Mikoy Morales at Jaclyn Jose, may misunderstanding

Nagpakatotoo si Mikoy Morales at inamin niyang iniiwasan niya si Jaclyn Jose dahil nagkaka-anxiety siya sa presensya nito.

PHOTOS: @sparklegmaartistcenter & @ppl_entertainment_inc on Instagram

Nagpakatotoo si Mikoy Morales at inamin niyang iniiwasan niya si Jaclyn Jose dahil nagkaka-anxiety siya sa presensya nito.

Inamin ng aktor na si Mikoy Morales na nagka-anxiety siya dahil sa veteran actress na si Jaclyn Jose.

Sinabi niya ito nang mag-guest sila ng kaibigan niyang si Mikee Quintos sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, October 2.

Natanong kasi siya ni Tito Boy during the "Fast Talk" segment kung meron ba siyang nakaalitang aktor at sinagot naman niya ito ng "Oo."

Kaya naman ito ang tanong na binalikang tanong ng TV host sa kasunod na segment na Talk or Dare.

Dito, may choice si Mikoy na hindi sagutin ang tanong kung sinong artista ang tinutukoy niya kapalit ng isang dare. 

"Sino ang nakaalitan mong aktor, Mikoy?” tanong pa ni Tito Boy sa kanya.

Nag-atubili pang sumagot ang aktor noong una pero kalaunan ay umamin din siya. 

"I wouldn't consider it as alitan kasi hindi naman kami nagsagutan, peroJaclyn Jose," lahad ni Mikoy.

"Naayos ito?" kasunod na tanong sa kanya ng King of Talk.

"Parang hindi naman...hindi," sagot ng binatang aktor.

Sunod na naitanong ni Tito Boy ay kung hindi pa ba sila nagkakasalubong ng premyadong seasoned actress 

"Nagkakasalubong," tugon ni Mikoy. 

"Tumalikod siya," singit naman ni Mikee sa usapan.

Ayon kay Mikoy, minsan na umano niyang nakita si Jaclyn pero iniwasan daw niya ito. 

"May isang time, kasama ko pa siya [Mikee] maglakad, e. Sila parang, 'Uy tara, bati tayo.' Tapos ako parang, 'Nope!' Umikot ako ng buong floor [para hindi ko siya makasalubong]," kuwento niya.

Nagsimula raw ang hindi nila pagkakaunawaan nang magkasama sila before sa isang project. Ganu'n pa man, wala raw iyong kinalaman sa kanilang trabaho. 

"Tell me what you can, what it was about? 'Yong p'wede mo lang sabihin," pag-uusisa pa ni Tito Boy. 

However, hindi naman nagbigay ng konkretong detalye si Mikoy sa pinag-ugatan ng kanilang umano'y misunderstanding.

Sinabi lang niya na inaatake siya ng anxiety noon sa tuwing makakasama niya ang aktres sa set.

"Isa 'to sa mga, ano, e, parang, maybe madalas mangyari but I took personally. Maybe it's something like that na, which kind of scared me, and to the point na I would get anxious when I would think of stepping in a set with her there," aniya. 

Nagpasalamat naman si Tito Boy sa mga ibinahagi ni Mikoy at sinabing bukas ang kanilang programa sa panig naman ni Jaclyn.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mikoy Morales, itinuturing na superhero si late Master Showman German Moreno

Bestfriends ni Mikee Quintos na sina Ruru Madrid at Mikoy Morales, hindi boto sa boyfriend niyang si Paul Salas noon

Pika's Pick: Mikoy Morales expresses his brotherly love for the groom-to-be BFF Juancho Triviño; says "I'm happy you found Joyce [Pring]."

Pika's Pick: Kapuso artists Maricris Garcia and Mikoy Morales defend GMA-7 from bashers after rival network ABS-CBN went off-air

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.