Miles Ocampo, inaming binasted si McCoy De Leon!

Miles Ocampo, nag-open up sa pagbasted kay McCoy De Leon!

PHOTOS: @milesocampo (left) and @hashtag_mccoydl (right) on Instagram

Miles Ocampo, nag-open up sa pagbasted kay McCoy De Leon!

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda kahapon, December 9, hindi maiwasang matanong ng King of Talk ang guest na si Miles Ocampo tungkol sa rumored relationship nila ng former Pinoy Big Brother housemate na si McCoy De Leon.

Nauna na kasing nag-guest in the same talk show si McCoy, kung saan inamin nito—sa pamamagitan game na “Tropa o Jowa”—na gusto niyang maging girlfriend ang Goin’ Bulilit graduate na si Miles.

Ayon sa kwento ni Miles kay Boy, tila na-misinterpret ng mga netizens ang sinabi niya noon na textmates sila ni McCoy. Inakala daw marahil ng publiko na sila na.

Ganitong panahon din last year [...] noong sinabi kong text text, Tito Boy, ang akala po ng tao kami na. Hindi! Hanggang text-text lang po,” balik-tanaw ni Miles. “Hanggang text-text lang. Wala [nga] po akong load minsan, eh!

Sa tanong naman ni Kuya Boy kung umabot ba daw sa stage na nanligaw si McCoy sa aktres.

Nagtanong po,” maikling pag-amin ni Miles.

Mabait si McCoy, wala po akong masasabi sa kanya,” dagdag ng star ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na Write About Love. “Siguro, hindi pa lang po ako ready sa ngayon. Pwede po tayong magkaibigan, pwede kaming magka-text.

Dagdag pa ni Miles na nanatiling magkaibigan silang dalawa ngunit hindi na daw sila madalas mag-text sa ngayon.

Tanong naman ni Tito Boy kung, technically, na-basted nga ba ng aktres si McCoy nang ito’y magtanong sa kanya kung pwede manligaw?

“Opo,” sabi ni Miles. “[Pero] mabait [naman] siya. Kahit po sinong makasalubong ko dito, sinasabing mabait si McCoy.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.