limitado rin ang mga raket mo dahil nga may pandemic. Nandoon din ’yung fear habang nagta-trabaho ka na what if hindi namin alam, may isang nakapasok? You can’t tell.”

Inamin din naman niya na sa kabila ng mas marami siyang responsibilidad ngayon, mas inspirado raw siyang mag-trabaho.

Ayon kay Mike, “Inspiration mo na makapag-trabaho palagi. But I’ll be honest with you, it’s also a stress na wala kang trabaho. 

“Kasi siyempre, you always need to provide for them. Kailangan mong mag-ipon for your future, for your wife, for your kids. It’s not just about you anymore. Kailangan may ipon ka. Kailangan nai-invest mo ng tama ang pera mo.”

Nabanggit na rin niya ang posibilidad ng lockdown na naman. Noong online mediacon ng Nagbabagang Luha, maingay pa lang ang posilibidad na mag-ECQ na naman sa NCR. At ngayon ay mangyayari nga simula August 6.

“Stop na naman ang buhay natin with the Delta variant,” tila nanlulumong saad niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mike Tan excitedly shares daughter's first word

Pika's Pick: Mike Tan and Glaiza de Castro start taping The Seed of Love teleserye in Banaue.

Sanya Lopez, NBSB (No Boyfriend Since Birth) pa rin; naglalabasang sweet pictures with Gabby Concepcion, wala daw malisya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.