Mikee Quintos, na-awkward maging love interest ang BFF na si Ruru Madrid

Mikee Quintos on Ruru Madrid as love interest: “Awkward nu’ng una. Parang ang hirap. Ewan.”

PHOTOS: @mikee & @rurumadrid8 on Instagram

Mikee Quintos on Ruru Madrid as love interest: “Awkward nu’ng una. Parang ang hirap. Ewan.”

Nakaramdam umano ng awkwardness ang aktres na si Mikee Quintos na maging flirty onscreen sa malapit n’yang kaibigan na si Ruru Madrid.

Iyan ang inamin n’ya sa entertainment press sa grand media conference at pilot screening ng upcoming teleserye nila na The Write One kamakailan.

Naging close kasi sila ng aktor mula nang gumanap sila bilang mag-ama sa pantaseryeng Encantadia (2016). 

At ngayon sa The Write One, kung saan gaganap s’ya bilang si Via dela Pena na kasintahan ng character ni Ruru sa nabuksan nitong bagong timeline sa kuwento, kinumusta ng entertainment press ang aktres sa working relationship nila ng kaibigan n’yang aktor.

Dito, umamin ng kalog na Kapuso actress na medyo naasiwa s’ya noong una sa thought na love interest n’ya sa serye si Ruru. Tinutukso pa daw kasi sila ng writer ng show na si Mark Anthony Norella.

“Awkward nu’ng una. Tapos lagi pa kaming inaasar ni Sir Mark, ‘Uy, may kissing scene kayo, ah.’ ‘Huh?’” pagbabalik-tanaw ni Mikee.

Parang ang hirap, ewan. Tingnan n’yo ang mukha n’ya [Ruru] pati ang mukha ni Bianca [Umali]. Hahaha!” pagbibiro pa n’ya sa seryosong facial expression ng magkasintahan sa ikinuwento n’ya.

Ganu’n pa man, nagtiwala lang daw sila sa kanilang pagkakaibigan kaya’t naitatawid nila ang kanilang mga eksena nang walang selosan. Co-actors din kasi nila ang kani-kanilang respective special someone na sina Bianca at Paul Salas. 

Pero our friendship is also the reason why we’re braver on set, I think,” she said. 

Seryoso nga daw silang lahat sa set para mapaganda nila ang kanilang serye. 

’Yon naman, usually kung iisipin n’yo pag magkakaibigan relax, masyado nang enjoy, hindi na seseryosohin ang trabaho,” ani Mikee.

“With this ensemble, crew, the people we’re with, ramdam mo kasi pag umapak ka sa set ’yong passion ng lahat, e, ng bawat isa. And everyone is doing their part,” pagmamalaki ng aktres.  

“So pag nararamdaman na namin ang isa’t isa, pagdating namin sa umaga, habang nag-aayos kami, you can call it pressure. Is it pressure? I think it’s pressure…”

Bigla namang sumingit dito ang nobyo n’yang si Paul para sitahin ang kanyang suot na medyo revealing sa lower part. 

“’Yang suot mo pressure,” hirit ng aktor na ikinatawa ng lahat.

“Pressure ba ’yong suot ko? Sorry. Hala, nagagalit s’ya. Hahaha!” natatawang tugon n’ya sabay takip sa kanyang mga hita. 

Pagpapatuloy pa ni Mikee, “’Yong pressure din na binibigay din namin sa isa’t isa na…ayaw kasi namin na pahiyain ang bawat isa, na magkakaibigan nga kami. Because of that we want to give our best.”

Nakakapag-adjust naman daw sila ni Ruru sa tuwing kinukunan ang kanilang mga eksena kung saan kailangan n’yang maging sweet dito.

Kahit kaibigan ko at best friend ko si Ru, pag narinig na namin ang ‘action’ ni direk, nakakalimutan naman namin ’yon, e. And pinanghahawakan namin ang work ethics ng isa’t isa at ’yong tiwala na we’re gonna make this work,” lahad pa ng aktres.

Kita n’yo naman po sa trailer, ’di ba? Sorry, ang yabang. Hahaha! Pero I’m proud of what we did so far,” pagbibida n’ya.

Mas na-excite nga daw s’ya na tapusin ang nalalabing mga araw ng kanilang taping. 

“I’m excited na ituloy ’yong next few taping days natin lalo, mas pagandahin ’yong bawat eksena natin. Alam kong you feel it too,” pag-a-address n’ya sa kanyang mga katrabaho.

Nagbigay din s’ya ng konting detalye sa ginagampanan n’yang karakter na tiyak daw na mamahalin and, at the same time, kaiinisan din ng mga manonood. 

Pero agad na pagkaklaro n’ya, hindi daw s’ya kontrabida sa show kundi palaban lang. 

“How are you sure na kontrabida ako? I would defend Via. Sorry. Fun fact though, guys, Via dela Pena…her name actually means ‘by the edge.’ So that says a lot about her character here,” pagbabahagi ni Mikee.

“And excited akong makita ang edge work… yes! Hahaha! Gusto kong gawin din talagang ’yon, symbolizing her name also.”

Gusto nga daw n’yang mai-apply sa sarili n’ya ang characteristics ni Via.

“As Mikee, I want to reach that, ’yong i-pursue ko ’yong limits ko with this character. It’s definitely not in my comfort zone pero that’s the exact reason why I said yes to Via,” aniya.

“I’m excited to explore that side. Nandito naman itong mga ito [co-actors to support me],” pagtatapos ni Mikee.

Mapapanood sina Mikee, Paul, Ruru, and Bianca sa The Write One simula March 18 sa Viu, at sa March 20 sa GMA Telebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bianca Umali at Ruru Madrid, nagka-LQ sa taping

Bianca Umali, aminadong selosa; parking lot incident with Ruru noon, "exaggerated" daw

Bestfriends ni Mikee Quintos na sina Ruru Madrid at Mikoy Morales, hindi boto sa boyfriend niyang si Paul Salas noon

Paul Salas, kinumpirmang “dating” sila ni Mikee Quintos

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.