Mikee Quintos sa mga #MiKel fans: “’Wag silang mawalan ng hope. And sana suportahan din nila ang tandem namin ni Sef [Cadayona].”

“Sa totoo lang po nakikita ko po ang mga posts nila [fans] daily. Pero honestly, ang nakikita ko lang po ay mga positive post...na supportive sila even sa individual projects naming dalawa ni Kelvin. “And sana naman po hindi ito maging last din at ‘wag silang mawalan ng hope. And ’yun nga, sana suportahan din nila ang tandem namin ni Sef.”—Mikee on #MiKel fans.

Photos: @mikee

“Sa totoo lang po nakikita ko po ang mga posts nila [fans] daily. Pero honestly, ang nakikita ko lang po ay mga positive post...na supportive sila even sa individual projects naming dalawa ni Kelvin. “And sana naman po hindi ito maging last din at ‘wag silang mawalan ng hope. And ’yun nga, sana suportahan din nila ang tandem namin ni Sef.”—Mikee on #MiKel fans.

Ang Kapuso star na si Mikee Quintos ang napiling gumanap bilang young Elsa sa prequel ng family sitcom ng GMA-7 na Pepito Manaloto. Ginagampanan ito ni Manilyn Reynes for almost 11 years on TV. 

At malaking bagay para kay Mikee na nakasama na niya sa huling proyekto niya si Manilyn—ang katatapos lang na The Lost Recipe— kaya marami na raw siyang na-obserbahan dito na nagagamit niya ngayon bilang teen-age Elsa.

“‘Yung mga notes ng off-cam observing her, ’yung mga kuwentuhan namin ng off-cam, nakukuha ko na ‘yung maliliit niyang mannerisms and pinaka-malakas kasi na nakakahawa sa kanya, ’yung positive energy and I’m sure, nakikita n’yo ’yun sa screen,” panimulang k’wento ni Mikee sa masayang virtual press conference ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento noong July 14.

“And I just wanna say rin siguro na biggest privilege rin is to trust us with these roles na ilang taon nilang trinabaho at inalagaan at minahal din. It’s part of who they are na rin kasi, ang tagal din nila do’n and for them to trust us na kami ang magtuloy at magkuwento ng throwback roles ng mga characters na ito ay parang may sense of responsibility na, ‘Okay, I can’t mess it up. Ang daming magagalit,” natawang sabi niya.

Hirit naman ni Bitoy, ngayon pa nga lang daw ay may mga bashers na sila.

Marahil ay dahil tila “naagaw” ni Sef Cadayona si Mikee sa pumatok na MiKel loveteam nila ni Kelvin Miranda sa The Lost Recipe. Tila bitin pa ang fans sa kanila at umaasang ang next project ni Mikee ay with Kelvin pa rin. But no.

(Si Sef kasi ang ka-loveteam niya dito na siyang gaganap as young Pepito Manaloto, originally played by Michael V.)

Say naman ni Mikee: “Sa totoo lang po nakikita ko po ang mga posts nila [fans] daily. Pero honestly, ang nakikita ko lang po ay mga positive post...na supportive sila even sa individual projects naming dalawa ni Kelvin. 

“And sana naman po hindi ito maging last din at ‘wag silang mawalan ng hope. And ’yun nga, sana suportahan din nila ang tandem namin ni Sef. And ’yun din naman po ang mga nakikita kong post.”

Sa ngayon, mas tila naka-pokus si Mikee na ma-please ang senior Elsa and Pepito (Manilyn and Michael V.) dahil mabigat na responsibility nga daw ito.

“Parang malaking tanggal sa bigat ng shoulders na naririnig sa kanila na they’re happy that it’s us [ni Sef] and they trust us. Do’n pa lang, nakakatulong sa trabaho namin na marinig ’yun sa kanila.”

Aminado lang si Mikee na naging extra challenge din sa kanya na bawasan ang pagka-“bargas” niya at bawasan ang pagka-baritone ng boses niya.

“Siguro po ‘yung bawasan ang pagka-bargas ko bilang Mikee,” sey niya. “’Yung pagka-baba ng boses ko, kasi nga, kita naman po ’yung love-hate relationship ni Elsa at Pepito kahit sa present time. ‘Yung minsan bangayan nila, bumababa po ang boses ko dahil gano’n ‘yung boses ko pag galit.

 “Kailangan kong baguhin na mas malumanay, mas Mane (palayaw ni Manilyn). Do’n po ako nahirapan at first. Nakakalimutan ko siya. Pero pinapaalala naman sa akin nila Direk. ‘Mikee, hinay-hinay,’ gano’n.

“At pinaka-enjoy ko po ’yung timing talaga. Alam nila Sef ’yun, ’yung batuhan ng timing. Medyo nakaka-O.C. siya sometimes, pero iba rin kasi ’yung batuhan namin ni Sef o ni Pepito. Na-enjoy ko po overall ‘yung experience.”

Kahit may pressure lalo na at makukumpara sila ni Sef kina Bitoy (palayaw ni Michael V.) at Manilyn, mas lamang pa rin daw para kay Mikee ang excitement.

“Naniniwala naman po kasi ako na sa acting, there’s always room for improvement, always,” sey niya. “And ito nga po, at this point, mas excitement na ’yung napi-feel ko, e. Ngayong papalapit na nga po tayo sa July 17, sa airing ng first episode.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sef Cadayona at Mikee Quintos, hindi daw pressured sa pagganap as young Michael V at Manilyn Reynes sa prequel ng Pepito Manaloto

Mikee Quintos, kumpiyansang “mapapalambot” si Kelvin Miranda sa pamamagitan ng titig

This is Showbiz Episode No. 30: Mikee Quintos at Kelvin Miranda, miss na miss na ang isa’t isa

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.