Mon Confiado sa pagiging single for 11 years now: “Tinanggap ko na matandang binata na ako.”

Bagama’t nasanay na sa buhay-single, hindi naman daw isinasara ni Mon Confiado ang puso n’ya sakaling tumibok ito o kaya ay makaramdam s’ya ng spark.  “Well, hindi natin masasabi s’yempre. Ang ating Lord lang ang nakakaalam kung kailan n’ya ibibigay ang tamang makakasama sa buhay. If ever, why not?”

PHOTOS: @mconfiado on Facebook

Bagama’t nasanay na sa buhay-single, hindi naman daw isinasara ni Mon Confiado ang puso n’ya sakaling tumibok ito o kaya ay makaramdam s’ya ng spark. “Well, hindi natin masasabi s’yempre. Ang ating Lord lang ang nakakaalam kung kailan n’ya ibibigay ang tamang makakasama sa buhay. If ever, why not?”

Nasanay na daw na nag-iisa sa buhay ang versatile actor na si Mon Confiado na single pa rin daw for eleven years now.

Inilahad n’ya ito nang maging guest s’ya sa “Bawal Judgmental” segment ng longest-running noontime show na Eat Bulaga noong February 19.

Kaya naman natanong s’ya nina Dabarkads Paolo Ballesteros at Jose Manalo kung ano ang dahilan kung bakit umabot sa mahigit isang dekada na hindi na s’ya pumasok sa isang relasyon. 

Napaglipasan na, e… Well, siguro, iba na ’yong mindset ko. Sa edad kong ito, kumbaga, iba na ’yong mindset, iba na ’yong hinahanap ko,” lahad ni Mon. 

Iniisip rin n’ya na baka na-trauma daw s’ya sa previous relationship n’ya na umabot ng 17 years pero nauwi rin sa hiwalayan. 

Na-experience ko na kasi  halos lahat nu’ng ligawan, relationship… At isang malaking factor din siguro galing ako sa isang mahabang relasyon na 17 years tapos walang nangyari. Parang may konting takot na umibig muli,” pag-amin ng aktor sa show. 

Maliban pa doon, nasanay daw s’ya na ang trabaho n’ya ang priority n’ya over love life kaya nawalan na s’ya ng panahon para dito. 

Tapos isama na natin ’yong busyness ko sa trabaho. Alam naman ng lahat na ’yong dedication ko sa trabaho ay medyo extreme,” aniya. 

Nag-aambisyon kasi ako mag-international film. Lagi akong wala sa bansa tapos lalo na ngayon ang style ng shooting natin lock-in. So wala talagang time, e. Dalawang buwan akong wala, hindi ako umuuwi, so wala talaga.

Na-curious naman ang mga Eat Bulaga hosts kung hindi ba n’ya hinahanap-hanap ’yong may taong sasalubong sa kanya sa tuwing s’ya ay uuwi mula sa trabaho. 

“’Yon nga, nag-iba na ’yong mindset ko. Tinanggap ko na matandang binata na ako,” natatawang sagot ni Mon. "To be honest, nasanay na ako na sarili ko lang ang inaasikaso ko.

Hindi naman daw n’ya isinasara ang puso n’ya sakaling tumibok ito o kaya ay makaramdam s’ya ng spark. 

“Well, hindi natin masasabi s’yempre. Ang ating Lord lang ang nakakaalam kung kailan n’ya ibibigay ang tamang makakasama sa buhay. If ever, why not?” aniya.

Paghahalimbawa pa ni Paolo, maganda rin daw ang magkaroon ng anak na p’wedeng paglaanan ng mga naipupundar n’ya mula sa pag-aartista. Kay Jose naman, maganda rin daw ang may katuwang sa buhay na magpapaalala kung saan dapat napupunta ang kanyang kinikita. 

Tama din ’yang sinasabi n’yo. Maganda din na may nagko-control sa iyo. Kasi ako minsan nauubos lang ’yong kinikita ko sa mga kung ano-ano. Hahaha!” natatawang pagsang-ayon ni Mon. 

Tama ’yon. Iniisip ko rin ’yon. Maganda siguro kung may nagko-control sa akin…mas may focus. Pero s’yempre, dahil wala nga, e, discipline na lang. Kailangan din natin ng tamang disiplina sa paggastos at paghawak ng pera,” pagtatapos n’ya.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.