Mikoy Morales, itinuturing na superhero si late Master Showman German Moreno

Para kay Mikoy, ang late starmaker daw na si Kuya Germs ang superhero n’ya. Inabutan daw kasi n’ya ang pagiging bukas-palad nito para sa mga gaya n’yang showbiz hopefuls noong nagsisimula pa lang s’ya sa industriya taong 2012.

PHOTOS: Viva; INSET: GMA Network

Para kay Mikoy, ang late starmaker daw na si Kuya Germs ang superhero n’ya. Inabutan daw kasi n’ya ang pagiging bukas-palad nito para sa mga gaya n’yang showbiz hopefuls noong nagsisimula pa lang s’ya sa industriya taong 2012.

Napa-throwback nang slight ang comedian-actor na si Mikoy Morales at inalala ang namayapang si Master Showman German “Kuya Germs” Moreno na itinuturing daw n’yang superhero.

Nangyari ang pa-throwback sa digital media conference ng action-comedy and superhero movie na Mang Jose, kung saan isa sa cast members ang Kapuso actor. Natanong kasi sila ng mga co-stars n’yang sina Janno Gibbs and Jerald Napoles ng entertainment press kung sino ba ang itinuturing nilang real-life superheroes maliban sa kani-kanilang mga ka-pamilya. 

Para kay Mikoy, ang late starmaker daw na si Kuya Germs ang superhero n’ya. Inabutan daw kasi n’ya ang pagiging bukas-palad nito para sa mga gaya n’yang showbiz hopefuls noong nagsisimula pa lang s’ya sa industriya taong 2012.

Sa entertainment industry, siguro ang superhero sa akin si Kuya Germs,” sagot ng Kapuso star sa press. 

Sa dami n’yang natulungan, sa dami ng nabigyan n’ya ng platform. Sa laki ng mga artista at sa tagal ng mga artista na artista pa rin hanggang ngayon na nabigyan n’ya ng opportunities, umabot pa s’ya sa amin.

Dagdag pa ng Bubble Gang comedian, ipinaramdam daw sa kanya noon ni Kuya Germs na belong s’ya sa showbiz kahit pa baguhan lang s’ya noon.

Naalala ko may mga times na in between projects ako na matagal, basta wala akong ginagawa, automatic pinapa-guest n’ya ako sa show n’ya,” pagre-recall ni Mikoy. 

Para lang ma-feel na, ‘Hindi, at home ka pa rin dito sa network na ’to o sa industry na ’to.’ Pinaramdam n’ya na may spot ka sa industry na ’to. 

“And to think na hindi n’ya lang sa akin ginagawa ’yon, parang sa hundreds of people pa n’ya ginagawa ’yon. ’Yon, ang hirap nu’n. Kailangang sobrang laki ng puso mo para magawa mo talaga ’yong ganu’n,” pagtatapos n’ya. 

January 2016 nang mamaalam si Kuya Germs pero nananatiling maningning ang mga artistang inalagaan n’ya noon, kabilang na dito ang mga That’s Entertainment graduates and former love team partners na sina Janno and Manilyn Reynes na magkasama ngayon sa pelikulang Mang Jose.

Ito na ang reunion movie project ng JannoLyn tandem, kabilang pa ang wife mismo ni Janno na si Bing Loyzaga kaya kaabang-abang ito para sa kanilang mga fans. 

The movie Mang Jose will be available for advance streaming on November 17 sa Vivamax Plus, at for regular streaming naman sa Bisperas ng Pasko, December 24, sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, simula noong October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

And beginning November 19, available na din ang Vivamax sa US at sa Canada.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.