Mikee Quintos, kumpiyansang “mapapalambot” si Kelvin Miranda sa pamamagitan ng titig

PHOTOS: @mikee & @iamkelvinmiranda on Instagram

PHOTOS: @mikee & @iamkelvinmiranda on Instagram

Confident ang aktres na si Mikee Quintos na kaya daw n’yang “palambutin” ang The Lost Recipe ka-loveteam niya na si Kelvin Miranda sa gamit ang kanyang  pagtitig.

Ito ang nasabi ni Mikee nang maka-tsikahan silang dalawa ng aktor kamakailan para sa pikapika.ph online show na This Is Showbiz hosted by Butch Francisco and Anna Pingol. 

Gumanap kasi ang dalawa sa bilang mga chefs sa kinakiligang TV series na umere sa GTV mula January hanggang March ng taong kasalukuyan.

Pag-amin pa ng co-host ng show na si Butch, nakaka-intimidate daw ang character ni Kelvin bilang Chef Harvey dahil masungit ito. Kaya naman tinanong n’ya si Mikee kung masungit ba talaga ang aktor sa totoong buhay. 

Si Kelvin po [masungit] in real life?” Pagkukumpirma ni Mikee sa tanong. “Mahirap kasi akong sungitan na tao, e. Mahilig ako mambasag, e. Parang pag nararamdaman kung sinusungitan ako lalo kong inaasar, e. Ganu’n po ako. Hahahaha! Hindi po [n’ya] naa-achieve ‘yong sungit n’ya.

K’wento pa n’ya, makulit daw ang aktor in real life at kung nagsusungit man ito ay bahagi daw ‘yon ng trabaho dahil masyadong itong focussed.

Hindi naman po masungit si Kelvin,” depensa ni Mikee sa kanyang co-star. “Sa totoong buhay makulit s’ya. Pero ‘yong sungit, pinaka-mararamdaman mo na ‘yon pag focused s’ya [nang] sobra sa something. 

Hindi nga po sungit, e. He just doesn’t notice,” dagdag n’ya. “And imbes na mainis ako, ang nagiging reaction ko is naa-admire ko kung gaano s’ya ka-focused. Parang, ‘Okey, hindi muna kita guguluhin ngayon. Gawin mo ‘yong kailangan mong gawin.’

Napa-throwback naman si Kelvin sa show at sinabing may nangyari nga daw sa set nila noon na inakala ng lahat na wala s’ya sa mood dahil hindi s’ya namamansin. 

Naalala ko tuloy ‘yong isang scene na alam kong kumplikado and lahat ng tao nag-alala. Nakarating pa sa’yo, ‘di ba?” tanong ni Kelvin kay Mikee. 

Lahat sila kinakamusta ako pag nasasalubong ako,” pagre-recall pa ng award-winning actor. “Ako, wala akong pinapansin kasi nagpi-prepare ako du’n sa scene. Pinag-iisipan ko kung papaano ko s’ya maitatawid. So, lahat sila hindi ko napapansin. 

Nag-sorry naman ako after sa lahat. Before pa lang mag-taping sinabi ko na kung sakali mang mangyayari ‘yong ganitong stage, ‘yong ganitong pangyayari, pagpasensiyahan at sana maintindihan n’yo na ginagawa ko lang ‘yon para sa mga eksena, para sa trababo. ‘Yon na nga lumabas at ilang beses ‘yon nangyari sa set at naapektohan ‘yong nasa paligid.

Salo naman ng Kapuso actress sa kanya, “Ganu’n kalakas ‘yong energy mo. Iniisip nila ano ka sa kanilang lahat. Pero ako, ‘Hindi ‘yan. Trabaho lang ‘yan. ‘Wag n’yong personalin.’” 

Sa ngayon daw nasa process pa si Kelvin para maalis sa kanya ang character n’yang si Chef Harvey dahil nasa sistema pa rin daw n’ya ito.

Kaya ka nagpagupit, no?” tuksong tanong ni Mikee sa ka-love team. 

“Exactly. Isa ‘yon sa reason kasi nagi-stay ako sa character talaga,” pag-amin naman ni Kelvin sa kanya. “Nagsa-struggle ako na makaalis ako du’n sa mundo na nakasanayan ko sa [The Lost Recipe]. So kailangan kong bumalik as Kelvin. May mga bagay na kinakain n’ya ako. Ang hirap.

At kahit tapos na ang show, na umikot sa recipe ng adobo, natanong ang dalawa kung anong klase ba ng adobo ang lulutin nila para sa isa’t isa.  

Sa puntong ito umiral ang pagkapilya ni Mikee. 

Anong adobo po si Kelvin for me? Siguro ngayon ‘yong tuyo,” natatawang sabi n’ya. “Adobong tuyo.

Seryosong paliwanag n’ya, ‘yon daw kasi ‘yong hinahanap-hanap n’yang version ng adobo sa ngayon. 

‘Yong walang sabaw. ‘Yong mas malasa. Piniprito pa. Mas ma-flavour ‘yon for me, e,” lahad ng 23-year-old Manila-born actress. 

“Honestly, ‘yon nga po ang favorite ko ngayon. Parang [specialty] po s’ya nang bago naming kasama sa bahay. ‘Yong ganu’ng klaseng adobo. And I always miss it. Parang ‘yan ‘yong napi-feel ko ngayon du’n sa dish na ‘yon. E, nami-miss ko din naman si Kelvin. Okay?” natatawang banat n’ya. 

“Okay!” tugon naman nang tila kinikilig na si Kelvin.

For his part, adobo sa gata naman daw ang ihahanda n’ya para kay Mikee. 

Kay Mikee, siguro adobo sa gata,” aniya. “Paborito ko kasi ‘yong gata, e, kahit saang dish. E, paborito ko si Mikee, e. ‘Yon ‘yong iluluto ko for her na gusto ko ring ipatikim sa kanya. 

“Feeling ko hindi n’ya pa natitikman ‘yon. And pag natikman n’ya ‘yon baka lalo n’ya akong ma-miss,” ganti ng natatawang aktor sa naunang banat ni Mikee. “Tagal na kaming hindi nagkikita, e. Grabe. Grabe ‘tong pandemic na ‘to.

At dahil ipinakita din nila sa show ang ilang ways kung paano magpalambot ng karne, natanong ang Kapuso stars kung paano nila palalambutin ang isa’t isa kung sakaling naging karne sila. 

Tititigan ko lang po [si Kelvin],” ahad na hirit ni Mikee. 

Ha?” naiusal naman ng 22-year-old actor sa narining n’ya. 

Linya mo ‘yon sa akin, ‘di ba?” pagpapaalala ni Mikee kay Kelvin. “Naalala mo ‘yong line mo na ‘yon na sinabi mo sa akin? ‘Hindi lalambot ‘yang karne nang tinititigan mo lang.’

Oo,” ani Kevin. 

Muling banat ni Mikee sa kanya, “Ikaw pag tinitigan ba kita lalambot ka ba?

Biglang natameme na lang ang nakangiting si Kelvin sa tinuran ng aktres. 

Gusto kong subukan. Feeling ko kaya. Okay?” kompiyansang pahayag ni Mikee. 

Masahe naman daw ang gagawin ng Kelvin sa aktres para mapalambot ito. 

Si Mikey? Clingy s’ya, e so kailangan mo s’yang masahin nang mabuti,” paliwanag n’ya. “Feeling ko kailangan bigyan talaga ng effort… strong personality kasi si Mikee, e. Kahit na ang dami n’yang pinagdaanan ganu’n pa rin s’ya. Sobrang bilib ako d’yan, e.” 

Ginagawa daw ito ni Kelvin noong nasa lock-in taping sila. Lumalambot naman kaya si Mikee?

Mahilig po kasi s’ya maglambing, ‘yong massage lalo na kapag pagod na po kami lahat. Tapos mapapasin n’ya. Kukunin n’ya ‘yong kamay ko tapos mamasahihin n’ya. Magaling po magmasahe si Kelvin.

Ako lumalambot? Opo, every time sa moment na ‘yon. Nararamdaman mong hindi ka nag-iisa at may nagki-care sa’yo.” 

Sa ganda ng chemistry ng dalawa, malakas ang clamour ng mga fans na sana daw magka-Season 2 ang The Lost Recipe.

Pero habang wala pa, may regalo pa rin sila sa mga fans nila sa pamamagitan ng isang single, ang “Two of a Kind” na pwede nang ma-stream sa mga digital platforms gaya ng Spotify. Malapit na rin daw nilang i-shoot ang music video para dito.

PANOORIN ang kabuaan ng This Is Showbiz featuring Mikee Quintos and Kelvin Miranda dito:

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.